AUDRIE :
"Sorry."
"Para saan?" painosente kong tanong.
"Napagisip-isip ko,hindi naman ikaw yung may kasalanan kung bakit nakipagbreak siya eh. Binasa ko ulit yung article. Matagal niya na akong linoloko. Sa sobrang tagal na siguro namin,nagsawa na siya." may lungkot sa mga mata. Hindi ko maiwasang maingit kay Cheska. Kung bakit kasi siya pa ang minahal mo bebe eh
"Friends?" sabay alok ng kamay niya. Alam ko na parang ang tanga ko dahil nasasaktan na nga ako,makikipag kaibigan pa ako sakaniya. Wala eh,mahal ko eh.
Tumango ako at tinanggap yung kamay niya. Ngumiti ako at nagpaalam na sa Mommy niya na uuwi na ako kaso pinagmerienda niya pa kami kaya hindi pa ako nakaalis.
"Naisip ko lang na kung nagawa niya akong ipagpalit sa iba,kaya ko rin siguro gawin sakaniya yun. Susubukan kong kalimutan siya. Pero, Audrie pwede ba akong humiling ng favor?" Nagulat ako nang yayain niya ako sa rooftop nila pagkatapos naming kumain.
Napatingin ako sakaniya at "Ano yun?" Ngumiti siya na para bang nahihiyang sabihin kung anong favor ang hihilingin niya.
"Pwede bang in the process of moving on from her,nasa tabi kita? Alam ko na mali 'to pero hindi ko ata kakayanin na makita silang magkasama,kailangan ko ng masasandalan. Can you help me?" Napangiti ako at tumango. Akalain mo yun,kailangan niya daw ako,sa dinami dami namin na nagkakagusto sakaniya ako ang ginusto niyang makasama. Haaay buhay,way niya ba 'to na paglapitin kami ni Bryan? Well,salamat!
"Paano? Aalis na ako ah? Kita nalang tayo sa school. Bye!" Kumaway ako sakaniya pero nagulat nalang ako ng halikan niya yung pisngi ko at kumaway din siya at pumasok na sa bahay nila. Pagkasarado ng gate nila,parang may sariling isip yung kamay ko at pumunta siya sa pisngi kong hinalikan ni Bryan. Nang bumusina yung driver namin,saka lang ako nagising sa munting panaginip. Nagtatalon-talon ako dun na parang tanga.
"Mga bes! Hinalikan niya ako sa pisngi! Shocks! Inlove na kaya siya saakin? Waaaaah!"Kwento ko kila Krystal ng nagthreeway call kami.
"Ano ba yan Auds,pumayag kang maging rebound? Ang tanga mo na talaga. Matalino ka diba? Anong nangyari sa utak mo? Sumama sa panty mong nahulog nang nginitian ka niyan Bryan na yan?" Umatake nanaman ang pag ka manang nitong bespren ko. Sa dinami dami ng kwinento ko yung lang ang napulot niya. Imbyerna!
"Malay mo,mahalin niya ako kapag hindi ako bumitiw. Matututunan niya din akong mahalin 'tal. Chilax ka lang."
"Porket nililigawan ka na ng Jaco na yun,ganyan ka. HMP. Magbrebreak din kayo." Sabat naman ni Steven.
"Porket wala kayong lovelife,pinagkakaisahan niyo akong dalawa kayo. Mind your own love life no. Bitter mo Vens,hindi ka nanaman pinansin nong mahaderang mong crush." Bwelta naman ni Krystal. Kahit kailan talaga,aso't pusa sila.
"May love life ako ano,si Vens lang ang wala. Kaya nagiinaso. Bwahaha!" Pangangasar ko.
"Leche kayong dalawa. Naturingan na kaibigan ganyan kayo sakin. HMP! Bumili kayo ng sarili niyong lunch bukas. behlat." Atsaka niya binaba. Kahit kailan talaga panakot niya yung lunch saamin. Sorry nalang siya,si Krystaline lang ang magmamakaawa sakaniya bukas na bilhan ng lunch dahil sabay kami ng bebe Bryan ko.
BB
Sabay tayong maglunch tomorrow? My treat. :)
Nagtext siya saakin. Legit yan. Can you believe it nagrereply na siya saakin. Nararamdaman ko na talaga na malapit na siyang mafall saakin.
"Vens naman. Sorry na. Ito naman parang hindi mabiro. Nagjojoke lang ako kagabi,huy! Libre mo na ako. Please?" Andito ako at hinihintay ang aking pinakamamahal at pinanunuod ang pagmamakaawa ni Krystal. Kung hindi ako ililibre ni Bryan ngayong lunch,malamang dalawa na kami ni Krysta ang nagmamakaawa.
"Ikaw Audrie. Hindi ka magmamakaawa na ilibre kita ng lunch? Prepared?"
"Sabi ko naman sainyo kagabi diba? May love life ako. Itretreat ako ni Bryan ng lunch today kaya bukas nalang ako iiyak na ilibre mo ng lunch Vens. Ihanda mo ang sarili mo sa drama ko bukas. Pang oscars." Kindat ko pa sakaniya na siyang nakapagpangiti sakaniya.
"I'll treat you again tomorrow then kung hindi ka ililibre ng kaibigan mo." Napalingon ako sa nakapamulsang si Bryan ng bigla siyang nagsalita. Nginitian ko lang siya at tumayo na.
"What do you want to eat?" Tanong niya habang tumitingin sa mga stall sa loob ng canteen.
"Rice at Bopis nalang. Doon oh." Turo ko sa nakasanayan namin nila Krystal na orderan. Bumaling ako sakaniya at tinanong kung ano ang kanya.
"Ano ba ang masarap dito?" Tanong niya habang ineexamine yung mga ulam na nakadisplay doon.
"Masarap yung menudo nila. Try mo. Or kung gusto mo,order ka ng menudo tapos hati tayo at hati din tayo sa bopis ko." Ngiti ko sakaniya at nang tumanga siya inorder ko na yung ulam namin.
"Ahm. Bry,pwede ba doon nalang tayo sa table namin kumain? Nahihiya kasi ako kapag sa table niyo." Sabi ko nang makita kong papunta kami sa direksyon ng table nila.
Huminto siya at hinanap yung table namin. Nang makita niya na,ngumiti siya at tinilt yung ulo niya "Sabi mo eh. Pero bukas ah,sa table naman namin tayo kakain." Sabay kindat.
Napatango nalang ako kahit hindi niya nakita. Nakakalimutan mo na ba si Cheska,Bry? Sa wakas ba,nakikita mo na din ako? Sana,bry. Sana.
BINABASA MO ANG
Untitled.
FanfictionPag-ibig na matagal mo ng inaasam. Pag-ibig na matagal mo ng pinapangarap. kapag nakuha mo na handa ka bang gawin ang lahat? Paano kapag hindi na siya masaya sa piling mo? Papakawalan mo ba siya para sumaya siya, kahit masasaktan ka at mahihirapan. ...