Two.

26 0 0
                                    

Nakakatakot mag ka ulcer, mas nakakatakot pag inaatake ka na ng ulcer. Gusto mo na lang tanggalin yung sikmura mo sa sobrang sakit. 3 days din akong nasa higaan lang dahil don, so please, ikaw na nagbabasa nito, DON'T SKIP MEALS. di bale ng mabusog lagi wag lang magasgasan ng bituka. Okay? Okay! :)

Here's the update. Muah!

----

TWO.

Via's.

Kung kailan ka nagmamadali, tsaka ka sasalubungin ng traffic. Ano pa nga ba? Sa traffic lang mauubos ang almost half ng araw mo na wala ka man lang nagagawa. I hate it. Lalo na kelangan ko pa makauwi kagad sa bahay. May family dinner pa naman kami.

Nakita kong gumalaw yung sasakyan sa unahan ko kaya dali dali kong pinihit ang manibela at saka sumingit sa pwesto na dapat sa kanya! The moves lang yan. Narinig kong nagbubusina yung driver ng sasakyan na inagawan ko ng pwesto pero wapakels, pag sa gitna ng traffic, pautakan at pabilisan ang labanan para makawala sa congestion na to.

Napatingin ako sa labas ng kotse ko, madaming tao sa gawing kaliwa ko. No, hindi lang basta basta tao, mga medics! So kaya may grabeng traffic dahil may aksidente? Wow. Di ko naisip yon. Umilaw ng go ang stop-light at nagsimula ng magpatakbo ulit lahat. Dahan dahan kong tinignan yung nasa aksidente. Nayupi yung harap ng van samantalang yung kotse naman halos natumba na sa lakas ng impact. Nakita ko pa yung ambulansya na may sakay na dalawang sugatang tao. Oh God, sana buhay pa sila. Napailing na lang ako at  saka binilisan ang takbo pauwi samin.

After I parked my car, agad kong tinakbo yung pinto ng bahay. 30 minutes akong late! Hindi ako mapapatawad ni Seth nito.

"Im.... home." Gulat kong sabi ng nakita kong nasa sala si Seth at si Mama naman ay busy padin sa pag aayos ng lamesa. Lumapit ako kay Mama at nagmano, I mouthed to her 'anong nangyari' and she just motioned me to go beside Seth.

Tinabi ko ang gamit ko at umupo sa tapat ni Seth. I crossed my arms and just stared at her. Akala ko pa naman pagdating ko dito sesermunan niya ko at late ako pero I was wrong, boy I was really wrong. Walang sermon from her, walang masayang nagkakainan sa dining table at walang Seth at Karl na magkasama, what just happened? Where the eff is Karl?

"Late siya ate! Late siya ng almost 1 hour. Sabi nya aagahan niya para makatulong kay Mama." Lalapitan ko na sana siya pero tinaas nya ang isa nyang kamay para pigilan ako. "No. Don't get near me. Akala mo ligtas ka na, late ka din! Mas inis lang ako kay Karl kaya wag kang magsaya diyan. Nagpaganda pa naman ako ng maaga and then what? Iindyanin nya ko ng ganon lang???!!!!"

"Ahm, sinubukan mo na ba siyang--"

"God, ano tingin mo saken? Of course I did called him, pero kanina pa out of reach yung phone niya! Ate nag aalala na ko! Where would he have been?"

Kitang kita ko sa mata ni Seth yung halong inis at kaba. Takot I must say. Nagpaganda siya oo. Dahil ngayon sila mag papa-alam kay Mama na maging legal ang relasyon nila. Pero asan si Karl?

Lumapit si Mama saken at kay Seth. Tinapik niya si Seth sa balikat para kumalma ito.

"Wag ka ngang umiyak dyan, papangit ka lalo. Wag ka ngang nega, traffic lang okay? Ma, anong niluto nyo?"

"Hindi tayo kakain hangga't wala pa si Karl okay?!" Seryosong sabi ni Seth.

Okay.

Tatayo na sana ako ng bigla ulit akong napaupo. Napahawak ako bigla sa sikmura ko. Sh*t. Ito na naman siya. Umilig iling lang ako and then I started to walk outside the house. Ako na lang maghihintay kay Karl sa labas ng bahay.

Don't Ever ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon