"CAMRIEEEEEE!" sigaw ni Kuya. Aba't nakapag-ipon si Ja. Ume-echo pa yung boses ni Kuya sa loob ng bahay.
"Sandali lang Bro.." sigaw ko rin habang kinakabit ko yung earrings ko.
"Bilisan mo.. Malelate na ako sa Calltime namin ni Summer.." sabi niya sa akin. Aba't may pa calltime calltime pa 'tong ugok kong kuya.. Well, bumaba na ako sa staircase namin with red carpet pa. Odb? Sosyal.
Tignan mo 'tong lokong 'to. Kung makatingin parang 10 centuries akong hindi nakita.
"Shizz! Bakit hindi mo sinabi na bubuhayin mo si Maria Clara? Edi sana linabas ko rin si Ibarra." pang-aasar nanaman niya sakin. Hinayupak talaga 'tong lalaking to kung makapag-salita parang hindi niya ako kapatid.
"Bahala ka nga.. Tara na at baka masapok ka nanaman ni Summer.. UNDER ka pa naman." pang-aasar ko din sakaniya.
Inakbayan niya ako "Sis. Don't worry, masquerade party naman yung e so.." sabi niya pa tapos pangiti-ngiti pa. Ngising aso naman. Ewan ko ba kung saan 'to pinaglihi ang lakas mang-asar..
"Halika na"sabay hila sakin papunta sa labas. Naghihintay na kasi yung car na sasakyan namin e. Kung makahila naman 'to nakalimutan ata na naka Heels ako aba once in a blue moon lang ako mag-heels.
Tignan mo 'to.. Dumiretso papasok sa sasakyan hindi manlang nag-abala buksan yung pinto para sa akin. Ang sarap kutusan!
Pagpasok ko sa car may binato siya sa mukha ko. Shizz! Ang sakit ng ilong ko. Langya 'tong lalaking to. Tama bang ibato sa pagmumukha ko yung mask?
Well, kanina pa ako dada ng dada dito hindi niyo pa pala ako kilala.
Hello! Ako si Audrie Cammille Loyzaga. Sabi nga ng kuya ko kanina Camrie. Alam niyo naman siguro kung saan yun kinuha diba? Ako ay Simple lang. Maputi. Makulit. Ano? Ano yung Maria Clara kanina? Ahay! Wala yun. Nerdy kasi ako. Typical 'no? Well, wag natin pag-usapan yung appearance ko dito. Nakaka-ARGHH! Kahit naman ganito ako e may mga friendship naman ako kaso alam niyo na the typical nerd sa School. I have my TWO bestfriends. Krystal Clemente and Steven Manuel. Tapos sa Family ko naman. My Dad is always out of the house. O ayan ha. Not the typical na Out of the country or Out of town. Sige, tell me na ang typical na nung out of the house gagawin kong out of the galaxy yung tatay ko. Wahahah. Btw, my dad is a Business man and my mom is World famous Interior Designer. I think she's in France right now. I'm not sure ha? Tapos yung ugok kanina e. He's HELL. Harold Errick Lim Loyzaga. My one and only Kuya. Tapos yung Summer naman e, Syota niya. Maganda yun.Ewan ko ba kung ano ang nagustuhan nun kay Erril.
Then, ang inyong typical nerd ay pinagpapantasyahan ang Captain ng soccer team. The Bryan Miranda. Ang lalaking GWAPO. ATLETHIC. HOT. SEXY. Sa kasamaang palad, may syota siya. Si Francheska Perez. A superstar. Pinaka sikat na actress ngayon. Actually, long-time girlfriend niya na yung bruhang yun e. Ang swapang niya noh? Hinid marunong mag share ng blessings niya. Pero, ayos lang. Mabait naman ako e. Ako kasi ang LIFE-TIME wife ni Miranda. May aangal? Osige. Itaas ang leeg at tyan. Ano naman ang panama ko sakaniya diba? Syempre PANA diba.
"Hello sissy!" sabi ni Ate Summer. Yes, Ate. 2nd year college na kaya sila. Habang ako 4th year high school palang. Napalingon naman ako sa gawi nila. Gosh! Nakakahiya naman tumabi kay Ate Summer. Sobrang ganda niya. Tapos, naka smile pa siya hanggang bumbunan. Fair white teeth. Shocks.
I smile back. Umiwas nalang ako ng tingin at inaabot hanggang Sulu ang insecurities ko. Ang ganda ng tanawin. Sobrang peaceful ng Aura sa road papuntang CELESTINE ACADEMY. Our school.
~DZZT..DZZT..~
My phone is vibrating. Automatic na napatingin ako sa Phone ko. MAY NAGTEXT! It's from Krystal.
Hoy babae! Asan ka na? The party is starting na. Nandito kami sa malapit sa Grand staircase ha? Puntahan mo kami kung hindi..
Nakakatakot talaga kapag nauuna 'to sa mga lakad namin. Kahit 1 minute late ka e, dadakdakan ka niya hanggang sa magsawa siya.
Binalik ko nalang yung tingin ko sa Road. Sa gulat ko andito na kami sa Grand gate ng C.A. The Flash lang ang peg ni Manong? Sinuot ko na yung mask ko. Binaba kami ni Manong dun sa Entrance ng BallGround. Ayy. Alam niyo na ba kung bakit andito kami ng alas ocho ng gabi? Ehh kasi. May acquaintance party ang C.A. every year para sa mga Nagtratransfer at bagong salta sa lipunan. Highschool at College ang invited.
Eto ako ngayon, naglalakad papunta sa table ng mga kaibigan kong may sapi.
"Krys!" sigaw ko sa tenga ni Krystal. Grabe ang lakas naman kasi ng Music ng mga tao dito.
"Ayy butiking nagme-mate." tignan mo 'to! Ang laswa! Eto kasing babaeng 'to e. Kung anu-ano pinagbabasa.
"Asan si Vens?"
"Andyan lang yan sa tabi-tabi.. Mag hahanap daw ng chicas. "
Tapos dumaan yung mga members ng Soccer team. "Oh! Auds andito ka na pala.. May naghahanap sayo. Gusto ka daw makausap." sabi ni Blue. Kaibigan ni Bryan sa team. Hala! Kakausapin niya ako at HINAHANAP niya AKO? Pwede na akong mamatay. Ayy! Hindi pa pala pwede! Kakausapin pa pala niya ako.
"Sino naman?" tanong ko na may tono na may pagkainis. Syempre, kailangan kong magpakipot. Papanindigan ko yung pagiging Maria CLara ko.
May tinuro si Blue. Lalaking naka amerikana tapos naka-slacks at Leather shoes. Witwew! Ang wafu naman niya. Kahit meron siyang mask. Syempre nakita ko na siya kaya sinabihan ko na gwapo.
Kahit na hindi ako sure na siya nga yun. But, i was hoping.
"Sino naman yun? ~_^" tanong ko with matching taas kilay.
Nahalata ko parang nagpipigil ng tawa yung mga kasamahan niya! Anubeyen! Siguro natatawa sila sa katorpehan ng Captain nila. Nakakakilig! Waaaaaaah!
"Si Ibarra!" sigaw ni Mike. na kapatid ni Blue. Tapos nagtawanan yung ibang kateammates nila. Sabi pa nung isa e "Feelingera ka kasi. Manang ka na nga nerd ka pa. Asa ka namang pansinin ka ni Captain." tapos sinundan pa ng "Oo nga. Tiba-tiba na siya kay Cheska no! Asa ka nalang neng! " tapos nagtawanan pa sila tapos umalis na din.
"Wag mo silang pansinin Cams. Mga walang magawa." sabi ni Vens. Or Steven. Dumating na pala to?
"Aheem! May i have your attention please?" sabi ng isang boses na napaka familiar sakin. TOMO!
Si Kuya nga! Ugok na 'to! Emcee pala tapos nagpalate pa..
"I am officially opening the Party. Feel free to use the Dance floor." pagpapatuloy niya. Andami pang echos. Tapos bumaba na siya sa stage.
Halos lumuwa na yung mata ko sa nakita kong nagsasayaw sa gitna.
Ang Graaaaabeee! :((((
----
BINABASA MO ANG
Untitled.
FanfictionPag-ibig na matagal mo ng inaasam. Pag-ibig na matagal mo ng pinapangarap. kapag nakuha mo na handa ka bang gawin ang lahat? Paano kapag hindi na siya masaya sa piling mo? Papakawalan mo ba siya para sumaya siya, kahit masasaktan ka at mahihirapan. ...