6.

65 2 0
                                    

Nakakailang shot pa lang ng beer si Jewel ay nag-break down na agad ito. Myrtle expected this. Tutal, sa kanilang apat, si Jewel ang pinaka-problemado ngayon. Tapos na din ang mini-performance nila, at sa kasiyahan ni Savannah ay nagbigay ng free bucket each table ang loka. 

"Guys. Ano pa bang kulang sa ginawa ko? Sex lang ba talaga habol niya?" pagmamaktol ni Jewel. Medyo nasa private part sila ng bar, yung tipong scenery lang ang makikita mo, no loud music, nothing else, just the city lights.

"Friend, sa laki ba naman ng boobs mo e malamang oo" sagot ni Savannah. Medyo nasa wisyo pa siya. Onti-onti lang siya uminom ang most of the time ay yung view ang tinitignan niya.

Napaluha naman si Jewel. "Cia. Ano nga ba ulit ang 4R's na yun?" tanong ni Jewel.

"Reduce, Reuse, Recyle and Repair?" sagot ni Savannah, na tuma-tawa sa sariling sagot.

Ciara rolled her eyes. She looked at Savannah, medyo pula na ito. Actually, pulang-pula na si Myrtle, lalong lalo naman si Jewel. Kaya, siya na lang ang nasa katinuan sa kanilang apat. Which is good dahil sa tingin niya, siya ang magd-drive. At mukhang hanggang condo lang nila sa Katips ang kayang distansya ni Ciara na sure siyang safe sila.

"Yun yung return of stuff? Reveng? Blahblahblah?" tanong ni Myrtle. She remembered Ciara telling her those four nung mabasa ito ng kaibigan sa iasng libro, she tried reading it, kaso wala talaga siyang hilig sa pagbabasa. She watched the movie na lang imbis na basahin ito.

Tumango naman si Ciara tsaka uminom ng isa pang shot ng Black Label.

"Number one. Return of stuff, magkita kayo para magsulian ng gamit. Lahat ng mga in-invest niyo as relationship niyo, material man yan or feelings, return it. Recollect those shits" sabi ni Ciara, sabay upo ng maayos sa stool.

"Bitter naman niyan! Kailangan amg-sulian?!" sagot ni Savannah na parang hyena na kung tumawa.

"It's needed. Tsaka sabi ng libro! Hindi naman yun sa pagiging bitter lang e. Dahil kasi sa mga gamit na yun nagc-cling ka pa sa memories niyo. You still have this thread of hope na pwede pa kayong amgkabalikan" page-explain ni Ciara.

"Hindi ko naman ata kaya iyon. Ibabalik ko yung letters niya? Yung mga pictures? Bears? Lahat?!" sabi ni Jewel, nakasubsob na yung ulo niya sa lamesa habang pinapaikot-ikot yung liquor sa baso.

"Edi feelings na lang! Tss... Arte a. Baka kasi closure na lang naman kailangan niyo" sabi ni Myrtle na nakatingin sa malayo.

"Hindi ko alam. Ewan ko. Ugh" sagot naman ni Jewel.


"Sunugin mo na lang kung trip mo. Pwede din naman siguro yun" sabi ni Savannah.

"ANo na yung pangalawang R?" tanong ni Jewel at tsaka uminom ulit.

"This one is my personal favorite. Number two, reverse bittering. Mag-isip ka ng mag bagay na kalait-lait sa kaniya, yung mga ayaw mo sa kaniya." sabi ni Ciara, looking at Jewel's eyes intently. "Example, imagine kung kayo ang magkatuluyan, pango kayo pareho! KAWAWA SI BABY!" sabi ni Ciara na tuwang tuwa sa idea. Nakangiti na ito na abot tenga.

We Are Infinite (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon