Part 8

50.2K 1.4K 150
                                    

ITINAAS NI Temarrie sa kinauupuang bench ang kanyang mga binti at niyakap iyon. Napakalamig ng klima nang umagang iyon. Pero nagtitiis siya dahil gusto niyang makita ang pagsikat ng araw. Napakaganda rin sa paningin niya ang tahimik na Bulkang Taal.

Hindi siya gaanong nakatulog kagabi dahil sa mga nangyari sa kanila ni Jubei. He had introduced her to his secret world and had told her something that she still wasn't sure until now. Idagdag pa na talaga namang nangalay ang mga binti niya sa halos isang oras na pag-upo sa kabayo. Iniikot kasi siya ni Jubei sa lahat ng sulok ng Stallion Riding Club. At masasabi niyang mas magandang pagmasdan ang lugar na iyon sa gabi.

O kaya naman, naging mas maganda lang ang perspective niya dahil mahal niya ang kanyang kasama.

Napangiti si Temarrie. Malinaw pa sa kanyang alaala nang tangkain ni Jubei na halikan siya habang nakatanaw sila sa lawa ng Taal. Pero hindi nga iyon natuloy dahil naging masyadong malikot ang kabayo nito. Hindi tuloy sila nakapag-concentrate at sa huli ay tuluyan nang nasira ang momentum nila.

Pero kung sinubukan uli ng lalaking iyon na halikan ako, ay naku, todo na 'to!

"Good morning, Misis." Jubei sat at the other end of the bench. Inilapag nito ang dalang tasa ng mainit na kape sa pagitan nila at tumanaw sa Taal Volcano. "Pretty, isn't it?"

"Oo."

"Masyadong maaga ka yata na nagising ngayon. Hindi ka ba nakatulog nang maayos kagabi?"

"Medyo. Namamahay siguro ako."

"Bakit sa bahay ko sa Maynila, hindi ka naman nakaranas ng ganyan?"

Nagkibit lang siya ng balikat. "Ewan ko." Siguro dahil lagi tayong nagkakalmutan sa Maynila. Samantalang dito, tahimik tayo at magkasundo. Ang gulo, 'no? "Ikaw, bakit maaga ka rin yatang nagising ngayon? Namamahay ka rin?"

"Naninibago lang dahil ito ang unang pagkakataon na may nakasama ako sa bahay ko dito."

Napatingin siya sa lalaki. Ang ibig sabihin, wala pang babaeng nakatapak sa bahay na iyon ni Jubei? Kahit si Rumina? Lalong gumanda ang kanyang umaga.

"Napansin ko lang, bakit parang ayaw mong may kasama? Sa bahay mo rito at sa Maynila, wala kang guestrooms kasi."

"I just don't like having someone messing up my life. Ayoko ng magulo."

"Pareho pala tayo. Ang pagkakaiba lang, wala akong sariling bahay. I'm still living with my father."

"Speaking of your father, have you talked again?"

Ibinaling ni Temarrie sa bulkan ang kanyang pansin. "Hindi pa niya ako tinatawagan uli mula nang umalis siya ng bansa."

"Bakit hindi na lang ikaw ang maunang tumawag?"

"Maiistorbo ko lang siya."

"That's just silly. Sinong magulang ang hindi gugustuhing marinig ang boses ng kanilang anak, lalo na at nasa magkalayong bansa sila?"

"Sinong magulang? Ang Papa ko." Niyakap pa niyang lalo ang sarili upang labanan ang nanunuot na lamig. "Alam mo bang ang totoong dahilan ko ng pagpayag sa kasal natin ay para may mapatunayan ako hindi sa sarili kundi sa pamilya ko? Mula nang mamatay ang Mama ko, lagi na lang ako ang constant headache ng pamilya namin."

"Rebelde ka? Hindi halata."

"Wala naman talaga akong balak magrebelde. I'm old enough to know what's going on. Kaya lang, ayaw nila akong bigyan ng pagkakataong ipakita na kaya ko na ang sarili ko. Hanggang ngayon, isang teenager pa rin ang tingin nila sa akin na walang alam gawin kundi puro kalokohan."

Stallion Riding Club 1: Jubei Bernardo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon