Idol's POV

973 49 3
                                    

Idol's POV

"Lumayas ako kasi masyadong pinagpala ng kapangitan yung ipapakasal nila sakin. Nakakasuka kaya yung pagmumukha nya. Ayokong malahian ng panget."

Una sa lahat, hindi panget yung ipapakasal nila sakin. He's very handsome, actually. Pero hindi ko talaga kayang pakasalan ang isang taong hindi ko naman mahal. Isa pa, I was still in a relationship at that time. Well, I was. He broke up with me, remember? Sobrang sakit nga eh. Sya pa man din yung dahilan kung bakit ako lumayas. Mahal na mahal ko kasi yung gagong yun. But I guess, ako lang yung nagmahal ng sobra. Kasi kung kelan ko sya kelangang kelangan, saka nya naman ako iniwan sa ere, just because my Dad told him to stay away from me. What a coward.

"Saka ayoko naman talagang magpakasal eh. Ang gusto ko lang, baby. Gwapo o magandang baby. At syemre, kung gusto kong magkaron ng gwapo o magandang baby, kelangan gwapo ang makabuntis sakin, di ba? Then I saw you. And that's how this story began."

Nonsense. Hindi ko alam kung sang lupalop ko napulot ang mga walang kwentang kasinungaling pinagsasabi ko sa kanya.

Ang plano ko lang naman nun ay ang lumayas at magpakalayo-layo kasama ang mahal ko. Yun lang. Kenzo was never a part of it.

Yes, I used him. Pero hindi para magkababy. Hindi ako baliw, okay? Why the hell would I do that such a stupid thing?

I only used him para makarating sa Dad ko na may karelasyon na ulit ako. Alam ko kasing pinapasundan nya ako nung mga panahong yun. Kaya ang ginawa ko, nagpanggap ako na may relasyon kami ni Kenzo.

It was all an act. Hanggang sa narealize ko na lang na hindi na pala ako basta umaarte lang. Nahulog ako sa kanya nang hindi ko man lang namamalayan. Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko pero hindi ko kaya. Mahal ko na talaga sya. Kaya nung may nangyari samin, hindi ko pinagsisihan yun kasi we did not merely have sex. We made love.

Hanggang sa nalaman ko na lang na buntis na pala ako. Syempre sobrang saya ko. Sino ba naman ang hindi magiging masaya kapag nabuntis ka ng taong mahal na mahal mo at mahal na mahal ka rin?

Then one day, bigla na lang akong sinugod ni Dad sa art gallery. Hindi na ako nabigla. Alam ko namang someday soon ay darating ang araw na yun. And so it came.

He was so angry. Yung pagpapakasal ko na nga lang daw ang maitutulong ko sa company, hindi ko pa magawa. Sabi pa nya, wala daw syang pakialam kahit na may karelasyon ako at tuloy pa rin ang kasal, sa ayaw at sa gusto ko.

"But Dad, I'm pregnant."

Akala ko, mapipigilan ko ang kasal pag nalaman nyang buntis ako. Well, I was stupid enough to think so. Lalo lang syang nagalit. He slapped me, hard. Sabi nya,

"Fine. We will postpone the wedding. But make sure na bago lumabas ang batang yan ay hiwalay na kayo ng ama nyan. I'll send you to Canada at dun ka manganganak. After that, tuloy ang kasal. Or else.."

Pinagbantaan nya ang buhay ng taong mahal ko. Natakot ako dahil alam ko sa sarili ko na kaya nya talagang gawin ang bagay na yun.

Ang tagal kong pinag-isipan kung susundin ko ba ang gusto ni Dad o hindi. Pero nung nabanggit ni Kenzo ang tungkol sa kasal, dun na nabuo ang desisyon ko.

I broke his heart with my stupid lies and run away with so much pain and regrets.

Sinaktan ko sya at nasaktan din ako. Pero alam kong mas masakit ng isang daang beses ang sakit na pinaramdam ko sa kanya.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. At ngayong nawala pa ang anak ko, lalo ko pang kinasuklaman ang sarili ko. Ayoko na.

Gusto ko na lang mawala.

-xxXxx-

Diary ng GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon