Cure #1: Gabi ng Lagim

680 22 17
                                    

Gabi ng Lagim

ELEMENTS:

Knitting needle & "Hindi lahat ng nagpapasaya sa atin ay tama. Pero ang tama ay marahil masakit sa umpisa, pero sigurado sa huli tayo ay mapapaligaya."

~

NAGISING SI Rod sa kalagitnaan ng gabi. Babalik na sana siya sa pagtulog nang mahagip ng mata niya sa kanyang paanan ang isang duruan o karayom na ginagamit sa pagniniting.

"Paano ito napunta rito?" tanong niya sa sarili dahil sa pagkakatanda niya'y wala namang hilig sa paggagantsilyo ang kanyang Ina.

Kukunin niya sana iyon nang makita niya ang mga marka ng paa sa sahig na tila nanggaling pa sa putikan. Kahit nagtataka'y dahan-dahan siyang tumayo at sinundan ang mga bakas na iyon. Halos huminto sa pagtibok ang kanyang puso nang makitang bukas ang pintuan ng kanilang bahay.

Lubos siyang nagtaka dahil wala namang katao-tao at mukhang tulog pa ang mga kasambahay nila. Alas tres y medya pa lang ng madaling araw.

"Ang lamig," bulong niya sa sarili.

Kanina'y normal namang humahangin ng malakas dahil mapuno ang paligid, ngunit bigla na lang tumayo ang kanyang balahibo ng maramdamang tila nasa likod lang niya ang pinanggagalingan ng malakas na hanging iyon. Kaagad siyang pumihit patalikod, ngunit bigo siya dahil wala naman siyang nakitang kakaiba.

Nagpatuloy siya sa pagsunod sa mga bakas ng paang iyon kahit na unti-unti nang dumidilim ang buong lugar at tanging ang liwanag na lang ng buwan ang nagbibigay ng ilaw sa buong kapaligiran.

Pag-angat niya ng tingin, nagulat siya nang makita sa 'di kalayuan ang pigura ng isang babae. Nakaputing bistida ito at tumatakip sa mukha nito ang mahabang buhok.

Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan at naramdaman ang konting takot na umusbong sa kanyang dibdib dahil tila pamilyar sa kanya ang babaeng iyon.

Nakita niyang lumiko ito sa madilim na eskinita kung saan wala ng nakatira. Napahinto siya sa pagsunod dito nang magpatay-sindi ang mga ilaw sa poste na kanyang dinaraanan.

Pilit niyang nilakasan ang loob at nagpatuloy sa pagsunod dito kahit nagsisimula nang mangatog ang buo niyang katawan. Doon sa dulo ng eskinita ay naabutan niya itong nakatalikod na tila ba hinihintay ang paglapit niya.

Nakaamoy siya ng kakaibang amoy, parang... nahigit niya ang kanyang hininga nang makita ang kanyang paanan. Dugo. Umaagos iyon sa kanyang mga paa na animo'y tubig. Hindi niya magawang humakbang dahil parang naparalisa ang buo niyang katawan at dumaloy ang kakaibang kilabot sa kanyang balat nang makita ang unti-unting pagguhit ng pulang likidong iyon ng malalaking letra sa pader.

"E-D-E-N," usal niya habang naghahabol ng hininga. "Eden."

Dahan-dahang humarap ang babaeng iyon sa kanya at tumarak ang matinding takot sa sikmura niya. Butas-butas ang pisngi nito at wala itong mukha---maliban sa nag-iisa at nanlilisik nitong mata sa noo.

"Aaahhh!"

Napamulat si Rod at hingal na hingal na nagpalinga-linga sa kanyang paligid. Napagtanto niyang nasa kwarto siya at saka lamang siya nakahinga ng maluwag.

Biglang may kumatok sa pintuan niya.

"Rod, anong nangyari?" nag-aalalang tanong ng kanyang Ina.

Napalunok siya at napapikit. "W-wala po, Ma."

Binangungot ako. Isang nakakatakot na bangungot, pagtatapat niya sa sarili.

Lubos niyang ipinagtataka ang ilang ulit pang pagpapakita ng babaeng iyon sa kanyang panaginip at habang napapadalas iyon ay lalong nakakalapit sa kanya ang katawan nito.

HAVOC OUTBREAK: The Final RoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon