Harry
"Nakikita mo ba yung babaeng yun?"
Andito pa rin kami sa Arcade. Tiningnan ko naman yung babaeng tinuro nya na halatang nagpapa-cute sakin.
"Ohh? Anong gagawin ko diyan? bubugbugin ko?"
"Tsk! Of course not!! Act like you fall inlove with her! Sabihin mo na love at first sight ka sa kanya. Then I want you to kiss her... On the LIPS!"
WHAAT?! tsk! Pambihira! Ehh kamukha ni kiray yung babaeng yun ehh! Or worst, mas malala pa siya kay kiray!
Ang daya kasi neto ni Ms. Alvarez.. Dapat panalo na ko kanina ehh!! Grrr!
Flashback
'Ready. Fight!'
Inatake ko agad yung character ni Moon! Hindi ata marunong to ehh! Hindi manlang makabawe! Ahaha!!
"Ano Ms. Alavarez kaya mo pa ba? Maghanda ka na sa ipapagawa ko sayo.. Mananalo na ko..!! Hahaha!"
"No you're not! Asa ka pa!! Hahahaha!"
"Ooouuuchhh!"
Inapakan ba naman yung paa ko.. ehh naka heels pa siya!
'K.O.!'
"Booom itlog!! Talo ka!!! Ahaha! Sabi ko sayo wag kang aasa ehhh! Masasaktan ka lang!"
"You Cheater!"
"You cheater! Blah blah blah! Whatever you say, I win! That would never change! So weather you like or not, you will do whatever I want!"
"Oo na! Oo na! Tsk!"
Sa susunod babawe talaga ko!
End of Flashback
"Ayoko! Hindi ko gagawin yan! Never! Ever!"
She gave me her deadly glare.. Nakakatakot siya! Parang kakainin niya ko ng buhay!! >_<
"Iba na lang! Kahit ano! Wag lang yan! Pleeaaaase?" With matching puppy eyes pa yan at please sign. Yung tipong magkadikit yung dalawa mong palad..
"Tsk! Wag ka ngang gumanyan! Nasusuka ako sa pagmumukha mo!" Nag-isip siya.. "Kung hindi lang ako mabait ngayon hindi talaga kita pagbibigyan! Ang engot mo kasi! Hahamunin mo ko tapos matatalo ka rin pala!"
"Dinaya mo nga lang ako ehh" bulong ko sa sarili ko
"Ha!? Ano yun!? Ay sinasabi ka!?"
"Ha? Ahh.... wala! Wala!"
"Sige, ito na lang! Gusto ko pagpasok mo sa school bukas naka damit pam-babae ka! At isusuot mo yun hanggang sa pag-uwian..!"
"Ha!? Pero...--"
Sinamaan nya nanaman ako ng tingin.
"Ano aangal ka pa!? Sabihin mo lang!"
"Syempre hindi noh! Ikaw naman! Malakas ka kaya sakin!"
"Siguraduhin mo lang! Dahil kung hindi, patay ka talaga sakin! Naiintindihan mo!?"
"Oo na! Tss."
"Good! Halika na!" Hinila nya ko..
"Wait! Saan tayo pupunta?"
"Saan mo ba ko hinila?"
"Sa Jollibee?" Hindi nya ko sinagot. Nakatitig lang siya sakin..
"Ano naman gagawin natin doon?"
"You're so stupid! Uuwi na ko kaya ipupunta mo ko dun kasi andun yung kotse ko. Kaya halika na!"