"WHAT DO you mean, pag-iisipan mo pa? Akala ko ba nagkasundo na tayo nung huling beses tayong nagka-usap na sa akin mo ibibigay ang lugar na ito? Bakit ngayon pag-iisipan mo na naman?"
Gustung-gusto nang sigawan ni Temarrie ang ahente ng abandonadong establishment na nais niyang bilhin. Pinigilan lang niya ang sarili dahil mabait naman ito at sa isang banda, naiintindihan din niya ang ginawa nito. Nakakaasar lang talaga.
"Ang usapan natin, within this week ay maibibigay mo na kahit kalahati ng presyong napagkasunduan natin, Temarrie. You even called me up to confirm that the other night. And now, nagbago na naman ang ihip ng hangin."
"Nagkaroon lang ng kaunting aberya. Pero sinabi ko naman sa iyo na maibibigay ko rin ang perang iyon. Just give me enough time."
"I'm willing to give it to you, kung sa akin lang ang establishment na ito. Ang kaso, hindi. Nagmamadali na ang may-ari nito na maibenta ang lugar na ito dahil aalis na sila patungong America next week. They wanted the money as soon as possible. And someone else was willing to give that money anytime."
"Pero, Manny..."
Napabuntunghininga na lang ito. "Hindi talaga kita maintindihan, Temarrie. Mayaman naman ang pamilya mo pero bakit kailangan mo pang magtiyaga na mag-put up ng sarili mong negosyo?"
Napasimangot na lang siya. "My family has nothing to do with this."
"Alright, alright. Hindi na ako makikialam sa personal mong buhay." Binasa nito ang text message sa cellphone. "My client doesn't want to wait any longer, Temarrie."
"Hindi mo ba puwedeng pakiusapan sila, Manny? I have the money. Its just that..."
"You don't really have it."
Humalukipkip lang si Temarrie at pinagmasdan ang kabuuan ng lugar. Iyon na ang pinakamainam na lugar para sa negosyo sanang naiisip niyang itayo. Very accessible sa lahat at mura pa ang offer na presyo dahil nga nagmamadali na ang may-ari niyon.
Kung sana ay hindi nakialam ang lalaking iyon, masaya na sana ako ngayon sa piling ng abandonadong establishment na ito.
"Hay...sige na nga," mayamaya'y wika ni Manny. "You're my wife's bestfriend so I'll reconsider you, Temarrie."
"Talaga?"
"Pero kaunting panahon na lang ang maibibigay ko sa iyong palugit. My hands are tied, you know."
"Oo, oo! I'll give it next week."
"Earlier, please. Para hindi mahalata ng kliyente ko na may pinapaboran akong buyer. If not, then I have no choice but to give the offer to Mr. Bernardo."
"Mr. Bernardo?" Hindi niya gusto ang timbre ng pangalang iyon. "Sinong Mr. Bernardo?"
"'Yung may-ari ng Windurst Productions. Magkakaroon yata sila ng business expansion kaya interesado sila sa establishment na ito. And they're willing to double the price just to get this as soon as possible, Temarrie. Kaya kung ako sa iyo, kung talagang gusto mo na makuha ito, kumilos ka na."
Pero nasa nabanggit na pangalan na ang atensyon ni Temarrie. "Itong Mr. Bernardo na tinutukoy mo, ano pa ang alam mo sa kanya?"
Napatingin sa kanya si Manny, at unti-unting napangiti. "Interesado ka rin pala sa kanya. Kunsabagay, lahat naman yata ng babae ay interesado sa nag-iisang tagapagmana ng kayamanan ng pinakamayamang Bernardo sa bansa. Well, to answer your curiosity, Mr. Bernardo is still single. At least, that's what he wanted to let everyone know."
"Meaning?"
"With all that money, not to mention that look...In fact, even without money, imposibleng wala pang girlfriend ang isang iyon. Unless he's gay, of course."
BINABASA MO ANG
Stallion Riding Club 1: Jubei Bernardo (COMPLETED)
RomanceNagrerebelde si Temarrie. At sa gitna ng pakikipagsapalaran niya sa galit ng ama, mga kapatid at lintik na holdaper, natagpuan niya si Jubei. Ay mali, si Jubei pala ang nakatagpo sa kanya. Kasalukuyan siya noong nakikipagnegosasyon sa holdaper na...