CHAPTER 3

4 0 0
                                    


Pagkatapos ko maitext si papa ay binaba ko na yung phone ko sa side table para makatulog na rin ng maaga pero sa tingin ko ay hindi pa ako makaka-tulog dahil--


*KNOCK-KNOCK*


"Who's there?!" sigaw ko.


"Joy."


"Joy who?!!" pamusit lang ang peg ko haha, e panu naman kasi matutulog na ako eeh T.T 


"Puwede ba MARGA!!" HAHAHA pikon na . Nag lakad na ako para buksan yung pinto na kanina pa niya yata gustong gibain.


"Asan ang JOY dun sa sinabi mo? hahahah." bungad ko sa kanya. Pero hindi na niya ako pinakinggan dahil hinila na niya ako agad paupo sa kama.


"Uy naaalala mo ba yung bago nating classmate kanina, yung Kim Tristan?" excited niyang tanong. Jusme ang ngiti abot langit.


**FLASHBACK**


"Good morning everyone, Im Kim Tristan de Guzman" nagsimula na siya maglakad papunta sa seat area niya.

Sa bandang likuran siya naupo. Kahanay ko pero may dalawang nakapagitan na upuan. Classmate ko pala siya. Yung taong natapunan ko kanina ng kape. Hindi ko na siya pinansin at dumerecho na ng tingin. Nagsimula na din mag klase si Ms. Sasa at nagsimula na din akong tumingin sa bintana.

Nasa second floor yung room namin, naka-upo ako malapit sa bintana kung saan kita ang mala-garden ng school. May fountain, maraming bench, meron ding upuan na may lamesa, may mga puno at madaming halaman. Tinignan ko yung relos ko 10:30 pa lang, tinignan ko si Joy Rean tulala na nakatingin kay Ms. Sasa para bang nakikinig pero hindi naman, swear naiinip na din yan. Tumingin din ako dun sa Kim Tristan at nagulat ako, bakit?. Kase natutulog siya. Hindi kase ako sanay na may harapang natutulog sa klase, grabe ginawa niya talagang apartment tong school, ginawa niyang tulugan! Anyway wala akong pake kaya bumaling na lang ulit ako dun sa garden.


**END OF FLASHBACK**


"Hindi. Hindi ko naaalala." sabi ko sabay iwas ng tingin. Ayaw ko kase pag usapan yung lalaki na yun, nakaka-init ng dugo. Ang yabang!


"Ah e si Darryl paano mo naka-usap?" puro kalandian talaga alam ng kaibigan ko na to.


**FLASHBACK**


Maya maya narinig kong nagsitunugan na yung mga upuan, isang senyales na may mga tatayo na. Hindi ko naman alam kung bakit nagsisitayuan yung mga kaklase ko kaya tumingin ako sakanila ng 'anong-nangyayari-look' , ang aga nman kase magpa-uwi eh di ako sanay, 12 kase yan sakto nagpapalabas walang labis walang kulang.


"Alam mo tuwing makikita kita palaging may question mark sa mukha mo (not a literal one)" ngumiti pa siya. Sino ba to? "Darryl Uy nga pala, uwian na natin, namatayan daw si Ms Sasa." nginitian ko siya bilang thank you sa pagsabi niya. " You are always welcome. I have to go, see you around" at lumabas na siya ng classroom. Katabi ko siya pero ngayon ko pa lang siya nakilala at nakausap. Para siyang mind reader. Grabe siya.


**END OF FLASHBACK**


"Wala, sinabi niya lang kung bakit maaga tayong pinalabas kanina." naglakad ako papuntang pinto at binukas ito. "Alis na! Inaantok na ako."


"Sungit neto! Tulala ka na naman siguro kanina kaya hindi mo alam HAHAHAHA! Pero girl ang swerte mo talaga." lumabas na din siya. SA WAKAS!!! "Pag nan-ligaw sayo wag mo na pakawalan ha! GOOD NIGHT!!" sabay takbo papuntang kwarto niya. Sira talaga yun. Sinara ko na yung pinto at nahiga na sa kama. GOOD NIGHT EVERYONE!!


A/N: pasensya na natagalan mag UD. salamat sa mga nag babasa. KEEP READING!! good night muah




Till Our Skies Turns GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon