Chapter 3: With Me (Revised)
We arrived at the mansion at exactly six o' clock in the evening. Dahan-dahan kaming pumasok sa gate and as expected, nakaabang na si mama sa terrace at napangiti nang makita ang sasakyan ko.
Napalingon ako kay Sette nang hinawakan niya ang braso ko. "Is she your mom?" she asked and I can sense her nervousness.
"Yes. Why are you shaking?" I asked and grabbed her hand.
"I'm nervous." she answered. "What if she won't like me?"
I parked first the car in the garage before I faced her. "Sette, have self confidence. Gusto ka nun. Napangiti nga siya nong ikinwento kita sa kanya." I said in a sweet and calm voice para mabawasan naman ang kaba niya.
"Talaga?"
"Yes. So, smile na, okay?"
Nag-smile na siya sa wakas pero nandun parin sa mukha niya ang kaba. I can't blame her. Biglaan ba naman kasi.
Bumaba na ako sa sasakyan at umikot para pagbuksan si Sette. Nang makababa siya ay hinawakan ko agad ang kamay niya. Naglakad na kami papunta sa terrace where mom is.
"Cleo!" sinalubong ako ni mama at binigyan ako ng halik sa pisngi. Napatingin siya kay Sette at ngumiti. "Finally."
Ngumiti si Sette kay mama. "Good evening po. Ako nga po pala si Louisette Abalo." she introduced.
Mama held her shoulders. "You're so beautiful, hija." mama complimented and that's when I noticed her dress. She looks so beauitiful in floral. Hayst... she's beautiful in everything. "Kaya pala napaluhod mo ang prinsipe ng kalokohan." mama continued and she's obviously referring to me.
"Mama, ang daldal mo." suway ko sa kanya and she just frowned at me.
"Eh ano naman? Excited na kaya ako magka-daughter in law!" she said enthusiastically as always.
"Ma!" suway ko na naman kay mama at tinulak siya ng mahina papasok. Nilingon ko si Sette na nakangiti lang na nakasunod samin. Grabe naman tong si mama! Bago pa nga lang kami, ganun na agad ang iniisip niya.
Dumiretso na kami sa dining area at nakahanda na doon ang mga pagkain. Umuna nang umupo si mama. Pinag-usog ko naman ng silya si Sette tsaka na ako umupo sa tabi niya.
"Kain lang ng kain, hija, ah. I cooked all of these for you." si mama habang nagsasandok ng kanin.
Napangiwi si Sette. "Talaga po? Nakakahiya naman po."
"Ano ka ba, hija! Pasasalamat ko na rin ito sayo sa pagdating mo sa buhay ng anak ko."
Nagkatinginan kami ni Sette. Pero umiling ako. "You're so corny, ma." I said but was smiling. Umirap si mama sakin at nagsimula nang kumain.
Sinandukan ko ng kanin si Sette at pinuno ko ng ulam ang plato niya.
"Wow, ha. Balak mo bang patabain ako?" natatawang sabi ni Sette.
"Uh-uh. Hindi no. Ang payat-payat mo kaya. Paano ka tataba?"
Hinampas niya ako ng mahina and I just smiled at her.
"You look good together." singit ni mama na inirapan ko na lang. When she sensed that I don't like corny and OA moments, she changed the topic. "Oh, by the way, engineering din ba ang kinuha mo, hija? Eh kasi sabay kayong grumaduate ni Cleo so I assume na pareho kayo."
"Ah, opo ma'am. Mahilig kasi ako sa math." Sette answered confidently and I nodded. That's right, Sette. Be confident.
Nagtaka ako kasi biglang tumahimik si mama at nakatitig pa siya kay Sette. "I just wondered, hija," napatingin si Sette sa kanya. "Saan ko nga ba narinig ang pangalan mo? It seemed so familiar when I heard it." mama narrowed her eyes on Sette and I can sense that Sette got conscious.

BINABASA MO ANG
Younger
FantasySi Cleo Pascual ay isang lalaki na arrogant, maniac, at higit sa lahat, insensitive. Nakuha niya na ang babaeng perfect sa kanya na nagngangalang Louisette Abalo aka Sette ngunit naghanap parin siya ng iba. Dahil sa kasamaan ng kanyang ugali ay napu...