Five.

10 0 0
                                    

If you want, you can listen to the song THE SCIENTIST by Coldplay.

Enjoy reading. :)

Yes, two updates for tonight.

Virtual Hugs and kisses :*

--------

Steven's.


Gabi na ng makarating ako sa bahay nila. Pinwesto ko ang sasakyan ko sa isang poste, dito ko na lang siya hahantayin. Kailangan kong makausap ulit si Mina. Kailangan kong ayusin ang lahat ng meron kami.


Yung sinanbi ko sa brat na Via na yon, lahat totoo. Hindi lang naman talaga siya ang napipilitan at masasaktan ah? Ngayon pa lang, madami ng nasaktan dahik sa lintik na arrange marriage namin. Hindi lang siya ang may masa sacrifice.


Pagka-alis ko kanina sa bahay ng mga Pascual, nagtext kagad si Dad at masayang sinabi na pumayag nadin si Via. Nag igting ang bagang ko sa nabasa ko. Partly gusto ko syang pumayag para wala ng gulo pero bakit kase kelangan naming ikasal? Kung hindi ko lang mahal si Dad at si Mom, ako pa ang unang tatanggi sa kalokohan na yon.



"Hey..." bati sakin ni Mina. Suot nya yung college jacket namin at nakapusod yung sobrang itim niyabg buhok. Pero malungkot yung mga mata niya, halatang umiyak. Umiyak dahil saken.



"Mina." Yun lang. Yun lang yung lumabas sa bibig ko sa kabila ng sobrang dami kong iexplain sakanya. Niyakap ko siya at hindi naman siya tumanggi. Pero ang masakit, hindi niya ko niyakap pabalik.



Girlfriend ko si Mina simula nung nag aral ako ng college. Ang tagal na namin pero hanggang ngayon hindi namin makuhang maging legal sa both families namin. Sa kanila, dahil natatakot siya sa pwedeng mangyari, at samin, lalo na't alam na din niya na iba ang gusto ng Dad ko na maging asawa ko. Pero siya, siya yung gusto ko. Siya yung mahal ko.


"Mina, mahal kita, alam mo naman yon diba? Mina, kung magtanan na lang kaya tayo? Tama Mina, sasama ka naman sakin diba?" Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at maya-maya ay hinila siya pasakay ng kotse. Pero hinila niya pabalik yung kamay niya, "Mina, bakit?"



Hinila ko ulit siya pero gaya nung una, pilit niyang tinatanggal yung kamay niya. "Mina bakit ba? Ayaw mong sumama saken?" iritable kong tanong.


"Hindi ako sasama Steven. Umuwi ka na sa inyo."


"Mina naman makinig ka, ikaw ang mahal ko, bakit ayaw mong maniwala? Kelangan kita Mina, mahal kita. Hindi mo na ba ko mahal?" Halos lumuhod nako sa harap niya. Nakakaramdam nako ng mainit sa mata ko.


"Wag mo kong kekwestyunin sa pagmamahal ko sayo Steven! Tinanggap ko na sa loob ng ilang taon nagtatago tayo pero nangako ka na kapag naging isa ka ng Doctor, ipapaalam natin sa pamilya natin kung ano tayo, pero asan ang pangako mo?" Umiiyak na sabi ni Mina. Nagagalit ako sa sarili ko dahil nasasaktan ko siya.


"Sa tingin mo ba ginusto ko to? Mina, kaya nga magtanan na tayo! Ipaglalaban kita Mina, pero wag naman yung ako lang yung lalaban, wag ganon."


"Steven, hindi solusyon yung naiisip mo. At ano? Kapag nagtanan tayo? Anong mangyayari saten? Magagalit lang sila saten. Hindi solusyon ang pagawa ng kasalanan Steven. Mahal kita, pero alam ko naman na sa umpisa pa lang talo na tayo sa laban na to. Tama na, pinapalya na kita."


"Ikakasal na ko Mina, ano? Sa tingin mo sasaya ako dahil pinalaya mo ko at sumusuko ka? Mina akala ko mahal mo ko. Gusto kong lumaban pero ikaw mismo ang bumibitaw." Nakayuko lang siya at this time, parehas na kaming umiiyak.


"Tama na please, maging masaya na lang tayo. Umuwi ka na." Dire diretso syang naglakad papasok ng gate nila.



"Mina, mahihintay mo ba ko? Aayusin ko lahat ng to, wag ka lang tuluyang sumuko."


"hindi ko masasagot yan Steven, mahal kita pero this time ang sakit sakit na. Pinapalaya na kita." ngumiti siya pero hindi umabot sa tenga yong ngiti.



"You can't just break up with me like that Carmina! Mina naman, ayoko. Mina please..." hindi. Hindi ko kaya. Bakit kelangan mangyari samin to? Ito ba yung ginusto nila Dad at Tita Mels, dahil gusto nilang matupad yung pangarap nila, sisira muna sila ng pangarap ng ibang tao? Bakit kelangan na para sumaya ang iba, may dapat munang masaktan?


Mom, alin ba ang tama at mali? Yung maging mabuti at masunuring anak o ang piliin ang sariling kaligayahan? Mom, kung tama tong ginagawa ko, bakit ang sakit? Ang sakit sakit?

Don't Ever ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon