Entry No.43

813 52 1
                                    

Entry No.43

Hoy Diary,

Just like the previous days, maghapon ko lang syang tinitigan habang nakaupo ako sa tabi nya at mahigpit na hawak ang kamay nya. Hindi pa rin sya gumigising simula nung maaksidente sya. Ibigsabihin, hindi pa rin nya alam na wala na ang anak nya. Iniisip ko pa lang kung anong magiging reaksyon nya, nasasaktan na ako. Gustong gusto nyang magkaanak. At kung kelan matutupad na ang gusto nya, saka naman sya tinamaan ng kamalasan. I pity her. She did everything to get what she wanted. Kahit alam nyang mali. Kahit alam nyang makakasakit sya. Alam kong hindi sya ganun kasama dahil kahit papaano ay nakilala ko naman sya. I can see the goodness in her eyes. Kinailangan nya lang siguro talagang umabot sa ganun dahil yun lang ang nakikita nyang paraan para makuha ang gusto nya. Maybe she has a reason. And whatever that reason is, gusto kong malaman yun. At gusto ko ring ituwid ang kung anumang baluktot na paniniwala ang meron sya. I want to help her. And I badly want to save her. Why? Because I know that I still love her. Kaya please lang, gumising ka na.

-Kenzo

Diary ng GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon