CHAPTER 4

3 0 0
                                    

MARGA'S POV


Nandto ako ngayon sa mall tumitingin-tingin ng dress sa mga boutique dito. May nakita kase akong dark violet dito last week bibilin ko sana pero wala akong dalang pera noon kaya binalikan ko ngayon, ang nakakalungkot niyan ay nabili na pala haAy! Maghahanap na lang ako ng bagong dress.


"Hello baby?------yes baby, kayalang wala na dito yung nakita mo last week------hindi na?------dadalan na lang kita. I love you, mag-iingat ka dyan hah------okay bye" familiar yung boses netong lalaking nakikipag-usap sa phone dto sa likuran ko, pero di ko matandaan kung saan ko narinig yung boses na yun e..


Lumabas na ako sa botique pagkatapos ko bilhin yung navy blue na simple dress, pina-baggage ko muna para magaan ang buhay hahah.


"Margarette?" lumingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Siya pala, teka ano na nga pangalan niya, Uy yung apelido e.


"Hahah!! Darryl Uy, classmate mo. Nakalimutan mo na?" ah oo siya nga heheh.


"Hehe memory lost" palusot ko, pero parang ganun na din haha!


"Sinong kasama mo dito?" tanong niya sabay tingin pa sa paligid ko. Oo nga pala, dito kami nagkita sa book store.


"Wala naman" matipid kong sagot. Eh kase naman mahirap maging FC.


"An-attd-mo Haha" mahina niyang tawa. Anung nakakatawa at anu daw? Di ko naintindihan. "I like you-----may gagawin ka pa ba?" nakangiti niyang tanong. Infairness ang gwapo ngumiti ha.


"Wala naman, bakit?" balik kong tanong habang tna-try isa isa yung mga pen dito na naka-display.


"Gusto mong kumain muna?" napa-usog siya sakin dahil may nakidaan na babae. Bigla kong nabitawan yung pen na hawak ko dahil may naramdaman akong parang electricity sa nagdikit naming braso. Nakakagulat. "Okay ka lang ba?" sabay pulot niya sa pen na nalaglag.


"O-oo okay lang a-ako" bakit ganito, na-uutal ako.


"Yeah, you're not. Let's go, eat some foods." hinawakan niya yung kamay ko at hinila ako.


May katangkaran siya. Siguro 5"6 yung height niya. Black ang buhok, matangos ang ilong, medyo pasingkit yung mata na kulay black. May brown na kulay ng balat cguro dahil na din sa pagtira niya dito sa Pilipinas ng matagal kaya ganyan na ang kulay ng balat niya.


Huminto kami dito sa tapat ng isang fast food chain pero ayaw pa din niya tanggalin yung pagkakahawak sa kamay ko. Napansin niya siguro na tinatanggal ko kase first time lang na may humawak sa kamay ko, hindi ako sanay. Pero lalo pa niyang hinigpitan.


"Anong gusto mo?" tanong niya habang nakatingin doon sa menu board.


"Ikaw" sagot ko. Pinapanood ko kase yung video dun sa menu board. Ang cute eh.


Narinig ko siyang tumawa ng mahina kaya napatingin ako sa kanya pero hinila lang niya ako papunta sa vacant seat.


"Sige ako na lang ang o-order." tumawa pa siya bago maglakad papunta sa counter. Problema nun?.


Maya-maya ay dumating na din siya dala yung mga binili niya na pagkain.


"Gaano ka na katagal dito sa Pilipinas?" tanong ko sabay subo.


"Paano mo nalaman na hindi talga ako dito sa Pinas?" tanong niya, take note napatigil pa siya sa paglalagay ng gravy sa kanin niya.


"Grabe ka naman kuya, malamang taga-ibang bansa apelido mo eh" grabe siya, di siya makapaniwala sa tanong ko.


"Hahahaha. Hmm medyo matagal na din. 5 years na simula nung pinauwi ako para bantayan yung business namin dito." sabay inom ng juice.


"Eh kuya----"


"Huh? Cut that word 'kuya' , call me Daryll." ngumiti pa siya. Bakit ganun, ang gwapo niya. May pantay pantay siyang ngipin tapos pag tumatawa nawawala na yung mata sa sobrang singkit niya. Madami sigurong nagkakagusto dito.


"Ok. Uhm anong business niyo?" tanong ko. Syempre curious lng hahah.


"School. School yung business namin." sabi niya


"Woah!!! Panu mo naha-handle yung business na school niyo kahit nag aaral ka pa lang. Ka-galing mo naman."


"Sa katunayan niyan ay may nagma-manage ng school, ako lang pinagbabantay ni mama para alam niya kung ano ang nangyayari sa business" ah mayaman pala talaga sila.


"Bakit ikaw ang pinagha-handle, ilan ba kayong magkakapatid?" tanong ko, kase puwede naman na yung iba niyang kapatid ang maghandle dba?


"Dalawa lang kami, Ako ang kuya kaya ako ang hahawak sa business. Saka bata pa yung kapatid ko, wala pa siyang pakealam sa business. Kung hindi ko din naman tutulungan si mama, mahihirapan siya lalo na't mag-isa lang siya. Kaya mas nagfocus siya sa ibang bansa." ang bait niya naman. Nakakainggit dahil buhay pa hanggang ngayon yung mama niya.


"Nasaan pala yung papa mo? Bakit mag isa na lang yung mama mo na nag ne-negosyo?" tanong ko.


"Wala na si papa, matagal na. Nag crash yung eroplanong sinasakyan niya. " lumungkot yung mata niya dahil sa sagot niya pero pinipilit pa din niya na maging masigla yung boses niya.


"Sorry tinanong kita tungkol sa papa mo." kadaldal mo kase marga! Ayan tuloy may napalungkot ka! tsk!


"Huh? Okay lang. Tanggap ko naman na yung nangyari at saka matagal na yun. Wag ka mag alala, ganun talaga." napaka-humble niya talaga. Sana magkaroon ako ng kapatid na ganito. "Ikaw? asan ang pamilya mo?" tanong niya.


"Si papa na'sa ibang bansa. May business siya dun. Dun nga din dapat ako pero mas pinili ko dito." sinubo ko na yung huling pagkain sa plato ko.


"Yung mama mo ba at mga kapatid mo kasama mo dito?" tanong niya habang naka-tingin ng deretso sa mga mata ko.


Napatinging ako sa baba. "Wala akong kapatid, at" napaluha na ako ng hindi sinasadya. "Wala na si mama." Tuwing maaalala ko yung gabi na yun napapahiyak ako. Kasalanan ko yun. Sana hindi na lang ako mapilit.


A/N : Keep Reading guys .... Thank you <3 <3 <3 


Till Our Skies Turns GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon