Moon
"Ano? Kanina pa ko andito sa harap mo. Hindi ka naman nagsasalita"
"Kasi... Ano..."
"Huh?"
"Ano... Kasi..."
"Ano ka ng ano diyan. Kasi ka ng kasi! Kung yayain mo ko mag-date okay lang. Ikaw naman nahiya ka pa! Hahaha!"
Aba, itong itlog na to ang taas mangarap ahh!
"Hoy ang kapal mong itlog ka! Hinding hindi ako makikipag-date sayo! Asa ka naman! Tinawag lang kita para mag-thank you!"
"Huh?"
"Thank you! Thank you sa pagligtas mo saken nung nabugbog ako!"
"Ahhh! Pwedeng yung mas sincere naman na thank you?"
"Ang arte mo! Buti nga naisipan ko pang mag-thank you! Diyan ka na nga!" Naglakad na ko papuntang pintuan ng kotse.
"Hoy sandali lang! Hindi ko pa nga tinatanggap yung thankyou mo!"
"Wala akong pake!! Bahala ka sa buhay mo!" Pumasok na ko sa kotse at pinaandar ito.. Humarang si itlog sa dadaanan ko.
"Aba, at gusto mong mamatay ahh!" Pina bilis ko yung takbo ng kotse ko at bumusina. tuloy tuloy lang ako..
Nung malapit ko na siyang banggain gumilid din siya..
"Hahahaha! Gigitna gitna pa, tatabi rin pala!" Para akong tanga dito sa loob ng kotse na nagsasalita mag-isa. Nakita ko siya sa side mirror na sumisigaw. Pulang pula siya! Hahahaha! Laughtrip talaga!
San ka kaya pwedeng pumunta? Makakain na nga muna.
Dumaan akong Jollibee. Oo, sa jollibee! Ehh paborito ko yung fried chicken dito tsaka spaghetti ehh!
Ang haba ng pila!! Pero di bale, sisingit na lang ako! Mwahahaha! >:) Pumunta agad ako sa may cashier..
"Miss, I want a spaghetti with fried chicken."
"Excuse me Miss nauna ako sayo. Kung gusto mo pumila ka ng maayos!"
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa with a disgust look. Siguro gangster to! Parang kasing age ko rin siya ehh! I admit, may itsura siya ahh! But don't get me wrong, I don't like him! Yuck lang ha!!
"You know what, alam ko naman na nauna. Is just that, I don't care. So can you back off?" Mataray na sabi ko..
"Pasalamat ka babae ka dahil kung hindi.."
"Dahil kung hindi ano!?"
"Kanina ko pa binali yang mga buto mo."
"Try me!" I smirk.. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. So what? Like hell I care! Tsk!
"Ahh ganun ahh!!"
"Mam Sir tama na po!.Mam ito na po yung order nyo."
Napatingin naman ako sa may cashier..
"Hindi ko na kailangan yan. Nawalan na ko ng gana. Itapon mo na lang. Here..." Inabot ko sa kanya yung isang libo.. "Keep the change"
Napapanga-nga naman yung cashier.. Tumingin uli ako sa lalaki.
"I don't wanna waste my time arguing with a jerk like you. So bye!" I wink at him with my devilish smile. Then I walked out
Akala nya magpapatalo ako sa kanya! Ha!! Ang kapal na mukha nyang awayin ako!! Pasalamat siya dumating yung order ko! Kung hindi babangasan ko talaga yung lalaking yun!!
"Heeeyy!! Let me go!! You jerk!" Bigla ba naman akong hinila ni... ITLOG!? What is he doing here!?
"Shut up! May utang na loob ka pa sa sakin!"