Chapter 10: GTKTP 4

16 0 0
                                    

Chapter 10: GTKTP 4

It was already 7 when I woke up and I obviously got late. Fortunately, pagpasok ko ng classroom ay wala pa ang teacher. Inilagay ko na ang bag ko sa upuan at lumingon sa likuran ko. I was shock to see an empty chair beside Abby.

"Absent si Sette. May lakad na naman siya kasama yung family niya." si Abby na nakahawak ng libro.

Sette? So they're using that nickname right now? Well, not bad. This is good para hindi na ako malito kung ano ang itatawag sa kanya.

"Don't worry, Cleo. Papasok naman siya ngayong afternoon, eh. May magagawa ka pa sa first day of panliligaw mo." Jamie chuckled and  I gave her a smile.

Damn. I really didn't plan to do this! Pero kagabi napaisip ako, kaya pala hindi ko talaga maiwasan ang mga nangyayari at kusa na lang talaga gumagalaw ang katawan ko upang gawin ang isang bagay, dahil ito talaga ang dapat kong maramdaman. This is my past and it is already written. I can feel it. Itong mga nangyayari ngayon? Nangyari na talaga. But I think I can manipulate the happenings except for the feelings.

Nang makita ko si Sette dito sa past, nasagot kaagad ang mga tanong ko. Bakit kaya parang matagal ko na siyang kilala? Dahil parte siya ng nakaraan ko. Bakit kaya nong nakita ko siya sa present, parang may kakaiba akong naramdaman sa kanya? Kasi gusto ko na siya noon pa--ay este, ngayon pala.

"Good morning, class." bati nong math teacher namin as soon as she got in.

Tumayo naman kaming lahat at bumati. Akala ko magsusungit na naman tong teacher na to ngunit tumango-tango siya.

"Okay, you may now take your seat." umupo naman kami. "As you all know, the Math, Science and Computer week is fast approaching." the teacher announced at nagulat nalang ako nang biglang nasapian ay este, nanginig sa tuwa tong katabi ko. Yung first honor namin? Christof nga palang pangalan niya. What's his problem?

"Sigurado akong ako na naman ang representative sa quiz bowl." bulong pa niya sakin.

Napataas ako ng kilay. Wow! He sure got some overflowing confidence in himself. Nanuyo tuloy ang pawis ko sa lakas ng hangin. Damn! Mapapadpad na ata ako.

"Each year level will have  representative/s of the different competitions. There will be quiz bowl, slogan making, poster making, robotics and of course the highlight of the culmination, Mr. and Ms. Geeky with Beauty." the teacher said at nagbulungan naman ang mga kaklase ko. Mukhang may mga representatives na silang ino-nominate. Ang iba naman, excited na. "I am requesting everyone to please pull out and proceed to the Mapeh room." utos nong teacher kaya excited naman ang iba na tumayo.

What the hell? Hindi kami magdi-discuss? Tsh. Excited pa naman ako sa next lesson.

Pagdating namin sa Mapeh room ay nandoon na ang mga taga ibang sections. Nakita ko kaagad sina Jay at Klein na naka-squat sa may sulok kaya agad naman akong nagtungo doon. Ughh... the atmosphere is so hot! Ang dami kasi namin, eh. Tas dada ng dada naman yung mga estudyante dito.

Nag-squat na rin ako sa tabi ni Klein.

"Hoy, brad! Ano tong nabalitaan namin na niligawan mo raw si Louise kahapon? Sinimulan mo na?" agad na salubong sakin ni Klein with matching hampas sa balikat. F*ck! Isn't he fully aware that my arms are f*ckin thin? Ngunit kahit ganun ay hindi ko pinahalata na nasaktan ako. I just flinched a little bit but  they didn't notice though.

"Okay, we'll have first the choosing of the 2 quiz bowl representatives." pagsisimula ni teacher at nag-start na ang nomination.

"Oo, eh. May kasalanan din kasi ako sa kanya kaya napadali ang panliligaw." sagot ko naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YoungerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon