Harry
Letcheng babae to! Kinonsenya pa ko sa utak ko. Andito ako ngayon sa ospital.. Anong ginagawa ko dito? Ano pa nga ba, edi binabantayan tong masungit na babaeng to! Tsk! Tsk!
(Flashback)
mas pinili kong umalis na lang maglakad palayo sa kanila..
Habang naglalakad...
*sa utak ko*
Ano na kayang nangyari don? Nakatakas kaya siya? Sobrang nasasaktan na siguro siya! Pinakawalan kaya siya ng mga nambubugbog sa kanya? Patay na kaya siya!? WHAT THE!? Ano ba tong nga pinag-iisip ko? Tsk! Kaya nya na yun noh! Kung hindi ba naman sya kalahating tanga ehh! Nakipag laban ba naman ng nag-iisa! Antanga talaga! >_< Bahala sya don! akala nya tutulungan ko siya!? Never!Ilang minuto pa..... Namalayan ko na lang ang sarili ko na tumatakbo na papunta kung nasan ang mga tanod. Oo nagpatulong na ko sa mga tanod dahil kung mag-isa ko lang lalabanan yung mga yun, baka pati ako mapuruhan! Hindi naman sa naduduwag ako, ayoko ko lang mabahiran ng sugat yung gwapo kong mukha! :D... Aarrrghh! letche kasing babae yun!
"Ohh, iho anong ginagawa mo rito?"
Tanong ng isang tanod habang hinahabol ko ang paghinga ko. Nakakapagod kayang tumakbo!!
"Kasi.....kasi po..yung kaibigan ko..pinagtutulung..an.." Sabi ko habang hingal na hingal pa rin..
"Ha!? San banda!?"
"Sumunod po kayo saken!"
"Tara! Kailangan nating magmadali! Baka kung ano nang nangyari sa kaibigan mo!"
Pagdating namin sa may eskinita, nandun pa rin sila at pinagsi-sipa si Ms.Alvarez.. Halatang hirap na hirap na si Ms.Alvarez..
"HOY ITIGIL NYO YAN!"
Sigaw ng ilan sa mga tanod na kasama ko. Napatigil yung mga nambubugbog sa kanya at napatingin samen..
"Tara, Claire sibat na tayo! May mga tanod!!"
Sigaw ng isa sa kanila saka nagsipagtakbuhan paalis.. Mabilis kaming pumunta sa kinaroroonan ni Ms.Alvarez.
"Hala iho, nawalan na siya ng malay!"
"Dalhin mo na sya sa clinic!"
Sabi ng mga tanod na kasama ko. Habang yung iba sinubukang habulin yung mga nambugbog kay Ms.Alvarez. Maingat ko siyang Binuhat at dinala sa clinic dito sa subdivision namin.. She's so fragile. Parang kahit na anong oras ngayon, kapag hindi ko sya iningatan, mas lalo pa siyang masasaktan.. Ewan ko ba, pero parang may naramdaman akong kakaiba.. Parang gusto ko syang mas lalong ingatan at protektahan sa mga gustong manakit sa kanya.. baliw na ata ako ehh.. -_-
Pagdating namin sa clinic nitong subdivision namin. Nilagyan agad siya ng first aid. Pagkatapos pinalipat kami sa ospital dahil mas makakabuti daw sa kanya kung dun siya magi-stay..
(End of flashback)
"Hmmmm~"
Napatingin ako sa babaeng nakahiga sa harap ko. Unti-unting nagmulat siya ng mata..
"Ohh, gising ka na!"
Umakma siyang uupo.
"A-aray! Ang sakit ng katawan ko.."
"Humiga ka lang kasi! Tsk! Gustong-gusto mo talagang nasasaktan ka noh!?"
Bumalik uli siya sa pagkakahiga.
"Ano bang pake mo? Ba't ka ba andito? Tska bakit ba ko andito sa ospital?"
"Wow haa! Ba't di ka na lang mag thank you?! Ako na nga tong nagligtas sayo, ikaw pang ganyan! Andito ka kasi ang laki mong ENGOT! (Bigla siyang tumingin saken using her death glare.. Ano akala nya, mamamatay ako sa takot sa titig nya? tsk! of course not!) Kung hindi ka ba naman t*nga na nakipagbugbugan ng mag-isa!"