Ang Anim na Utos ni Geronimo
ELEMENTS:
Drunk charming lead vocalist of a band & Driving in the middle of nowhere~
Exodus 20: "Ako ang Diyos na iyong panginoon. Dapat wala kang ibang Diyos na sinasamba kundi ako lamang."
Unang Utos: Ibigin mo ang ating Diyos ng lalo at higit sa lahat.
Pumasok ako sa kapatiran nang walang pag-iimbot, ginawa ko ang bagay na ito upang makatakas sa huwad na realidad. Dito, ipinangako nilang hindi nila ako huhusgahan kung ano ako at kung anong meron ako.
Dito, sinabi nilang maniwala lang ako kay Geronimo, mawawala ang mga problema ko. Matutulungan ako ni Geronimo na ibsan ang mga bagay na nagpapabigat sa aking pagkatao.
Sa pamamagitan ng pag-aalay ko sa kanya ng buo kong pagkatao't tiwala, malilinis niya ang kaluluwa ko.
Iibigin ko siya nang buong puso at walang pag-aalinlangan. Mamumuhay akong matiwasay sa kanya.
Pangalawang Utos: Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan.
Para maisakatuparan ang aking minimithi, kailangang si Geronimo lang ang aking sasambahin. Siya lang at wala ng iba.
Pangatlong Utos: Ipangilin mo ang araw ng pag-aalay.
Sa araw ng pag-aalay, kailangang obserbahan ng mga kasapi ang mangyayaring kaganapan. Ang pag-aalay ng dugo ng isang birheng babae at ang pagpatak nito kasama ang dugo ng hayop sa bibig mismo ni Geronimo.
Kinakailangan ang babaeng birhen sa ritwal. Sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa harapan ng altar, sa harap mismo ni Geronimo, gagawin ang nasabing pangyayari habang nagbabasa ng orakulo ang mga kasapi ng grupo.
Pang-apat na Utos: Galangin mo ang mga patakaran ni Geronimo.
Kailangang galangin ang kanyang patakaran, datapwat ito ang kinakailangan upang maisakatuparan ang panghabang-buhay na kaluwalhatian.
Pang-limang Utos: Huwag kang papatay.
Isa sa mga bilin ay huwag na huwag akong papatay ng kabaro ko. Kapag ginawa ko ang bagay na ito, buhay ko mismo ang kapalit.
Pang-anim na Utos: Huwag na huwag mong gagalawin ang mga babaeng iaalay lamang kay Geronimo.
Ang pinakahuli at ipinagbabawal na utos. Ang mga babaeng iaalay mismo kay Geronimo ay ang mga anak mismo ng mga lider ng grupo.
Ito ang pinakaiingat-ingatan nila, ang huwag galawin ang mga babae sa kanilang pamilya. Datapwat sa darating na pag-aalay, ang kanila mismong ama ang gagawa ng ritwal. Sila ang pupunit ng sa pagkababae ng kanila mismong anak sa harap ni Geronimo at mga mata ng miyembrong nananampalataya sa Kaniya.
Ang anim na utos ni Geronimo. Ito ang sinusunod ng grupo. Si Geronimo ang sinasamba. Ang rebultong malaking aso na ang kalahati ng mukha ay tao at ang katawan ay buntot ng isang sirena. Ito ang aming Diyos, siya ang aming tagapagligtas. Siya ang aming sinasamba.
Bali-balitang sa susunod na pagdaan ng buwan sa pagitan ng araw at ng daigdig ay magaganap ang limang pag-aalay ng dugo ng mga birhen sa paraang pakikipagtalik ng kanilang ama sa kanila.
Sinasabi ring nalalapit na ang katapusan ng daigdig sa araw na iyan. Ayon sa propesiya, kailangang mag-alay ng limang birhen sa takdang araw. Ito lamang daw ang makapipigil sa maaaring mangyaring pagkawasak ng daigdig.
Si Geronimo mismo ang bumulong sa isa sa pinakamalaking lider ng grupo. Nagpakita raw ito sa kaniyang panaginip at ibinulong sa kaniyang nalalapit na ang katapusan. Kung kaya't naghahanda na sila sa paparating na eklipse.
BINABASA MO ANG
HAVOC OUTBREAK: The Final Round
RandomLITERARY OUTBREAK: SURVIVE OR DIE ONE SHOT WRITING CONTEST (SEASON 1) Havoc Outbreak: The Final Round