Naaalala ko pa ng una siyang pumasok sa buhay ko. Transferee si Ace nong second year kami. He was mean and annoying. Hindi naman kami pareho ng section dahil section A ako at D naman siya. He was one of the headaches of the school at hindi rin minsang na suspend dahil sa mga kalokohan nito sa University.
Pano kami nagkakilala ? Simple lang. Naglalakad ako sa hallway ng araw na yun, so completely lost in the world of Bella and Edward. Ewan ko ba at kung may ano sa Eclipse at hindi ko mabitaw-bitawan. Nang ..................................
"ARAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY" um-echo yata sa hallway ang boses ko. Parang may tumama na malakas na bagay sa ulo ko. Ang sakit talaga. Yung feeling na parang may lumilipad na ibon sa ulo mo, naramdaman ko talaga sabay ikot ng paligid.
"Miss ? Okay ka lang ba? Sorry ha? Hindi kita nakita"
Nang mahimasmasan ako ay bigla kong sinapak ng malakas ang taong nasa harapan ko.
"Anong hindi mo ako nakita? Bulang ka ba!? Papatayin mo yata ako e! Pano na lang pag nagka-amnesia ako? Walang hiya ka!!" mangiyak-ngiyak kong bulyaw sa kanya.
"Sorry na. Please? Sorry. Sorry. Sorry"
Naiinis akong tumingala at ......
"Mama Mia ..." natutulala kong sambit.
Pano ba naman? Ang gwapo men! Napanganga yata ako sa pagtingin sa kanya. Lihim kong pinisil ang sarili ko. Totoo siya!!
"Miss? Okay ka lang?" tanong niya sa'kin.
"Akin ka na lang"
"Hah?" naguluhang balik niya sa'kin.
0___________0
Susmaryuuuuuuseppppp! Ano ba to? Ako na nga ang agrabyado tapos kalandian pa ang nasa isip ko. Agad akong tumayo sa pagkaka-upo ko sabay pagpag ng palda kong nadumihan.
"Okay lang ako. Sa susunod wag kang maglalaro dito sa hallway nandun sa likod ang basketball court. Distorbo ka. At kung pwede ba wag ka ng magpapakita sa'kin. Sinira mo ang araw ko!"
Inirapan ko siya sabay talikod. Nakakainis. Gwapo sana pero kahit na, sinira niya ang araw ko. Medyo masakit pa yung parte na tinamaan ng bola.
"Smile !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Napalingon ako bigla kaya naman hindi ko inasahan na makakasalubong ko ang parehong lalaki na magdudulot na naman ng kamalasan sa araw ko na iyon.
BLAAAAAAAAG!
"Aray ko po." >_<
Hinimas-himas ko ang pwet ko na ngayon ay karagdagang sakit sa aking katawan. Hinarap ko siya.
"Hindi ka na naman nag-iingat! Ano ba?! Pwedeng wag mo nang sirain pa ang araw ko"
Pero nagulat ako ng bigla niyang binigay sakin yung librong binabasa ko kanina.
"Libro mo. Naiwan mo kanina. Sorry na"
Tumayo siya at nilahad yung kamay niya. "Sorry talaga ha? Ewan ko ba at parang malas yata ako sa'yo"
Nahihiya kong tinaggap ang kamay niya upang makatayo. "Sorry rin kung sinigawan kita. Ikaw naman kasi eh. Wag mo ng ulitin yun ha? Ang sakit e"
Pilit akong ngumiti. Ngumiti rin siya. At nang mga panahong yun. May naramdaman akong kakaiba sa sarili ko.
DUG. DUG. DUG.
Nang mga oras na yun wala akong nakikita kundi siya lamang. Ba't ganun? Ang liwanag ng paligid. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Nasa langit na ba ako?