NAKAHARAP SI Temarrie sa malaking salamin sa loob ng banyo. Katatapos lang niyang maligo at ang mahaba niyang buhok ay basa pa kaya nakabalumbon pa iyon sa isang puting tuwalya. She opted for a white shirt and cotton pajama. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwalang may asawa na siya.
"Temarrie Icasiano-Bernardo," sambit niya sa repleksyon sa salamin. "Mrs. Temarrie Bernardo."
Napalitan na ang pangalan niyang buong buhay niyang dinala. Ganon lang pala kadali iyon, ano? Napakadaling palitan ang pangalan pero ang panindigan iyon ang pinakamahirap gawin. Sinipat niya ang gold band sa kanyang palasingsingan. Yes, she's married alright. At ang masuwerteng lalaki, naroon at naghihintay na sa kanya sa labas ng banyong iyon. Binigyan niya ng masamang tingin ang nakasarang pinto. This was their first night together. Their wedding night. Pulut-gata sa Tagalog, although hindi niya alam kung bakit ganon ang naging tawag dun. Pero hinding-hindi niya bibigyan ng pagkakataon ang lalaking iyon na makalapit sa kanya. Tinanggal niya ang tuwalya sa kanyang ulo at hinayaan ang mahaba niyang buhok na lumugay sa kanyang mukha. Ni hindi siya nag-aksaya ng panahong magsuklay man lang.
Bitbit ang kopya ng mga dos and don'ts niya para sa kanilang pagsasama, lumabas na siya ng banyo. Dumiretso ang tingin niya sa nag-iisang pigura na kasama niya sa silid na iyon. Nakapagpalit na rin si Jubei. Isang gray sando at puting lower pajama naman ang suot nito. Abala ito sa pagpu-push up sa isang silya roon. Firm muscles were rippling from broad shoulders to tapered waist, tight buns, and long sturdy legs. Siguro kapag sinakyan niya ito sa likod, kayang kaya pa rin nitong mag-push ups.
Tinampal niya ang sariling mukha. "Ano ba iyang pinagsasasabi mo, Temarrie? Magtino ka nga. Ang bastos mo."
Nalipat sa kisame ang atensyon niya nang bahagyang bumaling sa kanya ang lalaki. Marahil ay narinig siya nito. Biting her lower lip to divert herself from the fast thumping of her heart, she sat on the edge of the bed. Pero agad din siyang napatayo nang maupo rin sa tabi niya ang lalaki.
"Hindi tayo puwedeng magtabi sa pagtulog," deklara niya. "Ayoko nang may katabi sa kama. Narito iyon sa mga kundisyon ko."
"Good." Kinuha ni Jubei ang listahan niya at basta na lang iyon inihagis sa nightstand. Pagkatapos ay hinila nito pababa ng kama ang isang kumot at dalawang unan at ibinagsak iyon sa sahig. "Ayoko rin nang may katabi matulog."
"Nagkaka-intindihan naman pala tayo, eh." Nagulat lang siya nang mahiga ito sa kama. "What are you doing?"
"What do you think? Gabi na. Matutulog na ako."
"Bakit dyan ka matutulog?"
"You mean why I wasn't on the floor? Because I don't sleep on the floor. Ikaw ang matutulog diyan."
"What?!" Lumapit siya rito at tinapik ito nang akma itong pipikit na. "Hoy, kung ikaw ay hindi nakakatulog sa sahig, mas lalo na ako. Ikaw naman ang lalaki kaya ikaw ang matulog sa sahig."
"This is my house and this is my bed. Bakit ako magtitiyaga sa sahig?"
Oo nga naman. Pero hindi papayag si Temarrie na matulog sa sahig. No way! Lumipat siya sa kabilang panig ng kama at mabilis na sumampa roon. Dahil nakabaling sa direksyon niya si Jubei, magkaharap na sila sa kama nang mahiga siya. For a while there, ganon lang sila. Magkaharap, nagtititigan. Patagalan. Matira ang matibay. E, ang malas, matibay nga siya pero hindi na niya matagalan ang sitwasyon nila. Idagdag pa ang panggulong tibok ng kanyang puso. Pero bago pa siya makakilos ay tinalikuran na siya nito.
"Kung ako sa iyo, sa sahig ka na lang matulog, Misis. Dahil malikot akong matulog. Baka kung ano ang magawa ko sa iyo habang nasa kasarapan ako ng tulog."

BINABASA MO ANG
Stallion Riding Club 1: Jubei Bernardo (COMPLETED)
RomanceNagrerebelde si Temarrie. At sa gitna ng pakikipagsapalaran niya sa galit ng ama, mga kapatid at lintik na holdaper, natagpuan niya si Jubei. Ay mali, si Jubei pala ang nakatagpo sa kanya. Kasalukuyan siya noong nakikipagnegosasyon sa holdaper na...