CHAPTER 1

5 0 0
                                    


Naglalakad ako papuntang rooftop ngayon, may dala akong kape na binili ko sa isang vendo dun sa baba kanina. Its almost 6 pa lang naman kaya wala pang masyadong tao. Napili kong pagtambayan muna yung rooftop kase una sa lahat tahimik at maganda ang view na makikita ang buong university campus.


Pag bukas ko sa pinto ng rooftop dumerecho aq dun sa nag iisang upuan. Uupo sana ako nang may nakita akong gumalaw dun sa sulok na malapit sa upuan. Sa sobrang gulat ko ay napatalon ako sa upuan at nakalimutan ko na may hawak akong kape kaya tumapon ang kape sa bagay na gumalaw.


"ARAY!!!!!! ANG INIT!!!!" hala!!! may tao don! tao yung gumalaw!



Agad agad akong bumaba para tignan yung taong natapunan ko


"Hala kuya sorry po T.T" paumanhin ko pero mukhang hndi nia tatanggapin. "Kuya pasensya na po hindi ko po kayo nakita agad" kinalabit ko pa sabay yuko.



Tumayo na sia habang pinupunasan niya yung damit niya na natapunan ko ng kape. Syempre tumayo din ako para punasan siya pero...pero tinapik niya lang yung kamay ko . Bastos!!! Malay ko ba na dun siya natutulog at saka, SCHOOL ho ito hindi apartment, tsk tapos ngayon ako pa may kasalanan sa d sinasadyang dahilan?!!!. Ang kapal! Bahala siya!


Tumalikod na aq na may kasamang irap at kasabay nun ay ang paghangin ng buhok ko na chesnut brown ang kulay.


Pumunta na ako agad sa selected room ng section namin, umupo ako pag pasok ko at panandaliang pumikit para mawala yung konting stress.



Ako si Anne Margarette Mendoza ,18 years na sa mundong ibabaw. Nagte-take aq ng kursong Business Administration sa isang unibersidad. Ako lang mag-isang nakatira dito sa Pilipinas simula nung mamatay si mama. Si papa naman nasa ibang bansa nagwowork maybe. Siya ang nagpapadala ng pera ko monthly. Hindi naman siya mahigpit sa katunayan, bahala na dw ako sa sarili ko dahil matanda naman na daw ako, pag naman may problema magsabi lang daw ako. Si mama namatay siya nung nag sweet sixteen ako.



" Marga. " tawag sa'akin ni Joy Rean na may kasamang yugyog.


Inangat ko yung ulo ko na may konting luha pa sa mata kaya pinunasan ito.


"Umiiyak ka na naman jan. Akala ko tulog ka, sayang ang effort ng pag-gising ko sayo." humikab pa siya talaga. Wala akong gana makipagdaldalan kaya d ko na lang siya sinagot.



"Marga,marga, may bago daw tayong classmate, usap usapan jan sa labas gwapo DAW!!!! oh my gosh hahah!!! Em so excited to see him!!!!" yup ganyan ang kaibigan ko. Ganyan si Joy Rean Cruz. Ganyan lang sya, parang malandi pag ako ang kausap pero hindi talaga yan malandi. "Tulala ka na naman jan. Sige na, tumulala ka na all day!". at dumerecho na siya ng tingin. Napagod na siguro kakadakdak.



"Good morning class!" masayang bati ni Ms. Sasa kasabay nun ay ang mala-flash na takbo para bumalik sa kanya kanyang upuan.



"Good morning Ms. Sasa" masiglang bati DIN NUNG IBA, syempre me, myself and I are not counted.



"We have a new student!" at tumingin si Ms. sa labas. Tinignan ko namam yung mga kaklase ko, halata na excited silang lahat. "Ijo introduce yourself"


Pag pasok nung 'new student' shocks!!!! Siya ba yon?!! Hindi ako makapaniwala!! Nag-iba na?! bakit?!!!!! 



--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Support guys lovelotssss muwaaah...


Till Our Skies Turns GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon