AUDRIE :
"Thanks sa comfort." sabi niya ng mareach na namin yung gate ng bahay.
"Wala yun,ano ka ba. Atleast ngayon magmomove on ka na." pinat ko pa yung shoulders niya. Libreng chansing lang. Nagulat lang ako ng tignan niya yung mga mata ko at inalis niya yung smile niyang nakakalaglag panty!
"Hindi ko alam kung kaya kong magmove-on o kung kaya kong i give-up siya. She IS my girlfriend and my bestfriend." Ngumiti siya pero alam mong malungkot.
"She WAS." I corrected. Umiling siya.
"She still IS." pinat niya yung ulo ko,kung normal na araw lang 'to siguro kikiligin ako pero hindi eh. Nasasaktan ako para sakaniya. "Can I ask you a favor?" tumango lang ako at nagsmile.
"Sana maging secret yung nangyari ngayon. I still want Cheska back at alam ko kapag nalaman niya yung nangyari today magkakaroon lang siya ng dahilan para hindi nako balikan. Please?" nalungkot naman ako. Akala ko naman time to shine ko na kanina para mapansin niya ako. Tumango lang ako at pumasok na.
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" pagkapasok ko sumigaw ako ng malakas na ikinalabas nung yaya ko. Pinalo palo niya ako sa legs. "Ano ka ba namang bata ka,sumisigaw ka nanaman."
"Yaya naman! Yaya yung sinasabi kong future boyfriend ko nakasama ko kanina! Hinatid niya akooo!" Pakanta kanta pa ako. Dumiretso nako sa kwarto ko at dun nagpagulong-gulong.
Pagkatapos kong magshower tinawagan ko kaagad sila Krystal at kinuwento yung ginawa namin pero sinabi kong secret muna namin dahil nga ayaw ipaalam ni Bryan.
Naalala ko tuloy yung sinabi ni Vens. Hindi tuloy ako makatulog dahil dun. Waah. Nikilig lang ako.
SECRET LOVERS LANG?
Yung ba ang gusto ni Bryan? Ano ba yan,ang slow ko talaga.
--
Wednesday ,10.15 am. School: Soccer Field.
Since may free time kami,saan pa ba ako tatambay? Sa soccer field lang naman. Papanuorin si bebe Bryan. Nagprapractice sila para sa championship laban sa EIH. Gusto ko sanang bumili ng pagkain kaso baka maghubad nanaman sila sayang yung chance ko. ^_^ drooling. Kaya pinabili ko nalang si Vens. Andun naman si Megan eh kaya gustong gusto nun. Papansin yung lalaking yun eh. Kaso parang nasobrahan naman sa pansin yun,lumipas na ang sampung minuto hindi parin bumabalik samantalang 2 minutes walk lang ang canteen hanggang dito.
"WHAAAT?! Jeric Montanes is courting Cheska Perez? NOOOOOO!" Napatayo si Krystal ng mabasa niya yung isang article sa internet. Nagpadyak-padyak pa siya. Para tuloy siyang baliw dun. Nakuha niya tuloy yung atensyon ng soccer team.
Susunod nalang na nakita ko is inagaw ni Bryan yung iPad mini ni Krystal tapos nagbasa-basa siya. nang matapos siya pabalang niya pinasa kay Krystal yung iPad at he clenched his teeth at nagbago yung tingin niya tapos dire-diretso siya naglakad nabunggo niya pa nga si Vens na madaming dalang chicherya. Napatayo naman ako at inagaw din yung Ipad ni Krystal.
Chixmax ALERT!
Jeric admits courting Cheska Perez. (You can fast forward this. Natripan ko lang gumawa ng article. Hihi.)
Jeric admits courting Cheska Perez.
In the tuesday talkshow Let's talk about stars with Carla Lee, Jeric Montanes denied that he and co-star Cheska Perez are already an item but he admitted that he's courting the young actress.
BINABASA MO ANG
Untitled.
FanfictionPag-ibig na matagal mo ng inaasam. Pag-ibig na matagal mo ng pinapangarap. kapag nakuha mo na handa ka bang gawin ang lahat? Paano kapag hindi na siya masaya sa piling mo? Papakawalan mo ba siya para sumaya siya, kahit masasaktan ka at mahihirapan. ...