Bedroom Stories Chapter One

6.4K 22 1
                                    

Kahit gabi ay maliwanag na maliwanag ang isang kalye sa Wanchai, Hong Kong, Huwebes ng gabi, ladies' night, halos puno ang bawat bar na madadaanan mo. Sa kalye na iyon ay taxi lamang ang dumadaan, ang ibang tao ay naglalakad lamang patungo sa kanya kanyang destinasyon. Sa loob ng Hurricane bar kung saan pula ang dominanteng kulay ng ilaw, naroroon ang limang babae na nakikinig sa musikang itinutugtog ng banda. Nakaupo sila sa isang paikot na sofa na may mesa sa gitna kung saan nakapatong ang kanilang mga dala dalang pouch. Galing silang lahat sa trabaho, nagtratrabaho silang lahat sa isang kumpanya, ang Welcome to your Holidays Agency. Lahat sila ay may angking ganda, lahat din sila ay may kanya kanyang istorya.

Maya maya lang ay dumating na ang inumin nilang limang mahinang margarita. Kinuha nila ang mga inumin at sabay sabay na nagsabi ng "CHEERS!" sabay lagok.

Si Alona, ang pinakabata sa kanilang lahat, twenty years old, labing walong taong gulang pa lang siya nang mag simula siyang magtrabaho sa agency na ito, ito ang una niyang trabaho at kahit pa noong una ay nahirapan siya, hindi nagtagal ay napromote din. Kung gaano siya kaaga nag trabaho ay ganoon din siya kaaga nag asawa. Mahaba ang tuwid nitong buhok, 34-28-35 ang vital statistics niya. Sa mga oras na iyon ay nakasuot siya ng itim na mini dress at itim na high heels, meron din siyang suot na make up.

Si Mia, twenty seven years old, pinakapayat sa grupo na hindi ko na kayang sabihin ang vital statistics, may salamin sa mata dahil sa labo ng kanyang paningin, maikli ang buhok, meron siyang long distance na boyfriend na nasa Singapore na ngayon lang siya pinayagang lumabas. Kinailangan pa nga niyang mag sinungaling na annual dinner ang mangyayari ngayong gabi para lang payagan siya nito. Eto naman ay naka polo shirt at slocks.

Si Dianne, twenty four years old, may pagkamestisa ang mukha, maputi, 36- 28- 34, naka brown dress na hanggang tuhod, agaw pansin sa mga lalake pero taken na, may boyfriend na kasalukuyan ay ka live in niya, ang boyfriend niya nga lang na ito ay dating kasal sa isang babae sa Pilipinas, meron din itong mga anak. Pero mahal ni Dianne ang boyfriend niya at kahit ganoon pa man ang sitwasyon ng lalake na ang pangalan ay James ay tanggap na tanggap niya ito.

Si Sarah, na kahit nasa thirties na ay maganda pa din, mahaba ang buhok na laging naka head band, meron ng anak na teenager, kahit 5'2 lang ang height ay lagi itong naka heels para mag mukhang matangkad. Komplikado ang love life niya, may asawa siya na nagtratrabaho sa gabi, kung kaya naman ay hindi na siya nasa satisfy nito Dati din naman ay nambabae na ito, kung kaya naman hanggang ngayon ay hindi niya iyon maialis sa isipan niya. Buti na lamang at merong isang lalake na nasasandalan niya, si Richard, pero long distance ang relasyon nila. Sa chat lang sila nagkakausap at sa chat lang din nagse- sex. Suot niya ang pulang mini dress at pulang high heels, puti naman ang head band nito.

Si Ryza, nasa thirties na din, medyo chubby pero dahil nagg gym ay medyo nababawasan na ang timbang nito. Naka itim na blouse at maong na palda, habang sa paa niya naman ay isang pares na itim na sandals. May anak ito sa pagkadalaga na nasa Pilipinas kung saan ito nagaaral, mahal na mahal niya ang anak kung kaya naman ay ibinibili nito ng kahit na ano man ang naisin ng anak. Kasama niya sa bahay ang kanyang asawa, kung siya ay nasa kama natutulog, ito naman ay sa sofa. Oo, magkahiwalay na silang natutulog, and it means one thing, no sex life.

Ang usapan ng magkakaibigan:

Alona: Mukha ka na namang haggard ngayon Mia, buti pinayagan ka ni Michael lumabas.

Mia: Ewan ko ba, buti nga ay pinayagan niya pa ako. Bwesit ako sa lalakeng yun ngayon.

Sarah: Bakit naman, akala ko ba ikakasal na kayo? Di ba itong year iyon?

Mia: Hay, yun nga ang balak pero confuse pa din ako eh. Pag ganoon ba, anong ibig sabihin noon?

Dianne: Isa lang ang ibig sabihin no'n 'tol, pag mahal mo kasi ang ang isang tao, you wont think twice.

Ryza: Tama yun Mia, pag mahal mo ang isang tao, itotodo mo na yan, hindi yung magiisip ka pa.

Alona: Isa lang ang ibig sabihin niyan Mia, hindi mo talaga siya mahal.

Sarah: Eh kung hindi mo naman pala mahal bakit nandyan ka pa sa relasyon na yan? Anong ginagawa mo diyan?

Dianne: Oo nga tapos hinahayaan mo siyang diktahan ka, di ba? Sayang lang ang oras mo sa isang tao na hindi mo naman mahal.

Mia: Siguro nagi stay lang ako sa relasyong iyon dahil para sa security?

Alona: Sabi ko na nga ba eh. Hindi purkit hinahabol ka na ng panahon ay magmamadali ka din sa sa pagaasawa.

Mia: Pero anong gagawin ko? Lahat ng mga pinsan ko may pamilya na, ako na lang wala.

Sarah: Hay naku, iinom mo na lang yan! Waiter, nasaan na yung libre niyong tequila dito?

Maya maya lang ay dinala na ang tequila sa harapan nila at kinuha na ang walang lamang baso na nilagyan ng margarita kanina.

Ryza: Pa order din ng nachos, large with cheese.

Alona: Samahan niyo na din ng set A. Eh ikaw naman Ate Sarah, ano naman ang nangyayari sa buhay mo ngayon?

Sarah: Wala the usual lang din naman. Kagabi, dahil wala yung magaling kong asawa na manager ng isang bar na umaga na umuuwi, ay ka chat ko na naman si Rich. Siya lang naman palagi kong kausap.

Dianne: So both of you did it again?

Sarah: Oo.

Mia: Hindi ba mahirap?

Sarah: Eto naman si Mia, pa virgin effect.

Alona: Explain mo nga sa kanya kung paano Ate Sarah, hahaha!

Sarah: Basta ba may sarili kang kwarto, solve ka na nun! Ako kasi, yung laptop nasa kama, so I do it in my bed. Wag mo lang kakalimutan, of course na iharap sayo yung camera.

Mia: Sabay niyo yun ginagawa?

Sarah: Mia, duh? Oo naman! Ang baduy naman kung one by one kayo.

Nagtawanan ang lahat ng nasa mesa, sakto din na nagpalit ng banda na nasa stage.

Sarah: Ang importante din doon Mia, para ganahan siya ay sabihin mo kung ano ang sarap na nararamdaman mo. Para lang talagang nakikipag sex ka sa computer.

Mia: Haha, okay fine. Teka paano?

Alona: I describe mo kung paano mo ginagawa, gusto mo sample? Sabihin mo 'eto na ipapasok ko na ang daliri ko, o di naman kaya mag suot ka ng lingerie. Naku pag nagawa mo yan ng maayos, tingnan natin kung pakakawalan ka pa niyan.

Dianne: Uyyy, susubukan niya yan mamaya pag uwi.

Mia: Paano ako matututo kung hindi ko susubukan di ba?

Ryza: Akala ko hindi mo siya mahal?

Mia: Sabi ko, confuse lang ako, hindi ko naman sinabi na totally wala akong feelings sa kanya di ba? Tsaka pwede naman i seperate yung lust sa love di ba if ever hindi ko talaga siya love?

Alona: Grabe ka, first timer? Ikaw ba yan ha?

Nang gabing iyon ay excited na nga si Mia umuwi.


Bedroom StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon