Part 1

111K 2K 272
                                    


DINILAAN NI Temarrie ang kanyang hintuturo saka ipinagpatuloy ang pagbibilang ng kanyang salapi. Ngingisi-ngisi siya habang pabalik sa kanyang kotse. Nanalo na naman ang tinayaan niyang kabayo kanina sa horse race. Okay talagang pagkakitaan ang sugal na ito. Easy money. Sa susunod, mas lalakihan pa niya ang kanyang pusta. Kapag nagkataon, siguradong sa loob lang ng ilang taon, magiging milyonarya na siya.

"Ang galing ko talaga!" bati pa niya sa kanyang sarili. "Sa wakas ay makakapagpatayo na rin ako ng sarili kong negosyo. Makikita ninyo, Papa." Tumingala pa siya sa langit. "Kikilalanin nyo din ang kakayahan kong maging mayaman! Bwahahaha—"

"Holdap 'to. Huwag kang kikilos ng masama."

Nabitin ang tawa ni Temarrie nang maramdamdan ang matulis na bagay sa kanyang likuran. "Naku, manong, huwag ho ninyo akong sasaktan. Hindi ho ako lalaban. Babae ho ako, mahina. Wala akong—"

"Tumahimik ka! Akin na ang lahat ng pera mo!"

"Lahat? Ng pera ko?" Hinigpitan niya ang hawak sa kanyang mga pera saka pasimpleng naghanap ng maaaring makatulong sa kanya. Kung bakit naman kasi naisipan pa niyang umuwi ng mas maaga kaysa sa talagang oras ng uwian ng mga tao sa horse racing track na iyon sa Sta. Ana, Manila.

"E...manong, puwede ba nating madaan ito sa demokratikong usapan—"

"Ayoko na ng maraming satsat! Ibigay mo na sabi sa akin ang pera mo kung hindi, papatayin kita!"

"Teka ho muna sandali. Ibibigay na." Dahan-dahan pa niyang ibinaba ang kamay na nahawak sa kanyang mga pera. She wasn't really ready to let it go. Aba, ilang linggo yata niyang hinintay na magkaroon siya ng panaginip na makakapagsabi sa kanya kung anong numero ng kabayo ang kanyang dapat tayaan upang manalo. Tapos, mawawala lang iyon agad nang ganon? Paano na ang kanyang binabalak na negosyo?

She needed the damn money!

Nag-isip pa si Temarrie ng mabilis na solusyon kung paano makakawala sa holdaper, with her precious money still intact. Nang mula kung saan ay may narinig siyang boses ng isang lalaki.

"Hey, what's going on out there?"

Isang matangkad na pigura ang nakita niyang papalapit sa kanila. Nang mapansin niyang na-distract ang holdaper, agad siyang lumayo rito. Pero mas mabilis ang holdaper dahil naagaw nito sa kamay niya ang kanyang mga pera saka kumaripas ng takbo.

"Hoy! Ibalik mo sa akin iyan!" Nang tangkain niya itong habulin ay may kung anong pumigil sa kanyang beywang. Nagpumiglas siya. "Bitiwan mo ako! Ang pera ko!"

"Are you out of your mind? Bakit mo pa susundan ang lalaking iyon ngayong ligtas ka na?"

"Pero ang pera ko, hindi pa ligtas!" Pero hindi na siya nito pinakawalan pa. At ang pobre niyang salapi, tuluyan nang naglaho sa kanyang paningin. "Ang pera ko..."

"The guy has a knife. Mas importante pa ba ang perang iyon kaysa sa kaligtasan mo?"

Ngayong ni anino ng kanyang salapi ay hindi na niya maaninag pa, nabaling tuloy ang lahat ng atensyon ni Temarrie sa lalaki. Sa unang pagkakataon, she had a glimpse of her unwanted hero. Lalo lang lumala ang kanyang mood.

"Oo! Mas importante ang perang iyon kaysa sa buhay ko! Dahil ang perang iyon ang buhay ko! Ngayon, ano na ang gagawin ko?!"

"So, this was my fault? Iniligtas na nga kita—"

"Sinabi ko bang iligtas mo ako? Kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng tulong!" Sa sobrang frustrations ay hinampas niya ito sa dibdib. Ngunit nasangga naman siya nito kaya lalo lang siyang nagngitngit. "Asar ka! Sinira mo ang kinabukasan ko! Kung hindi dahil sa iyo, may pera pa sana ako ngayon!"

Stallion Riding Club 1: Jubei Bernardo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon