Chapter One

23 0 0
                                    

  Nagtama ang aming mga mata. Wala mang magsalita sa amin, alam ko marami na ang nagbago. Hindi na kami katulad ng dati. Wala ng yung mga ngiti at tawa. Wala na.

 "Tama na yang titigan niyo best. Tumitingin na ang impakta. " mahinang saway sakin ni Ariel. Nasa cafeteria kasi kami ng school at kumakain ng lunch.

 Agad kong inilayo ang tingin ko at nagpatuloy sa pagkain. Pero mabigat sa loob, ang tagal ko palang nagpakatanga. Ang sakit pala. Ayoko na. Pero bakit ganun? Mahal ko talaga siya.

Ako si Smile Penelope. Isa akong  fourth year sa Darton High University. Class president. Matalino, maraming talento, maganda at palaban. Ilang beses na rin akong nag champion sa mga contest sa math and science. Isa rin akong magaling na debater. Sa katunayan, ilang beses na akong nakatungtong sa Nationals. Pero ni minsan hindi ko inakalang kaya ko palang maging mahina. Maging bobo paminsan-minsan. Alam ko, hindi ako perpekto. Pero wala sa karakter ko ang maging sunod-sunuran. Sa kanya lang, kay Ace Dylan Alvarez lamang. Ang lalaking minahal ko ng totoo.

"Pano ka niyan makaka-move on kung palagi kayong nagkakatitigan? Ano ba Smile! May girlfriend na siya! Hayan nga o! Pinagpalit ka sa mangkukulam."  lintanya ni Abby.

Pilit akong ngumiti. "Oo na, step by step lg muna ha? Hirap naman kasi eh. Isang year lang kami, mabuti na lang hindi kami magkaklase. Andami kong ginawa sa kanya Abb. Ganito lang ba talaga yun?"

Muli akong tumingin sa gawi ni Ace. Pero parang pinunit ang puso ko. Magkahawak ang kamay nila. Tumatawa pa si Ace habang kausap si Jenna. Ang saya-saya nilang tignan. Uminit ang mga mata ko, ramdam kong babagsak ang mga luha ko ng wala sa oras.

"Excuse me guys" nagmamadali kong paalam. Arghhhhhhhh! Ayoko na ng ganito. Pipigilan pa sana ako ni Abby pero ng nakita niya ang reaksiyon ko agad siyang tumango.

"Balik ka pag okay ka na ha?" nakakaintinding saad niya.

Ewan ko kung papano ako nakarating sa CR. Agad akong nagkulong sa isang cubicle. At doon, kung saan walang nakakakita bumuhos ang masasakit na alaala na ayaw ko nang balikan pa.

Almost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon