Entry No.3

1.5K 92 9
                                    

Entry No.3

Hoy Diary,

May niknock-out ako kagabi. Ang ingay eh. Nagising tuloy ako. Nagsisisigaw kasi si idol. Pero hindi naman sya yung binlack-eyean ko. Yung lalaking nakamaskara na nakita kong tumatakbo palabas ng bahay ni idol. At dahil sya ang dahilan kung bakit naantala ang pagtulog ko na baka maging cause para mabawasan ng 0.001% ang kagwapuhan ko, nagtago ako sa pinakamalapit na poste ng Meralco sa labas ng bahay ko at nung palapit na sya, binulaga ko sya at nag-hi sa kanya ang gwapo kong kamao. Tas yun na yun. Tumba na agad sya. Wala man lang thrill. Nyemas. Mas may thrill pa yung part na bago ako bumalik sa bahay eh may bigla na lang yumakap sakin mula sa likuran. Syet. Chansing si idol. Lol.

-Kenzo

Diary ng GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon