One.

31 1 3
                                    

--


*Cellphone rings*



Tinignan niya lang yung screen ng cellphone hanggang mamatay ito. She rolled her eyes. Pangatlong beses na ngayong araw na puro missed call at worst is nasa gitna siya ng isang hotel occular visit.


Naiinis niyang tinago ang cellphone sa kanyang bulsa at ibinaling ulit ang atensyon sa dalawang lalaki at isang babae na noo'y tinitignan ng maigi ang venue.


Tinignan siya ng babae at lumapit ito sa kanyang asawa bago magsalita. "Nice place, Nice ambiance but kasya ba dito ang 100 pax? Mukha naman siyang maluwag pero gusto ko padin makasigurado, alam mo na minsan lang kami ikakasal ulit for our golden anniversary." ngumiti ito at tinignan ulit ang asawa ng may pagmamahal.


"Ofcourse Mrs. Segavio, this place.. will be the most lucky venue of all times to witness your undying love and renewal of vows with your husband. Not to boast but Madam, I think nice is understatement, this place is extravagant, and magical. Maximum capacity is 250 persons so rest assured that we will give you the best service and an unforgettable Golden anniversary ever." She extended her arms as if she is telling how wide the venue is. She paused and smiled sweetly to the old couple.



"Mahal po namin lahat ng guests namin dito Mr. and Mrs. Segovia, also our hotel will not just provide you a venue, we also have our meticulously trained world class chefs that will prepare for foods and professional events theme to plan for it. Kindly take your seats po, I would glad to show you something." Binuksan niya ang kanyang laptop at hinanap ang video presentation niya. Buong atensyong pinanoood ng mag asawa ang slide show ng lahat ng kasal na nahandle na ng hotel nila. Nagkatinginan ang dalawa, nararamdaman niya na malapit na ng mapapayag ito na sa hotel nila idaos ang kasal.

"Ah Ms. Ferrer....", tawag nung lalaki.

"Yes po? Naka pag decide na po ba kayo? Olivia na lang po."



"Iha, mahal na mahal ko ang asawa ko at kung ano ang desisyon niya, don din ako. You see madami na kaming napuntahan na venue, lahat magaganda pero may hinahanap kaming isang bagay para makapag decide fully." Ngiti ni Mr. Segavio habang nakayakap siya sa asawa.



"Ano po bang hinahanap niyo? Pwede po nating gawan ng paraan...." hindi mapakaling sabi ni Via. hindi pwedeng hindi nila ito makuha as client dahil may hinahabol pa silang quota for that month. Ugh. Sales quota sucks.


"Sa loob ng 50 years sa tingin mo pano kami nagtatagal?" This time si Mrs. Segavio naman ang nagsalita.

50 years. Pano nga ba? Siguro kase love nila isa't isa?


Bakit ba nila ko tinatanong ng ganito? Minsan talaga may mga client na komplikado.

Sasagot na sana siya ng nagsalita ulit yung lalaki.


"Bago kami ikasal noon, muntik na siyang mawala saken..", nakatingin lang yung babae sa kanya. "Matagal na kami magkakilala pero hindi kami ang mag karelasyon dati, may iba siyang boyfriend." Diretsong sabi ni Mr. Segavio. Hindi makapaniwalang nakatingin lang si Via sa mag asawa. Okay?



"Akala ko hindi niya ko mahal." Singit naman ni Mrs. Segavio.

Kating- kati na sumagot si Via sa dalawa.



"Natakot kase ako, puro ako non what if's and naging kampante din na habang buhay niya ko hihintayin."

A smirk formed on Via's lips. Paghihintay.

Don't Ever ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon