Part 3

54.2K 1.6K 120
                                    

NANATILING NAKAUPO si Temarrie sa visitor's chair habang si Jubei naman ay nasa likuran ng table nito at tahimik lang siyang pinagmamasdan. Nang iwan sila ng ama nito ay sinabi nitong mag-usap na muna sila sandali sa opisina nito.

Sandali pala, ha? Muling sinulyapan ni Temarrie ang wallclock na nakasabit sa dingding sa bandang likuran nito.

"Ano? Magtititigan na lang ba tayo rito? Aba, kung ganon, bayaran mo ang oras ko dahil marami pa akong dapat ay ginagawa ngayon na pinagkakakakitaan ko."

"Wala ka na ba talagang inisip kundi pera?"

"Alangan namang ang problema ng mundo ang isipin ko. Hindi naman ako nun mabibigyan ng kaginhawaan sa buhay. Sasakit pa ang ulo ko." Tumayo na siya. "Nasabi ko na ang gusto kong sabihin kaya aalis na ako. Babush!"

"Why did you agree to this marriage, Temarrie? Wala ka na ba talagang mapagkaabalahan sa buhay kaya hinahayaan mo lang ang ibang tao na pakialaman ang buhay mo?"

"Ako ba talaga ang tinatanong mo o ang sarili mo?"

"I'm the one who threw the question."

Nagkibit-balikat lang siya. "I'm not bored."

"So, what's your reason?"

"Hindi ba pa obvious? Siyempre, pera. Mukhang iyon lang naman talaga ang mapapakinabangan ko sa iyo."

"You're throwing away your freedom for the sake of money?"

"Bakit, ano ba ang inaasahan mong isasagot ko? Na pakakasalan kita dahil mahal kita? Duh. In the first place, I don't even like you."

"Same here. Kung ganon malinaw na sa ating dalawa ang lahat—"

"Actually, hindi pa." She was not going to let him run everything in her life. She had enough of that with her family. "How about you, Jubei? Ano naman ang dahilan mo kung bakit bigla ka na lang pumayag sa set up na ito? Sa nakikita ko pa naman sa iyo, hindi ikaw ang tipo ng taong basta na lang hahayaan ang ibang tao na pakialaman ang buhay mo."

"I don't want to disappoint my parents, lalo na ang Papa. Bata pa lang ako, alam ko na ang plano niya ng kaibigan niya, which was your father, na ipakasal ako sa anak na babae nito. Na ikaw nga."

"Mukhang disappointed ka."

"My feelings has nothing to do with this. Ang parents ko lang ang mahalaga sa akin dito. May sakit sa puso si Papa. Pagkatapos ng mga nakita at narinig niya kanina, siguradong tuwang-tuwa na iyon dahil matagal na niyang gustong magkakilala tayo. Minsan ko na siyang binigyan ng kalungkutan, and it almost caused him his life. Ayoko na uli mangyari iyon dahil apektado ang Mama ko. Now, six months was already a long time for us to be spending time together. I'm sure hindi na magtataka pa ang mga magulang natin pareho kapag nalaman nilang hindi na nagwo-work out ang pagsasama natin bilang mag-asawa."

"So, maghihiwalay tayo pagkatapos ng anim na buwan."

"Irreconcilable differences. Tatanggapin iyon ng korte, with your attitude—"

"And your attitude," dugtong niya.

"With your attitude," pagdidiin nito. Talagang ayaw patalo. "Matatanggap na nila na pinilit nating makilala at mapakisamahan ang isa't isa ngunit hindi pa rin nagkakasundo. In six months, pareho na nating makukuha uli ang kalayaan natin."

"Heto naman ang plano ko. Papayag ako sa lahat ng iyan, pero gusto ko rin naman na may mapakinabangan ako out of this marriage."

"Sounds fair enough."

Kahit paano, natigatig siya sa sinabi nito. Wala ni katiting na bakas ng pagkabahala sa guwapo nitong mukha. Hindi ito nag-aalalang limasin niya ang lahat ng kayamanan nito. He was that financially stable?

Stallion Riding Club 1: Jubei Bernardo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon