*Smile's POV*
Kinabukasan, kumalat ang news sa school na binasted ko si Ace sa University. Ano ba naman to? Andami ko na ngayong haters. Ang harsh ko daw kasi hindi ko man lang binigyan ng chance si Ace sakin. Ehh, ayun yung lumabas sa bibig ko eh. My stupid mouth. O_O
Akala ko ng mga panahong iyon, iiwasan niya ako. Pero.... hindi eh.
After a week, ay punong-puno ang classroom namin ng roses, iba't-ibang kulay. Ang ganda ng pagkaka-arrange pero may bouquet na para sakin. May malaki ring teddy bear sa upuan ko na kulay pink. Napangiti ako ng araw na yun. Hindi ko inakala na kahit ganun yung nasabi ko ipagpapatuloy niya pa rin ang nararamdaman niya sakin.
"AYIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!" tukso sa'kin ng mga kaklase ko.
"Che!" natawa na lamang ako sa kanila.
Hindi lang yun ang ginawa niya. Hinahatid niya ko sa bahay namin tuwing uwian. Hindi kami masyadong nagkikibuan pero masaya ako. Sino ang mag-aakala na ang notorious rebel ng school ay mahuhulog sa'kin?
"Ang bilis naman!" reklamo niya. Nasa harap na kasi kami ng bahay namin.
Natawa ako sa kanya. Simula ng hinahatid niya ako ay naglalakad na akong pauwi. Mga 20mins lang naman ang lalakarin mula sa school hanggang samin. "Ingat ka sa pag-uwi ha?" nahihiya kong paalala sa kanya. Papasok na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Smile? Alam ko tarantado ako pero kaya kong magbago. Para sa'yo. Para hindi ka naman mapahiya sa'kin."
He was so serious and handsome at the same time. I found myself holding his hand too. Bigla siyang namula kaya naman deep inside kinikilig ako.
"Wag kang magbago sa'kin magbago ka para sa sarili mo. Mabuti kang tao Ace, ramdam na ramdam ko. Salamat sa paghatid ha?"
I tiptoed and kissed him on the cheek. Mabilis akong pumasok sa bahay habang pinipilit pigilin ang tili ko.
Hindi ako nabigo. Ginawa niya nga ang lahat. Pinakita niya na kaya niyang magbago. At dahil dun, unti-unti akong nahulog sa kanya.
"Alam mo Smile ang laki ng pinagbago ni Ace ng dahil sa'yo. Hindi na siya nagcu-cutting classes at aba! Nag-aaral na para naman hindi ka mapahiya sa kanya. He doesn't smoke anymore, ni hindi niya na sinisigawan ang mga teachers." nakangiting sabi sakin ni Gale, isa sa mga kaklase ni Ace.
"Mahal ka talaga niya Miss President. Kitang-kita naman eh" sabad naman ni Mika.
May iba ring nagsabi sa'kin ng mga improvements ni Ace na aaminin ko na nagdulot sakin ng pride. Masay ako. Masayang-masaya. Kaya naman nakipag-bonding ako sa mga kaklase niya. Nakakatuwa silang kausapin. Walang pretentions.
May program kasi kami ng araw na yun. Sportsfest kasi sa school at isa ako sa committee para sa larong volleyball.
"Talaga? Ang saya ko nga eh at nagbabago siya para sa'kin. Pero sana gawin niya yun para sa sarili niya kasi siya naman yung makakapag benefit pag ganun eh"
"Opposite do attracts nga kayo eh" kinikilig namang pahayag ni Alison.
Ngumiti ako sa kanya. Ewan ko pero ang gaan-gaan ng pakiramdam ko.Maya-maya pa nagsimula na ang game nang biglang magkagulo sa bleachers. Agad akong napatayo ng makita ko kung sino ay may pasimuno ng gulong iyon.
Dalawang lalaki ang nagsusuntukan. Pero masyadong mabilis ang isa kaya naman agad niyang naiiwasan ang mga suntok na para sa kanya.
Si Bernard ang isa kaklase nya na isa sa mga Student Government na senators at kababata niya. Kitang-kita sa mukha ni Bernard na natatakot ito lalo na ng hinigit ng lalaki ang kwelyo nito. Kung tutuusin bugbog na ang mukha ni Bernard samantalang ang isa ay hindi man lang nasugatan.
Akamang susuntukin na ulit ito ng isang lalaki ng ................
"ACE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" hindi ko namalayang naisigaw ko ang pangalan niya.
