Chapter 4 : Lecheng flan!

92 2 0
                                    

AUDRIE :

Haaay! *Hikab* Good morning sainyo! *kaway-kaway*

Pasensiya na kayo ha? Sobrang antok na kasi ako eh. 2am na ako nakatulog kagabi eh. Oh! Scratch that. Kanina pala yun. Hehe.

Humihikab akong naglalakad na parang zombie dito sa corridor, nakakahiya talaga kung makikita ako ni Bryan dito.Total turn-off yun. :(

"Ouch!" obviously, napasigaw ako, dahil merong baluga na bumangga sa akin. Aba, hindi porket wala akong tulog eh, wala na akong energy para mang-sapak ng mga balugang tipaklong!

Tumayo ako at nagpag-pag. Hindi ko pa napupulot yung mga libro at bag kong tumapon. Buti nalang talaga na dumaan muna ako sa canteen kanina at iniwan muna dun yun.

"Ho-" hindi ko na natuloy yung pag-sigaw ko kasi feeling ko naguunahan na yung mga dugo ko papunta sa mukha ko. GULAAAAY!

"I'm so sorry. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko eh." sabi ko with an apologetic smile.

He just nodded. Tapos umalis na. Nastuck parin ako dun. Gosh! Talk about embarrassment!

Nabalik lang ako sa reality nung nagbell na. May nagtatakbuhan na and such, edi siyempre bilang dakilang harang sa daan. Nabangga bangga ako. Nadapa pa nga ako eh. Kilala ko kung sino yung bruhong yun, tinawanan pa nga ako. Sino pa? Eh ang dakilang BLUE OLALIA na yun. Kahit kelan talaga, linta sa buhay.

Nagsimula na akong magpulot ng libro ko and mga gamit ko dahil wala ng student sa corridor. Ayy! Bakit ko ba nakalimutan na, late na ako?! Err!

Natigil ako sa kapupukpok sa ulo ko ng makita kong may mga kamay na pumupulot sa mga gamit ko. Aba! Sobra naman na atang experience nito.

"Hoy! Balak mo pang nakawin yung mga gamit ko?! How dare you!" sabi ko dun sa gwapong creature na nasa harap ko ngayon.

"Miss, tinutulungan lang kita. Hindi ko kailangan magnakaw ng mga sira-sirang libro mo. Marami akong pambili." sabi niya at inabot yung mga libro ko sa akin. nakakahiya naman. Hihi! Feeler ka kasi Auds eh. Bwahaha!

"Sorry naman."

Naglalakad na ako papuntang classroom ng maramdaman kong sumusunod parin siya. Stalker ba 'to? Ayy! Ayan ka nanaman. Mahiya naman siya sa malaking eyeglasses ko.

"Mr. taga-pulot,sinusundan mo ba ako?"

Imbes na sagutin niya eh, dumiretso lang siya sa room namin. Don't tell me, siya yung transferee na sinasabi ni Miss dati?

"Ms. Loyzaga! Why are you 25-- no, 26 minutes late?! Care to explain?!" pasigaw na sabi ni Ms. sa akin.

I smiled and luminga-linga parang naghahanap ng sagot.. Kinakamot ko pa nga yung likod ng ulo ko eh.. Buti nalang talaga hindi ko classmate si Bryan baka isipin pa nun na may kuto ako.. Eww kaya yun.

"Napa-away po kasi ako kanina Ms., Tinulungan niya po kasi ako.." napa-laki yung mata ko nung narinig kong mag-salita si Mr. taga-pulot.

Tinapunan ko siya ng questioning look. (?__?) Pero, he just winked at me.

"Okay, take your seat." sabi ni Ms. at nung mag-thank you ako eh. Tinaasan niya lang ako ng kilay niyang sobrang nipis.

Dumiretso na ako sa upuan ko habang naka-simangot.

"Okay class. Start!" sabay palo ng stick niya sa board.

Nagsitaasan naman ng mga kamay yung mga classmates kong babae.

"Geleen."

"What's your name hottie?!" tanong ni Geleen. Kung naalala niyo pa po sa Chapter 3, siya po yung kasama ni Blue sa Party.

Untitled.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon