Chapter 6: The Big Change (Revised)
Kanina pa akong nakatutok sa kisame. Nagtataka ako kung bakit hindi gray ang kulay nito. Nilibot ko na rin ang buong kwarto at napabalikwas nang malamang hindi ko ito kwarto. What the heck! Where am I?
Nagulat ako nang may biglang tumawag sa'kin. "Cleo! Bumangon ka na at baka ma-late ka na sa school!"
Medyo napanatag ako dahil alam kong si mama 'yon. Pero, school? Di'ba kaka-graduate ko lang? Tsaka, bakit hindi na akong marunong mag-english?
Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Bumungad sakin ang isang maliit na sala. May nakita akong dalawang batang naglalaro sa labas. Puro silang walang suot na pang-itaas. Ano ba naman to! Ang pangit ng bahay tapos ang liit-liit pa! Ano bang klaseng tahanan to?
"Oh? Ba't nakatunganga ka diyan? Tulungan mo kaya ako sa paghahanda ng agahan?"
Tinignan ko si mama ng mabuti. Aba't bumata ata si mama! Hinead to toe ko siya. What? Why is she wearing duster? Dusters are not her thing. WTF! Nasan na ba talaga ako? Kami?
Natauhan ako ng pinitik ni mama ang noo ko.
"Hoy! Ano bang nangyayari sa'yo? Ba't ganyan ka makatingin sakin at sa bahay? Kung makatingin ka para kang naninibago."
Nilibot ko ulit ang paningin ko sa kabuuan ng bahay. Syempre! Naninibago ako! Ngayon nga lang ako nakapunta dito. Lahat, bago para sa'kin. Pero may nararamdaman akong kakaiba sa bahay na 'to. Hindi ko lang ma-explain at matukoy kung ano.
"Ma, nasaan ba tayo?" nagtataka kong tanong.
Napatingin ako kay mama nang marinig ko ang mga hagikgik niya.
"Ma!" saway ko.
"Anak, nababaliw ka na ba o nagka-amnesia ka? Nasa bahay tayo. Ito ang bahay natin. Epekto ba yan sa crush-crush mo sa school?" natatawa at nakataas ang kilay na sabi ni mama.
Ano bang pinagsasabi niya? Ito? Bahay namin? Eh siya ata ang nababaliw, eh! Sa pagkakatanda ko, mga 20 times ang laki ng bahay namin sa bahay na 'to (Sa first floor pa lang 'yan, ah). Tapos natatawa pa siya nang sinabi niya iyon sakin. Tapos crush daw? Sinong crush ko? Tss. I'm too old for that thing!
Hinawakan niya ang braso ko at hinila patungong kusina.
"'Wag ka nang mag-isip ng malalim. Tulungan mo na lang ako dito." natatawa na naman niyang sabi.
Sinandok niya ang kanin sa kaldero tapos binigay niya iyon sakin. Inilagay ko naman agad iyon sa lamesa na may pagtataka. Ba't parang tinadtad ng pino-pino ang kanin? Hayst, never mind.
Binigay niya rin sakin ang isang maliit na bowl na may lamang sardinas na may itlog. Napatakip ako sa ilong ko. Ang baho! Ano bang klaseng ulam 'to? Ambaho talaga pramis!
"Anong problema?" nagtatakang tanong ni mama.
"Ma, ano 'to?" balik tanong ko sa kanya habang nginunguso ang ulam.
Nanlaki ang mga mata niya. "Cleo? Sardines with egg 'yan. Paborito mong ulam." nagtataka niyang sabi.
What the?! Eww!! Paborito daw? Waa!! Anong bang nangyayari kay mama?
"Ma!! What are you talking about? Ito, paborito ko? Eh para nga 'tong dumi ng manok, eh! Ambaho!"
Bigla niyang hinawakan ang tiyan ko at hinimas-himas.
"Anak, nagbago na ba ang gender mo?! Lumandi ka ba at nabuntis ka? Naglilihi ka na ba ngayon?" natataranta niyang tanong.
Napakamot ako sa ulo ko. "Mama naman, eh. Binibiro pa ako."
BINABASA MO ANG
Younger
FantasySi Cleo Pascual ay isang lalaki na arrogant, maniac, at higit sa lahat, insensitive. Nakuha niya na ang babaeng perfect sa kanya na nagngangalang Louisette Abalo aka Sette ngunit naghanap parin siya ng iba. Dahil sa kasamaan ng kanyang ugali ay napu...