28.

6 1 0
                                    

Itinuloy pa rin nila Jewel ang Batangas Outing na dapat sana ay Enchanted. Kasi ayaw pumayag ni Savannah, bahala na daw kahit ma-delay at hindi na available ang discounted tickets niya, huwag lang pumunta doon ng hindi kasama si Ciara. Dalawang sasakyan ang ginamit nila, nauuna ang Fortuner na gamit nila Jewel, Myrtle, Omi, at Joseph (designated driver), habang sumusunod naman ang Everest nila Damien (designated driver), June, John, Charles, at Savannah (wala daw siyang balak sumakay kasama si Joseph sa iisang sasakyan, matinding sakripisyo at pag-unawa na nga raw ang pag-payag nyang isama ito, pero expecting to ride the same car and endure his presence for a long time, no thanks).

Pagdating nila ng resort ni John (na kinagulat ni Savannah, wala daw sa itsura at ugali nito na mayoong three-star resort) ay dumiretso agad si Savannah sa kwarto na para lamang sa kaniya. Labag pa rin kasi talaga sa loob niya na kasama nila si Omi at Joseph, well Omi's torellable but Joseph... ibang usapan 'yon.

"Sav, lunch na tayo." Tawag ni Myrtle mula sa kabilang side.

Savannah groaned at sapilitang tumayo sa kama. Hindi niya alam kung makikipag-plastikan siya sa mga ito, ayaw naman na niyang dagdagan ang problema nilang magkakaibigan. Ilang buwan ng hindi nagpaparamdam si Ciara! Akala niya ay ilang araw lang ay magpapakita na ito, pero wala pa rin. Pumunta nga rin siya sa bahay ng parents nito para tignan kung nandoon siya pero wala - maski mga magulang nito ay wala. Ang sabi nung kasambahay nila ay umuwi raw ng probinsya.

Mukha nga ring alam na ng magulang ni Ciara ang nangyari dahil pagbalik ng mga ito mula probinsya at ng hinanap niya si Ciara sa kanila ay 'Hindi namin alam' lang ang sagot, hindi na tinanong pa kung bakit.

Pagkababa niya sa restaurant ay medyo maingay lang ang lamesa nila. Sila Damien, John, June, at Charles lang ang nag-uusap, at si Omi, Joseph, Myrtle, at Jewel lang. Kahit na nung nakita siya ni Myrtle at binigyan ng dito-ka-na-lang-sa-tabi-ko look ay hindi niya pinansin ito. Doon siya sa tabi ni Damien at Charles, pinaurong niya pa talaga ito makalayo lang sa mga kaibigan.

Hindi naman sa galit siya sa mga kaibigan, ang sa kaniya lang, umalis na nga yung isa sa kanila dahil sa isa sa mga bitbit nila, binitbit pa talaga. At ang malala pa, hindi man lang siya sinabihan ng two to three business days para man lang makapag-prepare siya ng plastic mode or maybe kahit pakikisama mode. Akala kasi niya binibiro lamang siya kahapon, laking gulat niya ng makitang may extrang ticket na sinama, nag-wala talaga siya kina John. Nagising din ang diwa niya kahit antok na antok siya kaninang umaga nung nakita si Joseph. (Well nagbigay ng heads-up si Myrtle na isasama niya si Omi kaya medyo okay lang siya kay Omi, pero ibang usapan si Joseph (wala atang magagawa si Joseph para mawala ang inis sa kaniya ni Savannah, wag lang talaga niya mahuling may ibang babae 'to dahil baka siya na mismo ang sumuntok dito))

Halos buong weekend ay sila John lang ang sinasamahan ni Savannah. Bahala na kung magtampo ang dalawang babaeng kaibigan dahil naiinis siya sa mga ito -- lalo na kay Jewel.

"Hindi mo ba talaga sila papansinin?" Tanong ni John, napahawak si Savannah sa dibdib niya, bigla na lang kasing sumulpot si John sa gilid niya.

She shrugged. Umupo naman si John sa tabi niya at niyakap ang sariling tuhod.

"Kaibigan mo pa rin sila"

"Right now, hindi kaibigan ang mga nakikita ko." Mapait na sagot ni Savannah. "Hindi ko sila kilala, lalo na si Jewel."

"Pero kaibigan mo pa rin sila."

"Wala akong kaibigang kayang ipagpalit ang sariling kaibigan para lang sa lalaki. Ang pagkakaalala ko motto namin ang chicks before dicks, boobs before... Anong nangyari?"

"Mahal niya eh."

Napailing si Savannah. "Pathetic excuse." naiinis nitong sabi. "Ikaw nga pinagpalit ko para sa kanila eh, given na mahal rin kita noon. Pero nakita ko yung point nila, na hindi maganda na naglalalapit ako sa'yo. Na masyado kang toxic sa akin -- pati na yung ate mo."

"Then maybe you didn't love me." Sabi ni John, nakatingin siya sa dagat, pinapanood ang alon. "Maybe you were just infatuated."

"Siguro nga." Sabi ni Savannah. "Sunud-sunuran kasi ako sa'yo dati. Kapag may kailangan ka, kapag may utos ka. Ako namang si tanga, si pa-bida susunod sa'yo. Buti nga nagising ako."

"Pero anong nagustuhan mo sa akin?"

"Kasi ikaw si John Carl Alvarado."

Napakunot ang noo ni John at tumingin kay Savannah, nakangiti ito, iyong abot sa mga mata.

"Hindi ka gwapo, hindi rin kagandahan katawan mo. Pero kasi, nakakatawa ka eh. Tsaka sayo ko naramdaman na may taong may kailangan sa akin, na may kwenta ako. Alam mo namang dati, madalas ng lalaking nai-involve sa akin ginagamit lang ako kasi may kailangan sila. Ikaw kasi, hindi ka ganoon. Alam kong sincere yung pakikipagkaibigan mo, pero aaminin ko, nasaktan talaga ako nung humingi ka ng tulong sa akin ligawan si Lovely, nasaktan rin ako nung inaway ako nung Ate mo. Pero kasi nung kasama kita, wala akong tinago sa'yo, tinanggap mo pa rin ako. Pinakita ko kung gaano ako kahina, inalalayan mo 'ko, tinulungan mo 'ko. Siguro ang tanga ko lang dati, umasa ako sa mga ganoong gestures mo, nilagyan ko ng meaning, ayun, nagpauto ako sa'yo. Nagpaka-sunud-sunuran ako sa gusto mo." Sabi ni Savannah, tinignan niya ai John na nakatingin pa rin sa kaniya. "Alam mo ba nung mga panahon na 'yon, inis na inis sa akin sila Myrtle. Ang tanga-tanga ko raw kasi, bakit daw ako pumapayag na tulungan ka? Bakit daw ako nagsusunud-sunuran sa'yo? Ano daw ba ang nakita ko eh mukha kang paa?"

The two of them laughed.

"Pero ano nga ba?" Tanong ni John, ibinalik niya ang tingin sa dagat. "Anong nakita mo sa akin?"

"Kasi sayo ko nga naramdaman na bukod sa kanilang mga kaibigan ko, may iba pang tao na tutulungan ako kahit na ipakita ko kung gaano ako kahina." Sagot ni Savannah. "Besides, noon pa lang, noong umamin ako sa'yo, umamin ka ng hindi mo kayang suklian yung nararamdaman mo, kasi nung mga panahong 'yon, si Lovely lang ang nakita mo. Ako lang naman itong nagpupumilit pa rin, kahit na lumalayo ka na sa akin nun kasi alam mong nasasaktan ako, ako pa rin yung siksik ng siksik."

"Hindi ba sila nagalit?" Tanong ni John. "Kasi diba parang ganoon rin naman si Omi at Myrtle?"

Umiling si Savannah. "Kasi ikaw ang lumalayo, ako ang nagpupumilit. Yung kay Omi at Myrtle, si Omi mahilig magbigay ng mix signals, tapos in the end iiwanan niya si Myrtle kasi may nahanap siyang iba. Yun ang kinaiinis namin kay Omi, tapos ilang buwan o taon niyang hindi kakausapin si Myrtle, tapos kakausapin niya na ulit, tapos ulit na naman."

- - -

"Hindi ba talaga tayo kakausapin ni Savannah?" Tanong ni Myrtle kay Jewel ng mag-CR silang dalawa. "Ano pang use ng pagpunta natin dito?"

"Edi wag niya tayong kausapin." Sabi ni Jewel. "Sus. Akala naman niya hindi natin kaya."

"Ako hindi ko kaya" pag-amin ni Myrtle habang pinapanood sa salamin ang kaibigan na naghuhugas ng kamay. "Hindi ko kayang hindi tayo kausapin ni Savannah at hindi ko kayang magta-tatlong buwan ng hindi nagpaparamdam si Ciara."

"Edi kausapin mo" sabi ni Jewel, naiinis niyang tinapon ang tissue sa trashbin at lumabas ng CR.

Myrtle sighed habang nakatingin sa pinto. She can't stand seeing how their friendship is falling apart. She can sacrifice Omi for them, si Omi lang naman ang nagpumilit na sumama kahit ayaw niya.

Nagising siya sa katangahan niya after one week ng umalis si Ciara. She can't sacrifice her friends just for the sake of love life. Mas matagal niyang kilala ang mga ito, sila ang iniiyakan niya tuwing nasasaktan siya kay Omi, sila ang nagpapakahirap patawanin siya kapag nalulungkot, sila ang nandiyan lagi para sa kaniya, hindi si Omi.

Mahal niya si Omi, pero mas mahal niya ang mga kaibigan.

She can sacrifice everything for Omi, but she can sacrifice Omi for her friends.

Ngayon lang niya nakikita ang katangahang nagawa niya. If she could only turn back time ay ginawa na niya, nasa huli talaga ang pagsisisi.

Mahal niya pa rin si Omi, hindi naman nawawala ito. Pero ngayon kayang kaya na niyang sabihin na kaya na talaga niyang mag-move on dito at hindi na half-hearted ang pagmo-move on na iyo.

Omi's a fun guy, a great friend, but he is toxic for her. Toxic na mahalin niya ito beyond friends. Siguro nga mas maganda na lang na maging magkaibigan sila, mas maganda na siguro na wag niyang ipilit maging boyfriend ito. Dapat siguro makuntento na siya sa kung ano sila. She'll move on, not now but eventually.

We Are Infinite (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon