18.

52 2 0
                                    

Natigilan sila sa pag-uusap ng lapitan sila ni Cat, 'yong TV host. Naupo agad ito at nginitian pa sila ng pagka-tamis-tamis.

"Do you mind if dito na lang tayo?" she asked, more like decided. Naka-upo na siya at naka-set up na din sa pwest nila ang ilaw at mga camera. "I think there are loads to talk about, not only business, but something else..." she added, tinignan pa niya isa-isa, maski si Jewel at Savannah na nanahimik sa may sulok.

June laughed, 'yong pilit na tawa. "There's nothing to talk about here Cat, doon na lang tayo sa pwesto mo. The lights will be better." June said. Getting all nervous. Ayaw naman kasi niyang idamaysila Jewel at Savannah sa magiging episode na ito. Siyempre, he... they still value their privacy.

"You guys are on partner system!" pagdadahilan ni Cat, nakapangalumbaba pa siya. "Besides, naka-set up na yung lights, you can't do anything about it" she added confidently, batting her fake eyelashes.

Napailing na lang si Damien. Napakamapilit talaga ng host ng show na ito, kung anong gusto niya, iyon ang masusunod. 

"Kayo, asaan ang partners niyo?" painosenteng tanong ni Cat habang nakatingin kay June at Damien.

Napahawak sa batok si Damien at tsaka ngumisi. Nainggit tuloy siya sa dalawang kaibigan, sana nga binitbit na lang niya si Ciara, kahit pa magalit 'yon. Matutuwa pa din naman 'yon dahil kakain. Lalo na't libre and kakainin niya.

Awkward silence filled the whole room. Walang nagsasalita, maski si Savannah kahit kating-kati na siya magsalita, alam naman niya na may ganitong manyayari, ang hindi lang niya inaasahan ay ang madadamay siya! Hindi siya handa! Biglang tumunog ang wind chime sa may pintuan, lahat sila ay napatingin sa gawi nito.

Cat clapped in excitement. "Oh good, they're here na! We can finally start!" she declared, smiling from ear to ear.

Nanlaki ang mata nila Savannah, Jewel, Charles, June, John at siyempre, si Damien. Hindi nila inaasahan na dadating si Ciara. Lalo na si Damien, hindi niya ine-expect na darating ang babaeng kasama nito.

Napangiti si Issa ng makita si Damien na gulat na gulat, lalo na si Ciara. Hindi naman kasi niya alam na andito pala an gmga kaibigan at ito ang sinasabi ni Issa na restaurant na mafe-feature. Dapat pala ay nagtanong pa siya, kaso pagkain ang involved. Napaghahalataan tuloy siyang patay gutom.

"Oh, hello little brother!" Issa greeted, grinning. Samantalang ang kapatid naman niya ay hindi natutuwa na makita siya.

"Wait, what?!" Naguguluhang tanong ni Ciara. "Your brother's in here? Who the heck is he?" tuloy-tuloy na tanong niya.

Cat clapped once again, this time clapping only thrice. "I knew it! We have loads to talk about!" she enthusiastically said.

Tahimik na naupo naman si Issa at nginitian silang lahat. "So, let's start?" she proposed.

June ordered his employees to bring more charis and table para mas maging comfortable sila mag-shoot, mabilis naman nilang nagawa ito. Wala pang five minutes, kaya naman ay nakapag-simula agad.

We Are Infinite (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon