Part 6

55.9K 1.4K 138
                                    

TINANGHALI NG gising si Temarrie kinabukasan. Nang magmulat siya ng mga mata ay agad natuon ang kanyang atensyon sa bakanteng unan sa kanyang tabi. Magkatabi pa rin ba sila ni Jubei na natulog kagabi? Wala na siyang matandaan dahil sa kotse pa lang yata ay nakatulog na siya. Inabot niya ang unan nito at inamoy-amoy iyon. Jubei's masculine scent was still clinging to his bed.

Napangiti si Temarrie. Heto na naman siya na parang tanga. Ang nakapapanibago lang ngayon, wala na siyang pakialam. So what kung magmukha siyang tanga? Gusto naman niya ang pakiramdam na iyon kaya wala ng deadma-han na lang. At hindi na muna siguro siya magpupunta sa restaurant ngayon. Bahala na ang supervisor niya roon tutal naman, nasabi na niya rito ang lahat ng gusto niyang mangyari sa renovations.

She wanted to spend some time with her husband now.

Naligo si Temarrie at nagbihis ng pinakakumportable niyang damit na may touch of class naman kahit paano. Gusto niyang maging maganda sa paningin ni Jube. Sa anong dahilan, hindi niya alam. Basta lang gusto niyang magustuhan ng lalaki ang itsura niya. She let her long hair fell freely across her back and went out to find him having coffee with three other guys at the front porch. Balak sana niyang huwag nang istorbohin ang mga ito dahil mukhang importante ang mga pinag-uusapan. Pero napadako ang pansin ni Jubei sa kanya. Nang pagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa, sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng pagkailang si Temarrie.

Hmmm, nitong mga nakaraang araw, napapansin niyang maraming bagay at pagakakataon siyang nararanasan sa unang pagkakataon. It was a good thing, though. Dahil natutuwa siya sa pakiramdam na iyon.

"Hi, there!" bati ng isa sa mga kasama nitong lalaki. "You must be Temarrie."

"Naistorbo ko ba kayo? Pasensiya na. Babalik na lang—"

"No, no. It's okay." Isa sa mga ito ang tumayo at mabilis na lumapit sa kanya. "Wow. You looked even prettier up close. No wonder bigla kang pinakasalan nitong si Jubei. By the way, I'm Neiji Villaraza, ang pinakaguwapo sa aming apat."

"Neiji, huwag mo nang pag-interesan iyang si Temarrie at baka maupakan ka lang ni Jubei."

"Okay lang iyon, Trigger," singit ng isa pang lalaki. "Mas masaya nga. Hindi ko pa nakikitang bumalandra sa sahig si Neiji."

"Jubei, huwag kang magselos. Marunong lang talaga akong maka-appreciate ng magaganda. Pero...ang suwerte mo talaga, pare. Temarrie, may kapatid ka pa ba?"

"Meron. Sina Kuya Anthony at Kuya Marlon." Nagtawanan lang ang mga kasamahan nito. "Sige, maiwan ko na muna kayo."

"Wait up, Temarrie," wika ng lalaking nagngangalang Trigger. "Hindi pa tayo nagkakakilala nang maayos. Ito naman kasing si Jubei, hindi kami inabisuhan na magpapakasal na pala kayo. Akala kasi namin..." His voice trailed off and his eyes went towards his Jubei. "Ah, well, nevermind."

May pakiramdam si Temarrie na tila nagkaroon ng kaunting tensyon sa huling sinabing iyon ni Trigger. Ngunit agad din naman iyong naglaho nang lapitan siya ni Jubei, pumagitna sa kanila ni Neiji, at hawakan sa braso si Temarrie saka hinarap ang mga kaibigan.

"These are my friends. Trigger Samaniego, Zell Zapanta and Neiji. Guys, this is...Temarrie Icasiano—Bernardo. Temarrie Bernardo. My wife."

Sabay-sabay na napangiti ang mga kaibigan ni Jubei, habang si Temarrie ay hindi alam kung ano ang magiging reaksyon. Sa paraan kasi ng pagpapakilala nito sa kanya... My wife.

"Jubei, baka naman puwedeng itong misis mo na lang ang maging commercial model ng Stallion Shampoo ko," ungot uli ni Neiji. "She's perfect for the role."

"Model? Pero hindi ako model."

"Okay lang iyon, Temarrie. Wala ka namang ibang gagawin kundi ang ngumiti sa camera at bahala na ang buhok mo ang mag-promote sa bagong launch na product ng kumpanya ko."

Stallion Riding Club 1: Jubei Bernardo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon