*Smile's POV*
Iniwasan ko siya simula nung araw na iyon. Agad kasi akong tumakbo ng may weird na idea na pumasok sa isip ko. HEHE. Peace! (^_^)V
Hindi ko gusto ang nararamdaman ko sa kanya. Nalaman ko kasi na siya pala Ace Dylan Alvarez. The Notorious Rebel. Hindi naman sa judgemental ako pero ayaw ko lang kasing pinag-uusapan. Alam niyo ba simula ng pagtatagpo naming iyun ay parati na siyang nakatambay sa labas ng room namin? Hayyyy........ Ano ba to?
"Smile? manliligaw mo ba si Ace?" tanong sakin ni Tifanny. Isa sa mga Campus Sweethearts na napapabalitaang nililigawan noon ni Ace.
"Naku, hindi ah. Hindi nga kami pormal na magkakilala nun."
"Talaga lang ha?"
"Oo, wala kang dapat ipag-alala. Sayo lang siya" (^_^)
Nabigla kaming lahat ng makarinig ng strum ng gitara sa labas. Agad na nag-umpukan sa labas ang mga kaklase ko kasama si Tifanny.
"Ano ba yan? Hindi ko makita ang papable sa labas!" reklamo ni Ariel habang nakatayo sa upuan.
"Anong meron?" tanong naman ni Lyle, ang pinakamatalino samin sa klase.
"Ewan" bored na sagot ni Abby na mas piniling matulog kaysa makiusyoso sa labas.
(Now Playing: Let Me Love You * Cover of Travis Garland)
Much as you blame yourself, you can't be blamed for the way that you feel
Had no example of a love that was even remotely real
How can you understand something that you never had
Ooh baby if you let me, I can help you out with all of that
Ang ganda naman ng boses nung kumakanta. May mga nagtilian pa nga. Sabagay, marami naman kasing mga gwapo sa school namin.
Girl let me love you
And I will love you
Until you learn to love yourself
Girl let me love you
And all your trouble
Don't be afraid, girl let me help
Girl let me love you
And I will love you
Until you learn to love yourself
Girl let me love you
A heart of numbness, gets brought to life
I'll take you there
Nawili ako sa pakikinig habang may papikit-pikit effect pa! Feeler lang te ? Nang maramdaman kong papalapit ng papalapit ang tunog ng gitara sa kinaroroonan ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Ace na nakangiti habang kumakanta na may hawak ng gitara. May kasama siya, lima sila. Kung hindi ako nagkakamali sina Rogan, Harold, Dax at Kristoff yata ang kasama niya. Yung mga kasama naman niya sinisiguradong walang sagabal na eeksena samin ni Ace. Parang mga bodyguards. HEHE. *_*
Girl let me love you
Girl let me love you baby, oh
Girl let me love you
Girl let me love you baby
Girl let me love you
Let me love you, let me love you, oh
Agad na naghiyawan ang mga kaklase ko ng matapos ang kanta. Ang iba ay kinikilig samantalang si Tifanny at mga friends niya ay masama ang tingin sakin. Hala?! Anong ginawa ko? O_O
" Smile Penelope, can you let me love you?"
"Sagutin mo na!!!!!!!!!!!!!!!!" hiyawan ng mga kaklase namin.
Ano ba to? Isa ba to sa mga kalokohan na naiisip niya? Ba't ganun? feeling ko sincere naman siya pero may part talaga na ayaw maniwala sa sarili ko.
"I know it's still early but I like you. A lot. Hindi ko pa to nararamdaman sa ibang babae. I'm sorry sa kamalasang nagawa ko sa'yo noon. But please, let me love you. Kahit ako na lang ang magmahal okay lang."
Feeling ko nabingi ako sa mga sinabi ni Ace ng mga oras na yun. Ano daw? Paksheeeeeeee ... Totoo ba to?