Epilogue

1.5K 91 25
                                    

Kenzo's POV

1 year later..

"Ang bilis talaga ng panahon. Isang taon na kaagad ang nakalipas. Akalain mo yun?" sabi ko habang pinagmamasdan ang puntod nya.

"Mahal na mahal kita. Lagi mo yung tatandaan ha?" sabi ko habang dahan-dahang sinasalat ang bawat letra ng kanyang pangalang nakaukit sa lapida.

Naramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko. Agad ko yung pinunasan. "Ano ba yan. Haha. Sorry kung iyakin si daddy ah? Wag kang mag-alala baby Gray, gwapo pa rin naman ako. Kahit iniwan nyo ako ng Mommy mo, gwapo pa rin ako." Huminga ako nang malalim. "Kahit sobrang sakit.."

Tumingala ako at pinagmasdan ang mga ulap. "Idol.." bulong ko. "Magpakita ka na.. Idol!"

"Ano ba! Wag ka ngang atat! Eto na nga oh!" Agad akong napalingon.

"Idol! Bakit mo ako iniwan?!" sigaw ko.

"Kasalanan mo naman eh! Antanga-tanga mo kasi!" Nagmamadali syang umupo sa tapat ng puntod ni baby Gray. "Pasensya ka na baby Gray kung natagalan si Mommy ah. Yun kasing isa dyan eh, may pagyayapak pang nalalaman. Ngayon lang ata nakatapak sa damuhan. Alam mo kasi anak, yang daddy mo, graduate yan ng Banology. Ayan tuloy, nakatapak ng bubog. Nakakaproud no?"

"Oy grabe ka sakin! Wag mo naman akong siraan sa harap ng anak natin!" reklamo ko.

"Heh! Akina nga yang paa mo, gagamutin ko. Hindi mo alam kung gaano kahirap maghanap ng botika dito."

Humarap sya sa akin at ipinatong sa mga hita nya ang kanang paa ko.

"Ang sakit.." nakasimangot na sabi ko sa kanya.

"Wag ka nang mag-inarte dyan. Sino ba kasing nagsabing tanggalin mo yung sapatos mo?" sermon nya sabay buhos ng sandamakmak na alcohol sa sugat ko.

"ARAY!" Napasigaw ako sa sobrang hapdi at mabilis kong nilayo ang paa ko sa kanya.

"Ano ba! Di pa ko tapos!" sigaw nya sabay hila ulit sa paa ko. Hinawakan nya yun nang mahigpit at saka binuhusan ulit ng alcohol.

"ARAY MASAKIT! ANAKANANG! HINDI KA NAMAN MARUNONG EH!" maluha-luhang sigaw ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin. Patuloy lang sya sa paglilinis ng sugat ko.

Habang ginagamot nya ang paa ko ay nakatitig lang ako sa kanya. Napakaganda nya talaga. Hindi nakakasawang pagmasdan ang mukha nya.

One year ago nang muntikan na syang mawala sa akin. Napakasakit balikan ng mga alaalang yun pero wala akong balak na kalimutan ang mga nangyari noong araw na iyon.

-FLASHBACK-

Tila huminto ang pagtakbo ng oras nang dumulas ang kamay nya mula sa pagkakahawak ko.

Wala akong ibang marinig ng mga sandaling iyon kundi ang mabilis at malakas na tibok ng puso ko. Nablanko ang utak ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Nang tila may mala-anghel na kamay na dumampi sa likod ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon pero iyon ang nag-udyok sa akin na tumalon. Napakabilis ng mga pangyayari. Naramdaman ko na lang ang malakas na pagbagsak ng likod ko sa bubong ng isang sasakyan habang yakap ko sa ibabaw ng katawan ko ang babaeng mahal ko na nawalan na ng malay.

Bago tuluyang pumikit ang mga mata ko nung mga oras na iyon ay nakatitig lang ako sa kalangitan. Nakatitig ako sa isang munting ulap na tila paakyat pa lang sa langit. Napangiti ako.

Diary ng GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon