Haunted
ELEMENTS:
"But I remembered one thing: it wasn't me that started acting deaf; it was people that first started acting like I was too dumb to hear or see or say anything at all." & A happy-go-lucky cave explorer.
~
'Di mapigil na pagtinginan na naman ako ng aking mga kapitbahay, 'di ko rin naman sila masisisi. Katulad ng aking nakagawian ay may dala-dala na naman akong malaking back pack. Kaya naman pinag-usapan na naman ako ng mga taong nakakakita sa'kin.
"Ken, ang aga mo na namang aalis ah." Napalingon ako nang lapitan ako ni Manang Lea, ang may-ari ng tindahan sa tabi ng aking maliit na bahay. Siya lang siguro ang nag-iisang taong 'di nagsasabi ng masama sa akin. Kaya naman magiliw akong ngumiti, bago sinagot ang kanyang turan.
"May nakita na naman po kasi akong bagong kuweba malapit dito sa atin, kaya naman 'di ko na palalampasin ang pagkakataon at mag-eexplore na naman ako."
Napatango siya sa'kin at tinapik ako sa balikat bago nagbilin, "Sige, mag-ingat ka na lang ha. Ako na rin ang bahalang magbantay sa bahay mo."
"Sige po, maraming salamat."
Sumakay na ako ng bus patungo sa kuwebang aking tinutukoy, katulad ng dati ay mag-isa na naman ako. I am not a loner. It's just, people doesn't want to be with me.
Sabi nila ay ayaw nilang makipaglapit sa akin, dahil 'di raw ako marunong makisama. At ang mga hilig ko pa ay kakaiba, katulad nitong pagiging cave explorer ko. Sumasama na ako dati pa sa aking ama kapag pumapasok siya sa iba't ibang kuweba. Kaya naman bata pa lang ako ay nakasannayan ko na ang ganitong gawain.
Pero 'di katulad ng aking ama, sa loob ng tatlong taon ay iisang kuweba lang aking laging pinupuntahan. Ang kuweba kung nasaan ang aking pinakamamahal. "Lucy,"
Napangiti ako nang tuluyan na akong makapasok sa kuweba. Nagpatuloy pa ako sa paglalakad, kahit pa medyo madulas ang loob at madilim ay 'di ko ito alintana. Basta makita ko lang kasi si Lucy ay solve na ako, pero dahil sanay na ako sa ganitong gawain ay alam na alam ko na ang gagawin. Nagdadala ako lagi ng isang malaking flashlight para magsilbing liwanag ko at ang pares ng sapatos na aking suot ay nakadisenyo para sa ganitong gawain. Kaya naman 'di ako nag-aalala sa pagpasok ng kuweba. Nang tuluyan na naman akong mapunta sa pusod ng kuweba ay tuluyan na akong napangiti sa saya. "Lucy,"
Pagsambit ko sa kanyang pangalan ay nilapitan ko kaagad ang kinaroroonan niya. Inilapag ko ang aking dalang bag, bago tuluyang umupo sa kanyang tabi. "Namiss mo ba ako?"
Sa tanong kong iyon ay wala na naman siyang isinagot, katulad ng dati. Pero mahal ko siya, kaya naman kahit 'di niya ako pansinin ay gagawa at gagawa ako ng effort para lang mapansin niya ako.
Kinuha ko sa aking bag ang isang pakete ng chichirya at inilahad ito sa kanya. "Gusto mo?"
'Di na naman siyang sumagot sa aking tanong, kaya ibinaba ko na lang ang aking kamay na nakalahad sa kanya. Nagugutom na rin ako, kaya naman binuksan ko ang pagkain at sumubo. Iiiwan ko rin naman dito sa kanya ang iba ko pang pagkain, kaya 'di ako nag-aalala. Kakain din yan kapag umalis na ako.
"Alam mo bang kakaiba na naman ang tingin ng mga kapitbahay ko sa akin kanina, nagtataka talaga ako kung bakit gano'n sila. Simula noong nag-college ako ay doon na naman ako nakatira hanggang ngayon na nagtatrabaho na ako, nagtataka lang ako kung bakit ni ayaw man lang nilang lumapit sa akin."
Sa haba ng nilitanya ko ay 'di na naman siya kumibo, kaya naman nagpatuloy ako. "I'm not rich, but I'm kind. Iyon ang sigurado ako, pero bakit sila gano'n? Wala naman akon ginagawang masama sa kanila. Katulad rin sila ng mga naging kaklase natin noong college pa lang tayo. Noong umpisa ay ayos naman kami ng mga kaklse natin, pero nagbago iyon nang malaman nilang kriminal ang tatay ko. They are making me feel different, that's why I made a wall. And then I realized, it wasn't me that started acting deaf; it was people that first started acting like I was too dumb to hear or see or say anything at all."
BINABASA MO ANG
HAVOC OUTBREAK: The Final Round
RandomLITERARY OUTBREAK: SURVIVE OR DIE ONE SHOT WRITING CONTEST (SEASON 1) Havoc Outbreak: The Final Round