22.

12 1 0
                                    

March XX

Savannah's real busy at work, nagka-problema kasi sa isa sa mga pinag-invest-an niya. Nade-dehado siya ngayon dahil isa sa mga major stockholders ang nag-pull out. Kapag hindi siya nag-pullout, pati siya lugi. The problem now is she can't find the President of the said company or anyone in that company. Madami na silang naghahanap rito pero no luck.

She was in the middle of driving when she received a call from her Mom, buti na lang red light. Sinagot niya ito at nag-headset agad.

"Hi Nay!" She greeted.

"Uuwi kayo ngayon ha? Birthday ng Tatay" her Mom reminded. She cursed herself for not remembering. Ngayon bibili pa siya ng regalo.

"Opo Nay" sagot niya.

"Isama niyo yung kapitbahay niyo daw? Sabi ni Mareng Mica ay may something sa inyo"

"Aysus. Nay, mga kaibigan lang ni John 'yon" sabi ni Savannah "Tsaka sila lang 'yon, alam niyo namang kaibigan lang turing ni John sa akin"

"Basta, mamayang 6 dapat nandito na kayo! Sabihan mo sila. Mauna ka rin dito para matulungan mo kami mag-luto"

"Ay nako Nay, may mauutusan akong tumulong! Chef ng 5-star-hotel!"

"Hindi ko kailangan ng chef, ang kailangan ko ay tumulong ka."

"Oo na po Nay, I love you."

"I love you too. Mag-ingat ha?"

"Opo"

Pagkababa ng tawag ng Nanay niya ay agad siyang nag-u turn. She definitely needs to buy a present. Baka magtampo na naman 'yon sa kaniya.

Kailangan pa pala niyang tumulong sa bahay, pero ayaw niyang tumutulong sa ganiyan. Siya kasi ang ginagawang dishwasher at taga-linis ng bahay, napangisi siya ng maalala ang utang ng isang nilalang sa kaniya. Panigurado hindi makaka-hindi 'yon sa kaniya.

Mukhang makakapag-liwaliw siya ngayon. She will not think of work, kahit ngayong araw lang. Bahala na 'yang pera, napapalitan naman 'yan, nagagawan ng paraan. But moments, you can't do something about it. Mahirap maka-miss ng moment, ng memories.

Ayun ang madalas na paalala ng kaniyang Nanay sa kaniya. Family first, drop everything for your family, lalo na kung hindi ito sobrang importante. Because you can't replace family.

--

Lunch break ni Myrtle ng maka-receive siya ng text from Savannah. Alas sais impunto raw ng gabi ay dapat nasa bahay na sila ng nanay at tatay nito, bawal daw ang um-absent.

She doesn't mind going there, nami-miss na niya ang pancit bihon ng Nanay ni Savannah. And of course nami-miss na niya ang pamilya niya (although halos gabi-gabing tumatawag ang Mama niya sa kaniya, still iba pa rin ang personal)

Halos isang buwan na rin naman silang hindi umuuwi, partida napaka-lapit lang ng bahay nila sa parents nila. Walang five minutes drive.

"Magu-under time ako ngayon" Myrtle told Tonette.

Napataas ang kilay ni Tonette. "At bakit? May date ka?" Tanong nito. It's not usual for Myrtle to under time, mas madalas ito mag-overtime.

She rolled her eyes heavenwards. "As if, birthday ng tatay ni Sav, gusto kaming makita" she answered habang inuubos ang lunch niya.

"Su ---- si Boss" sabi ni Tonette, kumain na lang siya ng tahimik habang si June ay papalapit sa kanila.

Myrtle looked behind her, naglalakad nga si June papalapit sa kanila. Which is weird, bihirang pumunta si June sa area na 'to.

We Are Infinite (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon