NAPANGISI siya habang nanunuod ng Mirai Nikki sa flat screen tv sa kwarto niya. Padala iyon sa kanya ng tiyahin niya na nagtatrabaho sa ibang bansa. Kasalukuyan kasing nagpapatayan ang mga characters na iyon. Nagkalat ang dugo sa paligid. Kuntodo sound effects pa siya. Nakapatay din ang ilaw sa kwarto niya at tanging ang tv lamang ang nagbibigay liwanag doon.
Aaah! Blood!
Biglang kumalat ang liwanag sa kwarto niya. Pag lingon niya sa pinto ay ang nakangangang ate niya ang nakita niya. Tumili ito ng pagkalakas-lakas nang makita kung ano ang pinapanuod niya. Binato niya ito ng unan. Tila noon lang ito natauhan.
"Don't you know how to knock?"
"Can you turn that off first?"
"No." ibinaling niya ang atensyon niya sa pinapanuod. "May kailangan ka ba?"
"Oo. I need you---"
Napatili ito nang pumailanlang ang tawa ni Yuno sa kwarto niya, ang psychotic na babaeng bida sa anime na iyon. Natawa nalang siya dito. Ang OA talaga ng ate niya kahit kailan. Pinatay niya ang tv saka siya gumulong para makaharap dito."O, ano uli 'yun?"
"May concert mamayang gabi si Misha sa Araneta." Tila hindi mapakaling sabi nito. Parang pusa itong hindi maihi.
"Should I celebrate?"
"No need." Inirapan siya nito. "Go with me to Misha's concert."
"Ayoko." Akmang bubuksan niya uli ang tv nang agawin nito ang remote sa kanya.
"You have to."
"Why? Mas matanda ka sakin. Hindi ka naman siguro maliligaw, diba?"
"Hindi ako papayagan ni Mama kapag hindi ka kasama."
"Oh, good. Kasi wala akong balak na samahan ka."
"Come on, sis." Tila biglang naging maamong tupa ito. "Samahan mo ako, please? Ngayong gabi lang naman, eh."
"No. May laban kami mamaya. Pwera nalang kung..." sinadya niyang ibitin ang sasabihin niya.
"Babayaran mo ako ng one thousand."
"What?! One thousand? Ok ka lang? Anong kala mo sakin? Mayaman?"
"What? Iyon dapat ang mapapanaluhan ko kung sasali ako sa game ngayon." Joke lang. Siyempre, may additional iyon. Aba, papagurin pa siya nito. "No one thousand, no Misha."
"Fine!"
Nagmartsa ito palabas. Bitbit pa nito ang remote ng tv niya. Akala niya ay hindi na siya guguluhin nito. Pero maya-maya lang ay bumalik ito bitbit ang wallet nitong may mukha ni Misha. Itinapal nito sa noo niya ang one thousand na hinihingi niya. Napangisi siya. Nautakan niya nanaman ang kapatid niya. Si Misha talaga ang kahinaan nito. Kinuha niya ang one thousand sa noo niya at hinalikan iyon.
"'Yan na. Can we go now?" tila naiiritang sabi nito.
"Wait, magpe-prepare muna ako."
Hinagis nito ang remote sa kama niya saka ito nagmartsa palabas sa kwarto niya.
*****
"ATE, sigurado ka bang papasok ka diyan sa concert hall? Ang daming tao, o."
"Of course. All for the love of Misha. Ang dakila ko diba?"
"Oo. Dakilang tanga." Bulong niya. Ipinasak niya nalang ang earphones sa tenga niya. Makikinig nalang siya ng hard core rock songs kesa pakinggan ang ate niya. Kasalukuyan silang nasa harap ng lugar na gaganapan ng concert. Siksikan ang entrance. Siguradong kapag nakisingit sila sa mga ito ay lasog-lasog na sila bago pa man sila makapasok. Pero mukhang walang pakialam ang ate niya dahil handa yata nitong suungin kahit isandaang libong sundalo para lang makita nito ang iniidolo nito. Pero siya? No way. Ayaw niyang pumasok doon. Mahal pa niya ang buhay niya. Maghihintay nalang siya dito sa labas.
BINABASA MO ANG
He Could Be The One (COMPLETED)
ChickLitDahil sa pagpipilit ng ate ni Rona na sumama siya sa concert ng idol nitong si Misha ay nagulo ang dati'y tahimik na buhay niya kapiling ang mga anime at online games. She met Misha's ego maniac cousin, Jirayu Champakdee, an overly gorgeous half Tha...