1.

142 3 0
                                    

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAH! HUHUHU!" iyak na pasok ni Jewel sa bahay nilang magkakaibigan. Kanina pa kasi niya ito pinipigilang tumulo habang nagd-drive siya pauwi. Feeling niya aksi mukha siyang tanga habang umuuwi ng umiiyak sa loob ng sasakyan. Kahit pa tinted ang kotse niya.

"JEWEL! ANONG NANGYARI?!" Nag-aaalalang tanong ni Myrtle na siyang unang unang sumalubong sa kaibigan pagkapasok nito ng bahay at agad itong niyakap ng mahigpit.

"Hala Je! Anyare?!" hysterical na tanong ni Savannah, na nagmamadaling bumaba ng kwarto niya. May towel pang nakalagay sa ulo nito na halatang katatapos lang maligo.

"Baka nagbreak na sila ni Pango este Tango" medyo malakas na pagkakasigaw ni Ciara mula sa kusina. Nagp-prito kasi siya ng ginawa niyang turon na may chocolate sa loob para sana ay meryenda niya --- nila.

Pagkasabi ni Ciara noon ay lalong umiyak ang kaibigan.

"Guys. Walang hiya siya! NILOKO NIYA AKO! BWISET SIYA! Akala ko totoo yung feelings niya! NA AKO LANG! LECHE! HINDI PALA!" Pag-iiyak ni Jewel.

"Aysows! Lalaki lang yan!" Pangangaral naman ni Myrtle. Bitterness can be sense in her voice.

"Bitter ka lang kasi nag-away kayo ni Yves a few weeks back!" angal naman ni Savannah.

Ciara appeared from the kitchen. May dala-dala din itong tray na puno ng turon na may chocolate. "Parang hindi ka in love sa best friend mo a. Iiyak iyak ka din nga nung isang araw kasi nag-away kayo ng ex-best friend mo na si Jane, na kapatid ni John na best friend mo din dahil tutol si Jane sa unrequited love ninyo ng kapatid niya, and additional info lang, kakabati nyo lang ulit ni Jane three weeks ago."

"At least close kami! And kilala dinako --- ay kilala ka pala niya pero parang hindi. HAHAHAHAHA" pang-asar ni Savannah sa kaibigan.

"Guys. Diba dapat pinapatahan niyo ako? Words of wisdom please?" sabat naman ni Jewel na nagpupunas ng sipon.

"YUUUUUUUUUUUUUUUUUCK!" sabay sabay na sigaw ng tatlo. Suminga kasi ito sa damit ni Myrtle.

Binatukan tuloy ni Myrtle si Jewel "Walang hiya ka naman e. Ginawa mo pa akong tissue!" sabi niya sabay punta ng kwarto niya at nagmadaling magpalit ng damit. Medyo ramdam niya kasi yung mamasa-masang feeling na medyo sticky.

"Guys" tawag ni Jewel. Tina-try pa niyang abutin yung dalawa. Nagmadaling bumalik si Ciara sa kusina habang si Savannah naman ay pumunta ng CR para kumuha ng tissue at ibinato kay Jewel tapos sumunod din kay Ciara sa kusina para kumain ng meryenda.

"Mamaya ka na mag-drama friend. Later na ang words of wisdom. Kadiri ka to infinitiy and beyond!" sigaw ni Ciara.

-

Simula ng makauwi ng bahay nila sa Antipolo around three o'clock ay walang tigil ang iyak ni Jewel. Non-stop. Parang gripo. Yung mga kaibigan niya ay hindi nagkakanda-ugaga kakapatahan at kakabigay ng words of wisdom nito --- everyone except Ciara. Ayon nga kay Ciara, 'hindi naman kasi titigil kakaiyak yan e, lahat ng sasabihin natin sa kaniya kokontrahin niya, so why make an effort? Kapag nagkaroon na siya ng sense ng kausap tsaka ko na kakausapin yan'

We Are Infinite (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon