"Go Bryan! wohooo! Kick that ball. Gooo!" pagche-cheer ni Audrie habang winawagay-gay yung banner na may nakalagay na Go Bryan♥!
Nagtawanan yung mga players sa bench. Pero,baliwala lang kay Audrie kahit na pinagtatawanan na siya.. Basta sinusuportahan niya si Bryan Miranda..
"Wohoooo!" sigawan ng mga Celestians.. Nasipa papasok ni Bryan ang bola sa Goal.. Syempre,nangunguna si Audrie sa pagsigaw.
"Kahit ilabas mo yung lalamunan mo sa kakasigaw mo, hindi ka niya papansinin." sabi ni Vens.. Pero,hindi yun pinansin ni Audrie sa halip umirap nalang siya sa kaibigan at sumigaw ng "Go Baby Bryan! If you don't win that game, no KISS! Understand?" sigaw niya.. Nagtatakang lumingon si Bryan sa kinauupuan ni Audrie tapos nakakunot pa ang noo..
Napailing nalang ang mga kaibigan ni Audrie.. Habang ang mga kaibigan at ka teammate ni Bryan ay halos sumakit na ang tiyan sa kakatawa.
"Bryan!" sigaw ni Darwin tapos sinipa papunta sa direksyon ni Bryan ang bola.. Sinalo naman ni Bryan ang bola gamit ang paa niya at tinakbo ang bola habang sipa-sipa ng marahan..
Pero bago pa masipa ni Bryan papunta sa ka teammate niya ay naagaw na ni Riley ang bola..
Take care of your properties.. Especially HER..
Tapos tumakbo na si Riley habang sipa sipa ang bola. At naiwan siya na nagtataka..
Habang inaanalyze niya ang sinabi ni Riley nakarinig siya ng mahinang sigawan, marahil naka-score ang West Bridge.
1-1 ang score.. Nagpa time-out ang coach nilang si Harold Loyzaga.. A loyal student ng Celestine A.
"Bryan! Focus. Don't let your guard down.. Don't let Riley trick you. Understand? Stay Focus guys! We need this. " panenermon sakanila ni Harold na katabi ang girlfriend na si Summer. Coach naman ng Girls soccer team.
Tumango naman lahat ng members..
Bumalik na sila sa field. Umayos ng pwesto.. Habang papunta si bryan sa pwesto niya kitang-kita niya ang tuwa sa mukha ni Riley Sandoval. The Captain of the Soccer team of West Bridge. Bukod pa duon artista din itong mokong na ito.
Dahil, nakapoint ang kabilang team kanina. sakanila ang bola.
Tumatakbo na ngayon si Bryan dala dala ang bola. Pinasa sa kaibigang si Blue. Nakita niyang siniko ang tagiliran ni Blue kaya napahinto sa siya pagtakbo at nakuha ng kalaban ang bola.
Hawak na ngayong ng west bridge ang bola.. Pinasa kay Riley na nasa harap niya lang kaya tumakbo siya sa gilid ni Riley na ngayong bumebwelo para tanggapin ang bola, pero bago pa makuha ni Riley tumakbo siya at sinipa papunta sa direksyon ni Grey.
You can't get any of my properties.. not even HER.. sabi niya kay Riley.. Marahil, si Cheska ang gustong kunin nitong g@gong 'to. artista nga naman gagawin lahat para sumikat lalo..
Well, i'm not gonna get Cheska if that's what you think.. Think harder Miranda, hindi lang siya ang kayamanan mo.. Open your eyes. bawat salita ng binibitiwan niya may diin.. Naiwan nanaman siyang nagtataka.. Lumingon lingon siya sa paligid niya.. Puro ka schoolmate niya at may mga ibang taga WB.
Sino ang sinasabi niya?
Yaan ang naiwang tanong sa isip ni Bryan.
Audrie :
"Tara na.." tawag sa akin nina Krystal. Kakatapos lang ng game, pero ako nandito parin nakaupo..
Hindi pa kasi umaalis yung mga players.. At lumabas ang aking fangirl side,kumukuha ako ng stolen shots ni Bryan tsaka ang dami pa rin naman na hindi pa nakakababa.. Nagsisiksikan lang duon sa may stairs..
BINABASA MO ANG
Untitled.
FanfictionPag-ibig na matagal mo ng inaasam. Pag-ibig na matagal mo ng pinapangarap. kapag nakuha mo na handa ka bang gawin ang lahat? Paano kapag hindi na siya masaya sa piling mo? Papakawalan mo ba siya para sumaya siya, kahit masasaktan ka at mahihirapan. ...