Moon
*tok tok*
*tok tok*
"Kung sino ka man, pag hindi ka talaga tumugil kaka-katok diyan papatayin kita!!" Sigaw ko sa kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Kanina pa yan katok ng katok eh.. Ka bwusit!
"Moon anak, can I come in? Can we talk?" What the F! Ibig sabihin siya pala yung kanina pang kumakatok sa kwarto ko. Psh! Ano naman Moon? Wala kang paikielam sa kanya tandaan mo.
"Go away!" Naiiritang sigaw ko. Para saan pa at mag-uusap kami diba? Kung aalis din naman pala sila!
"Please Moon! Kahit sandali lang" Alam kong umiiyak na siya. F*ck! Ba't pa siya umiiyak? Ginusto nya naman 'to eh! "I said go away! I don't want to talk! Kung aalis kayo, umalis na kayo!" Sigaw ko sakanya.
Maya-maya pa, wala na kong narinig na katok. Baka sumuko na. Kasalanan din naman nila king bakit ako naging ganito. Trabaho lang nila ang mahalaga para sa kanila.
Napailing na lang ako at bumuntong hininga. Mag-isa nanaman ako.
Bumangon na rin ako para makaligo at makapag-ayos. Pagkatapos, Bumaba na ko at pumunta sa garahe... Isa lang ang lugar na pinupuntahan ko pag malungkot, masama ang loob ko o gusto kong mag-isip-isip. At doon ako pupunta ngayon.
Pagdating ko, pinark ko agad yung kotse ko tsaka ako naglakad sa pwestong kita yung buong City at doon ako umupo. Mataas 'tong lugar na 'to at wala ding nakatira kaya tahimik.
Magdi-dilim na rin kaya ang ganda ng City. Nakabukas na yung mga ilaw ng mga nagtataasang gusali.
Nahiga ako. Ang ganda ng langit, andaming stars. *sigh* "Na-miss ko pumunta dito." Sabi ko sa sarili ko
Pumikit ako.."Ako ba, hindi mo na miss?" Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko yung boses nya. Pero hindi ko pinahalatang nagulat ako. Nakapikit pa rin ako. Naramdaman ko namang humiga siya sa tabi ko.
"Bakit ka andito?" Pagalit at may irita na tanong ko sa kanya. He chuckled. "Bakit bawal na ba ko ngayon dito? I miss this place kaya hindi naman sigurong masamang pumunta ako dito?"
Tiningnan ko siya. Nakatingin siya sa langit na para bang may inaalala. "Gusto mo talaga dito? O sige diyan ka na!" Inis akong tumayo sa pagkakahiga at nagalakad papunta sa kung saan naka-park yung ko. Pero hindi pa man ako nakakalayo may biglang yumakap sa akin mula sa likod.
"Jared, what are you doing? Let me go!" Nagpumiglas ako pero mas lalo pa niyang hinigpitan yung pagkakayakap nya sakin.