Part 7

48.4K 1.4K 111
                                    

WALA PA ring imik si Temarrie hanggang sa makarating sila ni Jubei sa resthouuse na pag-aari nito. Doon sila mananatili habang naroon sila sa Stallion Riding Club para sa selebrasyon ng kaarawan ni Reid.

"We have a problem." Nakatayo sila ni Jubei sa labas ng pinto ng silid. "Nag-iisa lang din ang kuwarto at kama rito."

"Wala ka na namang guest room?"

Pumasok ito ng silid at inayos ang mga unan at kumot. "Pribado talaga akong tao."

"Madamot ka kamo."

"I'm just not ready to share my house to anyone."

Natameme na naman si Temarrie. Wrong timing talaga ang naging pag-eksena niya sa buhay nito. Pero kasalanan ba niya iyon? Ito naman ang lumapit sa kanya at hindi din niya ito pinilit. Pumasok na rin si Temarrie sa loob ng silid. Laking gulat niya nang lumapit ito sa kanya at akbayan siya.

"So, anong gagawin natin sa problema nating ito?" tanong nito. Idinikit ni Jubei ang mukha nito sa ulo ni Temarrie. "Magre-wrestling uli tayo para sa kung sino ang matutulog sa kama?"

Advicing her heart to calm itself, inalis niya ang braso nito sa balikat niya. "Ako na ang matutulgo sa sahig para hindi ka na umiyak kapag natalo ka."

"Tapos ano? Gagapangin mo na naman ako?"

"Ang kapal mo. Hindi na uli mangyayari iyon, 'no?"

"Ah, so umamin ka rin."

"It was just one time. At...at nag-i-sleepwalk ako nun." Palusot nyang bulok.

Pero wala nang sinabi pa si Jubei. Bagkus ay dinampot na lang nito ang mga unan at kumot. "Dito ka na. Doon na lang ako sa sofa sa sala."

"Bakit doon ka? Akala ko ba hindi ka natutulog sa hindi mo kama?"

"Kung totoo iyan, I would still be a virgin right now." Nakakaloko pa itong ngumiti saka siya kinindatan.

Nagrambulan tuloy nang wala sa oras ang mga imaginary animals sa dibdib niya sa lakas ng tibok niyon.

"Kung gusto mong magpahinga, magpahinga ka na," wika nito habang palabas ng silid. "May pupuntahan lang ako."

"Kay Rumina?"

Napahinto ito sa paglalakad at lumingon sa kanya. "Why do you ask? Akala ko ba wala tayong pakialamanan sa personal na buhay ng isa't isa?"

Inismiran lang niya ito. "E di huwag mong sagutin."

Sumampa siya sa kama at mariing ipinikit ang kanyang mga mata upang mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Nakakainis! Bakit kailangang dumating pa ako sa ganitong sitwasyon? Ayoko nito! Ayoko ng gulo! Ibalik nyo ako sa Pilipinas!

"May race match lang kami ng mga kasamahan ko," narinig niyang wika ni Jubei. "Baka gabihin na kami roon. Iiwan ko rito sa estante ang card ko. Iyon ang gamitin mo kapag kakain ka sa kahit na anong restaurant dito. O kung may matipuhan kang bilhin. They will charge it to my account, don't worry."

Tumango lang siya.

"Temarrie, are you okay? Kanina ko pa napapansin na hindi ka gaanong umiimik."

"I'm fine. Tinatamad lang akong magsalita. Umalis ka na. Baka hininihintay ka na nila roon." Baka hinihintay ka na ni Rumina.

"Okay. Rest well."

Narinig na niyang bumukas at sumara ang pinto ng silid. Nakaalis na si Jubei.

Ang isipin na muling magkakasama ang dalawa ay parang hindi na niya matanggap. Kanina lang ay hindi na halos siya nito pinansin, tapos ngayon ay magkikita na naman sila? Nagrebelde na ang puso niya.

Stallion Riding Club 1: Jubei Bernardo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon