*Smile's POV*
Agad akong lumapit sa kanila. Inilayo ko si Ace habang binigyan ko naman ng apologetic na tingin si Bernard. Hindi ko ininda ang mga matang nakatingin sa'kin. Gusto ko lang lumayo si Ace sa gulo.
"Ace? Ano ba ang nangyayari? Di ba sabi mo lalayo ka na sa gulo?"
Hindi niya ko sinagot.
"Ace? Ano ba? Sagutin mo naman ako."
Nabigla ako ng bigla akong niyakap ni Ace. Nanginginig ang katawan niya. Naramdaman ko na lamang na humihigpit ang pagyakap niya sakin.
"Ace, ano ba ang nagyari?"
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sorry Smile. Nabigo kita"
Parang tinusok ang puso ko ng marinig ko ang boses niya. Ramdam ko ang sakit. Wait? Bakit nababasa ang T-shirt na suot ko? Hindi kaya?.......
"Hoy, wag mo naman akong iyakan. Makikinig naman ako Ace eh. Hindi kita huhusgahan. "
Pero hindi niya ako sinagot. Pinili ko na lamang na hayaan siya. Napabuntong-hininga ako at niyakap siya. Alam ko, may dahilan si Ace sa nangyari. Nagbabago siya. Alam ko, hindi na siya gaya ng dati.
*Author's Note*
Siguro po natatagalan po kayo sa takbo ng kwento. I'm currently doing another story kaya naman po medyo hati ang time ko. Hehe.
Feel free to message me at kung may suggestions po kayo. Open na open ako. :DD
*Ace's POV*
Hindi na niya ako tinanong sa mga nangyari. Ayoko naman siyang mawala sa buhay ko kaya lang, hindi siya akin.
Tama ba tong pinasok ko? Masyado nga ba akong ambisyoso. Nagbabago ako pero hindi pa yata sapat. Ano ba! Mahal ko naman talaga si Smile. Pero ayoko siyang masaktan. Okay lang na ako ang magdusa. Wag lang sya. Hindi ko kaya.
Kinabukasan, ang daming masasamang rumors about sakin. Sh*t! Sanay naman ako sa ganito noon ah pero bakit ang sakit ngayon sa pandinig? Ang masama pa, nadadamay si Smile sa lahat.
*Smile's POV*
"Alam na nga niya na kasalanan ni Ace pero dun pa rin siya kumampi? Bulag naman niya"
"Naloko yata yang si Smile eh, akala ko matalino"
"Bakit naman niya pinabayaan si Bernard dun eh si Bernard yung nasaktan?"
"Kaloka! Akala mo naman magtatagal sila ni Ace."
"Hindi sila bagay"
"Imbes na suwayin niya si Ace kinunsenti pa. Tignan mo nga, parang hindi naman nagbabago ang Ace na yun ah!"
Naiinis na ako sa bulong-bulungan sa paligid ko. Simula ng pumasok pa lamang ako sa gate, sa hallway at kahit nasa classroom na ako ngayon andami paring bubuyog. Perpekto ba sila? Hindi pa nga nila alam ang buong kwento eh. Nanghuhusga na agad.
"Kung matalino talaga siya iiwanan niya yung bobo na guy sa 4D. Gwapo nga basagulero naman. Hindi na siya nahiya kay Bernard. Akala ko close sila"
"Isa pa. Isa na lang. Sasabog na talaga ako." Nasabi ko na lamng sa sarili ko. Hindi kasi ako sanay na pinaparinggan. Gusto ko silang patahimikin. Wala namang katotohanan ang mga sinasabi nila.
"Ganun talaga, pag may utak bobo sa pag-ibig."
Napatayo ako sa upuan ko na kinagulat ng lahat.
"TAMA NAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" bulyaw ko sa kanila.
Agad na tumahimik ang buong kwarto.
"Ang sakit na sa tenga ng mga sinasabi niyo. Pwede ba? Don't talk behind my back. Ang mga judgemental niyo! alam niyo ba ang buong nagyari?! Tumahimik kayo! Wala namn kayong maitutulong eh!" galit na ako ng mga panahong yun. Nakakainis naman kasi eh, wala pa sina Abby at Ariel. Wala akong mapagsasabihan ng hinanakit ko.
Mabuti na lamang at pumasok ang teacher namin at kung baka ano pa ang mga nasabi ko. Parang bumalik lang sa normal ang lahat. Hindi na nila ako pinaringgan, hindi rin nila ako tinitignan ng masama, Parang walang nagyari. Pero alam ko, hindi to matatapos hanggang hindi ko nalalaman ang dahilan ng gulo nina Ace at Bernard. Kailangan kong makausap ang isa sa kanila.
*Author's Note*
Siguro, nagtataka rin kayo kung sino si Bernard at kung ano ang kinalaman niya sa kwentong ito. Okay, okay. Kilalanin natin si Drew Bernard Dantiego. The next chapter is intended for him. :)
*Ace's POV*
Agad akong pumunta sa classroom ni Smile ng mag-bell. Gusto kong malaman kung okay lang siya. Nag-aalala ako dahil nadadamay siya sa gulo. Hindi ko kaya na masira ang tingin sa kanya ng mga tao ng dahil sakin.
Pero napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang taong kinamumuhian ko ng mga oras na yun. Halatang hinihintay niya ako basi na rin sa tingin niya. Nakapamulsa ito at nakangiti pa ang loko pero alam ko na para painitin na naman ang ulo ko. Hindi ko matatanggap na siya ang lalaking gusto ng pamilya ni Smile, ang taong gagawin ang lahat mawala ako sa landas niya, at ang tao na maaaring maglayo sakin sa babaeng minamahal ko.
Si Drew Bernard Dantiego.