Anna
Biglang tumigil si Moon sa pagkwento.. Nakayakap pa rin siya saken..
"Moon? Bakit ka tumigil? Ituloy mo lang."
Hindi siya sumagot.. Nang tiningnan ko siya.. Nakatulog na pala! -_- Letche! pabitin-bitin naman to si Moon ng kwento.
Nagpatulong ako sa Maids na ipunta si Moon sa kwarto nya at bihisan siya.. Okay lang yan pare-pareho naman kaming babae!
Nagtataka lang ako... Ano kayang itsura nung Jared? Tsaka asan na kaya siya ngayon? Bakit nya iniwan si Moon? Andaming tanong sa utak ko. Ayoko namang tanungin si Moon baka magkalimutan pa kami ng wala sa oras ehh.
Pagkatapos nun, umuwi na rin ako sa bahay para makapag pahinga. May pasok pa kami bukas ehh.
---#---Moon
*Riiiing!! Riiiiiing!* (Alarm Clock)
*Booogsh!
Hinagis ko yung alarm clock. Ang ingay ehh -_-..
Ayoko pumasok! Ansakit ng ulo ko >_< Marami-rami din yung nainom ko kagabi.
Kagabi, habang nagkukwento ako kay Katie sinadya kong itigil yung pagkwento ko at nagtulugtulugan. Buti nga hindi nila nahalata ng mga Maids. Oo naalala ko lahat ng nangyari kagabi. Ibahin nyoko noh! Hindi ako tulad ng ibang lasing diyan na nakakalimutan yung pinag-gagawa nila pag-umiinom. Para kasing Immune na ako sa epekto ng alak ehh.. Antagal ko na ding hobby ang pag-inom.
Hayy matutulog na lang ako uli..
Arrrggh! Di na ko makatulog! Anong oras na ba? Tiningnan ko yung alarm clock ko sa table malapit sa kama ko. Pero wala dun.. Hinagis ko nga pala kanina! -_- Kinuha ko na lang yung cellphone ko. What the...... Alas tres na pala ng hapon?! Really? Ang aga ko magising ah -_- Tsk! ibig sabihin kanina pa naga-alarm yung alarm clock ko tapos ngayon lang ako nagising..
Bumangon na ko. Hindi na rin naman ako makatulog ehh. Pupunta na lang akong Mall bibili ng bagong alarm clock at ng kahit na ano pang magustuhan ko. Naligo na ko then nag bihis.. Naka t-shirt lang ako, pants at rubber shoes. Hindi na ko nagme-make up. Maganda pa rin naman ako! Duh! Natural beauty ang uso saken!
Bumaba na ko at pumunta sa garahe para kunin ang aking BABY. Sino yung baby ko? Sorry hindi siya SINO kundi ANO.. Hahaha! Ano pa nga ba, edi yung kotse ko. Hindi ko gagamitin yung Mercedez Benz ko ngayon, ang gagamitin ko Si baby Porsche!
Sumakay na ko at pinaharurot ko yung kotse ko. Wala akong pake kung hulihin o habulin ako ng mga pulis. Syempre, I have money..
~AT THE MALL~
Kakatapos ko lang bumili ng alarm clock.. Andito ako ngayon sa hypermarket.. Syempre mamimili ako ng pangmid-night snack ko mamaya..Wala kaming pasok bukas ehh..
Lakad
lakad
lakad
Ohhh myy!!O_O Waaaaaahhh!!! Akalain mong meron pa siya dito? Pero nag-iisa na lang siya at walang kasama..Siguro meant talaga siya na mapasaakin! Mwahahaha! Hindi pa siya nakukuha ng iba!!(*^*) Dali-dali ko itong pinuntahan. Yeeess!!! Nakuha ko na siya!! Ilalagay ko na sana sa cart ko ng biglang.....
May umagaw nito sa mga kamay ko!!!!! Nang tingnan ko kung sino..... Guess who! edi ang Mahangin na kaklase ko!! Sino pa ba edi si Harry the jerk! >_<..
"Hey!! Give it back to me!!!"
Lumapit ako sa kanya at pilit na kinikuha ang aking ohh sooo precious na CROSSINI ROLLS ..