CHAPTER 5

4 0 0
                                    


DARRYL'S POV


"Margarette?" tawag ko dun sa babaeng nakatalikod. Alam kong siya to.


Nakakunot na naman yung noo niya pagharap niya sakin na parang hindi na naman niya ako nakikilala. Ang cute niya talaga haha.


"Hahah!! Darryl Uy, classmate mo. Nakalimutan mo na?"


"Hehe memory lost" sabi niya sabay kamot ng ulo.


"Sinong kasama mo dito?" tanong ko. Naghanap pa ko baka kase kasama niya yung best of friend niya.


"Wala naman" Tipid naman sumagot. Nahihiya pa siguro to sa'akin hahah.


"Ang cute mo Haha" mahina kong "I like you (mahina pa din to, di ko alam kung naintindihan niya)-----may gagawin ka pa ba?" Nakangiti kong tanong. Hehe nakakahiya baka narinig niya.


"Wala naman, bakit?" tinitignan ko lang siya sa ginagawa niya.


"Gusto mong kumain muna?" medyo nabangga ko siya dahil may dumaan. Napalakas yata yung pagkakabangga ko dahil nabitawan niya yung pen na hawak niya. "Okay ka lang ba?" tanong ko. Pinulot ko na din yung pen na bumagsak.


"O-oo okay lang a-ako" siguro nga napalakas, kailangan kong bumawi sa nagawa ko.


"Yeah, you're not. Let's go, eat some foods." hinawakan ko yung kamay niya at hinila siya. Mabagal maglakad eh.


Huminto agad ako ng makita ko tong fast food chain na to.


"Anong gusto mo?" tanong ko habang namimili ng makakain sa menu board.


"Ikaw" nagulat ako sa sagot niya kaya napatingin ako sa kanya. Haha nanonood lang siya. She's so cute.


Hinila ko na siya agad sa vacant seat na nakita ko, baka kase maunahan pa kami ng iba.


"Sige ako na lang ang o-order." Hahaha. Ako daw ang gusto niya. Hahaha.


"Ms 2 orders of B2 please." sabi ko sa cashier.


"Regular drinks sir?"


"Yeah. Hmm pineapple juice instead."


"Okay sir"


Pagkakuha ko nung order ko ay pumunta na agad ako sa area seat namin.


"Gaano ka na katagal dito sa Pilipinas?" tanong niya.


"Paano mo nalaman na hindi talga ako dito sa Pinas?" nagulat ako sa tanong niya kaya napahinto ako, alam ba niya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Till Our Skies Turns GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon