Cure #4: Banana Shit Theory

792 18 19
                                    

Banana Shit Theory

ELEMENTS:
Sandglass & Scorned clown

~

Sabi nila, sa future, magiging maayos na ang lahat. Magiging maaliwalas na ulit ang mukha ng mundo, katulad ng isang paraiso...

Ayos.

Hanggang tuhod na lang ang baha. Ang daming mga tao, nakatayo, parang walang nangyari. Katulad ng kung kailan sila inabutan ng baha, ganun pa rin ang mga tayo nila. May humahalakhak habang nakatingin sa nakangiti niyang kasama. May naglalakad habang kumakain ng French fries, may isang babaeng karga ang aso niya at kalalabas lang ng klinika. May pulubing akmang pupulutin ang isang bote ng mineral water at may binatang kinakapa ang likurang bulsa, mukhang may nawawala.

Normal lang ang lahat. Balik sa dating kinagawian.

Humupa lang ang baha nang walang iniwang kahit ano maliban sa napakalinaw na tubig. Ni walang taong natakot. Walang nakahiga. Lahat sila, pati mga aso at pusang akmang susugurin ang isa't isa, lahat sila nasa maayos na pwesto. Walang nangyari. Parang walang baha.

Ako lang ang nagising nang nakahiga sa kalsada at basang-basa sa tubig-baha. Nang dumilat ako, saka ko lang napansin ang tubig, na nakalutang pala ako nang nakatihaya habang ang mukha ko ay halos sunugin na ng araw.

Matingkad na asul ang langit, parang imaheng synthetic ngunit mas pinipili ko ang ganoong tingkad dahil mas nakakagaan ng pakiramdam. Mas madali kong matatanggap ang gawa-gawang langit.

Agad kong hinanap sa gitna ng mga tao si James. Kung andito ang mga tao matapos ang baha, malamang nasa pwesto rin niya si James. Iniwan ko siya sa labas ng isang coffee shop bago ang malaking baha. Naalala ko ang regalong binili ko para sa kanya, binalingan ko ng tingin ang kanang kamay ko at naroon, isang mamahaling jacket na pinag-ipunan ko nang ilang buwan.

Nakatayo nga siya sa labas ng coffee shop, nakapamulsa habang nakatingin sa akin at nakangiti.

"James! Shit, James, akala ko...akala ko 'di na kita makikita e..."

Umiiyak akong tumakbo palapit sa kanya. Bahala na. Wala na 'kong pakialam.

"Hoy!"

"Ha-ha?"

Palinga-linga ako sa mga mukhang nakatingin sa akin, lahat sila nakakunot ang noo.

"Bigla ka na lang nawawala d'yan! Ano na? May nakita ka?" tanong ni Jumbo sa akin. Unti-unting pinagpag ng nakakabwisit niyang boses ang mga sapot sa utak ko at luminaw ang paningin ko sa kasalukuyan.

"Wala p're. Malabo," sagot ko at sinubukang tumayo mula sa mabahong sofa kung saan ako pinaupo ng tropa. "'Wag na siguro tayong tumuloy."

Nagtinginan sila. Andun si James sa sulok, nagyoyosi. Si Robert naman, katabi ni Jumbo at nakikipagtinginan sa akin na para bang ako ang pinakabaliw na tao sa mundo.

"Ano ka ba, p're? Bukas, mamamatay na 'ko. Sinabi mismo ni James na papatayin ako ni Tanda kapag hindi ako nakabayad." Nakakunot ang noo ni Jumbo pero hindi ko nakikita sa mga mata niya ang takot. Ibang emosyon ang nakikita ko, iritasyon, habang ngatngat ang hintuturong tadtad ng singsing.

"James."

Mata niya lang ang gumalaw para tingnan ako. Hindi siya nagsalita at idiniin sa kinauupuang sofa na ka-terno ng kinauupuan ko.

"Ano ba, James?"

"Oo nga. 'Di ako gumagawa ng kwento. Pumunta si Tanda rito, lumabas siya ng lungga niya para balaan si Jumbo tungkol sa inutang niya. Kaya ikaw diyan, ayusin mo 'yang trabaho mo," sagot ni James sa nakasanayang bagot na boses.

HAVOC OUTBREAK: The Final RoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon