AUDRIE :
*sniff* *sniff* *sniff* napahinto ako ng marinig ko yung pagsinghot. Anubayan! Bakit dito siya nagdradrama sa rooftop? Paano ako makakareview kung sisinghot-singhot siya diyan? Hindi kaya,pagkatapos niya suminghot,tatalon siya sa galing rooftop?
Pinuntahan ko yung pinanggagalingan ng ingay. Asdfghjklzxcvbnm%&4£&! Huwaw! Si bebe loves yung sumisinghot. Lumapit ako at
"Okay ka lang?" okay lang siya! Ano ka ba Audrie! Umiiyak oh! Natural okay lang siya. Kaagad siyang nagpunas at nagtaas ng ulo. "Oy,Geek!" Kita mo 'to. May pangalan ako at alam na yun. Ayna! Umupo ako sa tabi niya, "Bakit ka umiiyak?"umiling lang siya. "Bakit nga? Alam mo sabi nila mas maganda daw kapag sinasabi mo yung problema mo sa stranger. Hindi man ako stranger,hindi naman tayo close. Tsaka hindi ko naman sasabihin kahit kanino,pero baka sabihin ko sa mga bestfriend ko at gusto kita,hindi naman ako gagawa ng---" napahinto ako sa kakasalita ng may sabihin siya. Ewan ko kung magpaparty ako o ano eh.
"Break na kami." Tell me, tatalon ba ako at magsasaya dahil sa wakas,break na sila o malulungkot dahil umiiyak yung taong mahal ko. Sana,kapag naging kami at makikipag-break din ako,iiyakin din niya ako kapag hindi,aba't hindi na ako makikipagbreak. "Anong dahilan?" usisa ko.
"Nawawalan na kasi siya ng oras saakin. Sabi niya,hindi na pareho yung mundong ginagalawan namin."
"Baka nga,nasa earth ka,nasa mars siya. Alien yun diba?" Sabi ko sa sarili ko. "Stop crying na,madami naman iba diyan eh. Malay mo,you're busying crying over the past tapos yung true love nasa tabi mo na pala. Edi sayang."
"Ha? Nasa tabi ko?" Pagtatanong niya. "Ha? Sabi ko,nasa tabi-tabi. Nabibingi ka na tuloy dahil sa break-up niyo." tumayo ako at kuniha yung kamay niya."Umiiyak ka habang siya,nagpaparami ng pera. Dapat hindi ganyan,halika,celebrate natin yung first day ng freedom mo. Sa wakas,single ka na,after so many years. Hindi mo dapat siya iniiyakan,hindi pa siya patay, at ano siya? Chiks?" Tapos hinila ko na siya pababa ng rooftop pero syempre,nag-iwan ako ng note sa BFF's ko. Lalandi ako eh,dapat alam nila.
"Saan tayo pupunta? May klase pa tayo oi!" bigla niya akong sinigawan. Bahala siya diyan,itatakas ko siya noh. "Wag kang maingay." sita ko at tinulak siya sa bakod.
"Loyzaga!" Napahinto siya nung tinawag ako nung guard na nagbabantay sa backdoor. Tatakbo na sana siya nang hawakan ko yung braso niya."Dito na kayo dumaan. Masugatan pa kayo eh." Linead niya kami sa backdoor. Kinindatan ko nalang si Kuya sekyu. Swerte talaga at kaibigan ni Daddy yung may-ari ng security agency na pinagmulan ng mga guards dito,dati pa namin bodyguard yung na-assign sa backdoor. 10 years din sa serbisyo so Kuya kaya ayan,alaga niya parin yung skin ko. Konting liko lang yung ginawa namin at nasa Hi-way na kami.
"Saan ba talaga tayo pupunta? Naka-uniform pa tayo,lagot talaga kapag may nakakita sa atin." Parang ngayon lang nakapag-cutting ang loko. Pumunta kami sa may kumpulan ng tao at naghintay ng sasakyan. May dumaan na mga taxi at jeep,pumara ako at may huminto na taxi pati ng jeep. Sasakay na sana si Bryan sa taxi kaso may pumasok na babaeng mataba na maraming dala at kasama pa yung anak niya. "Amin ho yan!" pinalo ko yung braso niya at tinulak siya papunta sa jeep,mang-aagaw pa ng hindi ko pinara.
"Bilisan mo! Sakay na!" utos ko sakaniya. Nakasakay na ako at siya parang nag-aalangan pa sumakay. Buti nalang at tatlo lang ang pasahero nito. Nung nakasakay na siya,pinaandar na ni manong yung jeep,hindi pa siya nakaupo tapos ako yung nasa dulo,bigla siya napa-upo sa lap ko. Mabilis din siyang lumipat sa tabi.
"Sorry."
"Ayos lang yun,kung gusto mo nga eh,kandungin kita hanggang makarating tayo sa mall." mahinang sabi ko. Napa-iling nalang siya.
BINABASA MO ANG
Untitled.
FanfictionPag-ibig na matagal mo ng inaasam. Pag-ibig na matagal mo ng pinapangarap. kapag nakuha mo na handa ka bang gawin ang lahat? Paano kapag hindi na siya masaya sa piling mo? Papakawalan mo ba siya para sumaya siya, kahit masasaktan ka at mahihirapan. ...