Entry No. 7

1K 73 2
                                    

Entry No.7

Hoy Diary,

May boyfriend pala si idol. Di sya sumabay sakin pauwi kanina kasi may pupuntahan daw sila nung 'boyfriend' nya. Naisip ko lang, kung may boyfriend naman pala sya, bakit di na lang sya dun nakitira? Bakit di na lang sya dun magpahatid sundo? Grabe. Mukha ba akong charity? Nakikitira sya sa bahay ko ng libre. Pati pagkain nya, libre. Tapos hinahatid-sundo ko pa sya ng libre. Di naman sa gusto kong magbayad sya. Di naman ako madamot eh. Ang sakin lang, may boyfriend naman pala sya. Dapat dun na lang sya nakitira. Bakit sakin pa? Aish. Nakakastress isipin. Baka mabawasan pa ang kagwapuhan ko nito eh. Eh kung palayasin ko na lang kaya sya?

-Kenzo

Diary ng GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon