Three.

15 1 0
                                    


----

Third Person's POV

-Flashback-

Alalang alala siya sa anak niyang hanggang ngayon ay hindi padin nagigising. Pabalik na siya ng kwarto ng anak mula sa Nurse Station habang  may kausap sa cellphone ng may bigla siyang nakitang pamilyar na mukha.

Robert?

Iiwasan niya sana ito pero huli na dahil nakalapit na ito sa kanya. May itinanong lang ito saglit sa naka duty na nurse at kung sineswerte nga naman, nakita siya nito. Halatang nagulat ang lalaking kanina pa niya pinagmamasdan. Ngunit ang mas nakakagulat ay ng ang paglapit nito sa kanya. Masaya at nakangiti.

"Melissa! Oh God, kamusta ka na? tagal na nating di nagkikita!" Yugyog ng lalaki sa kanyang balikat. Ngumiti si Melissa.

"Robert."

"Buti naman kilala mo pa ko! Kamusta ka na? Hindi ka na nagpaparamdam samin! Anong ginagawa mo dito sa ospital? Sino may sakit?" Halong excitement at concern na sabi ni Robert.

"Oh Robert," niyakap ni Melissa si Robert, hindi niya sinasagot ang mga tanong nito. Wala siyang masabi. Hindi, hindi niya alam ang dapat niyang sabihin. Of all places, bakit dito pa sila nagkaron ng chance na magkita ulit?

"Hindi ka na nagpakita pagtapos nung---"

"Sorry. Naging busy lang sa pagpapalaki ng mga bata. Nga pala, dinala namin dito yung panganay ko, bigla kaseng nahimatay, sobrang nag aalala kami ng kapatid niya."

"Biruin mo nga naman Mels, dito pa talaga kita makikita. Sorry to hear about your daughter pero I know she's strong like you kaya gagaling din siya kagad."

"sana nga. ano din bang ginagawa mo dito?"

"Ah may dinadalaw lang."

"Pasiyente din? Sino may sakit?"

"Hindi, hindi. Dinadalaw ko yung anak ko. Naalala mo? Si Steven! Doctor na si Little Steven. Time flies so fast Mels. Kaso nakakainis yung bata na yon, wala ng oras sa akin, aba dapat din niya kong alagaan, tatay niya pa din ako!"

They both laughed. As best friends, they need to do more catching up pero madaming kelangang unahin si Melissa, especially that Via is sick. She was about to excuse herself from Robert when she heard Seth calling her.

"Ma, gising na daw po si Ate."

Nagkatinginan si Robert at Melissa. Tumango si Robert at sinundan sila Melissa ng magsimula na itong maglakad papunta sa tapat ng kwarto ni Via. Ipinakilala ni Melissa ang kaibigan kay Seth at Karl. Nagmano naman ang dalawa. Saktong bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mga nurses at isang doctor. Pinisil ni Robert ang kamay ni Melissa bago sila tumayo at sinalubong ang anak niya.

"Mrs. Pascual, your daughter is now awake. No need to worry about her condition but we actually need her to stay for a night for us to do some more laboratory tests." Sabi ni Steven habang pumipirma sa form at ibinigay sa nurse. "Bukas po ibibigay ko yung mga reseta niya, for now let her rest and eat." This time tumingin na ito kay Melissa at halata sa mukha niya ang pagkagulat ng makita niya sa tabi ni Melissa ang tatay niya.

"Thank you Doc." Tila naman napawi ang bigat na nararamdaman ni Melissa dahil nagising na si Via.

"Dad, what are you doing here?"

"Dinadalaw ka. Nga pala, Steven, meet Tita Melissa, and her daughter Seth and her boyfriend Karl. Nakita ko sila dito, well, I'm really surprised to see once again my best friend pero not so happy to know that her child is sick."

Don't Ever ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon